Chapter 46:

2.3K 26 17
                                    

Ang tagal nyang sumagot! Pakiramdam ko bumabagal tuloy tibok ng puso ko sa sobrang kaba -__-

"Ano?" tanong ko sa kanya na parang iiyak nanaman ako

"Bakit mo natanong?" tanong nya sakin..

"gu-gusto ko lang---wag na nga!" di ko na kinaya dahil nagiging kahiya hiya lang ako at naghadali nalang akong maglakad palabas sa kwarto nya pero natigilan ako ng sumabit ang kamay ko sa kamay nya O__O

hindi naman aksidente e.. sinabit nyang kusa ang kamay nya kaya ngayon magkahawak ang kamay namin >.<

Tinignan ko sya pero hindi sya tumitingin sakin habang ang kamay nya a dahan dahang nilalaro ang mga daliri ko... nangingiyak tuloy ako at hinawakan ko ng mahigpit ang kamay nya.

"Harold umalis nalang ulit tayo... bumalik tayo sa dati" umiiyak kong sabi sa kanya pero hindi ako tumitingin sa kanya..

"ayokong maulit yung nangyari noon-

"Hindi naman e! Kakayanin naman natin e! Ano ba?!" tumingin ako sa kanya at tumingin sya sakin.. 

"Lydia.. malayo na lahat ng bagay sa-

"Mahal mo pa ba ko?!" hindi ko na napigilan itanong sa kanya yun at mas lalo kong hinigpitan ang hawak sa kamay nya..

"Ano?" tanong ko pa dahil ayaw nyang sumagot >.<

"Harold sumagot ka naman..." nanghihina ako TT_____TT

tumingin sya sakin na parang binabasa ang nasa isip ko.... 

"gusto kong malaman kung saan pa ba ko lulugar sayo" sagot ko at ibinaba ko nalang ang tingin ko dahil nakakaramdam ako ng pagkadismaya TT____TT lumuluwag na rin ang hawak ko sa kamay nya pero biglang sya ang naghigpit sa pagkakahawak kaya agad akong napatingin sa kanya O___O

"Ha-Harold?" di ako makapaniwala >.<

huminga sya ng malalim na parang may naiisip.. pero bigla syang umiling at napasapo sa noo >.<

nagsalubong tuloy ang kilay ko dahil hindi ko sya maintindihan :(

"Kapag sinabi mong mahal mo ko.. wala ng bawian" sagot ko nalang sa katahimikan nya

"Si Andrea" dismayado nyang sagot

"Wa-wag mo sabihing mahal mo yun?!" nanggigigil kong tanong >.<

"H-Harold?" May narinig akong boses mula sa gilid namin at pagkakita ko O___O

si Andrea?! i-ibig sabihin narinig nya kami?!

Nagkabitaw agad ang kamay naming dalawa ni Harold.. teka?! natatakot ba sya?!!

"A-ang ibig sabihin ba nun---

"Naunang maging akin si Harold" agad kong sagot sa kanya dahil ayoko na talaga itago yun! Napatingin sakin si Harold

"Ha!" naiyak si Andrea sa sinabi ko pero matapang parin ang mukha nya na nakatingin sakin

"Lydia" awat naman ni Harold >.<

"Harold kapag hindi ka sumama sakin hindi mo na ko makikita" naiiyak na rin ako pero pinipilit kong ipakita sa kanya na matapang akong panindigan ang hamon ko

"a-ano?!" di makapaniwala si Harold sa sinabi ko

"Harooold" tonong nagmamakaawang sabi ni Andrea at lumapit sya kay Harold

"Andrea!!" awat kong sigaw sa kanya at biglang may dumating nanaman sa kwarto at si Kuya Earl naman >.<

"A-anong nangyayare?" tanong ni Kuya at pumasok sya sa kwarto

UnconditionalDonde viven las historias. Descúbrelo ahora