Chapter 34:

2.6K 33 10
                                    

Pinuntahan na namin yung bahay daw nung Ines, yung kakilala ni Harold... at ayun.. narating rin naman namin agad...xD

Dulo ang bahay nya... tanaw na tanaw dito yung isang bundok at open field na yung katabi ng bahay at maraming puno rin..xD Malawak ang bakuran ng bahay kaya maganda.. meron pang mga lamensa at upuang pahaba dito sa labas.. may mga manok at aso rin.. 

Yung mga aso tahulan ng tahulan -____-

"Nana Ines.... Nana Ines" Tawag ni Harold at may matandang babae ang lumabas mula sa bahay...

Naniningkit ang mata nya kase tinatanaw kun sino kami..xD

"Nana si Harold po ako!" sigaw pa ni Harold at naglakad palapit samin yung matanda

"Oh.. ikaw pala... tara dito at pumasok kayo" sabi nya samin at ayun.. pumasok kami kahit tahol ng tahol yung aso..xD

Maluwag rin naman ang loob ng bahay... simple lang sya, gawa sa kahoy at kurtina lang mga pinto..xD Pero malamig kase malalaki ang bintana nila dito.. at ang takip ay yung tinutukuran. alam nyo yun? xD

Pagpasok namin pinaupo nya agad kami... gawa sa kawayan ang upuan..

Totoo pala ang sinabi ni Harold.. simpleng simpleng pamumuhay nga lang talaga ang meron dito.

Naupo sa harap namin si Nana Ines kung tawagin ni Harold.

"Sino nga pala iyang maganda mong kasama" nakangiting tanong ni Nana Ines.. Napangiti tuloy ako

"Si Lydia po Nay... Nay may pagpapaalam ako sayo pumayag ka na" natatawang sagot ni Harold tapos aakmang mamamalo si Nana Ines..xD

"Wala ka pa ngang tinatanong gusto mo agad pumayag ako.. Nagtanan ba kayong dalawa?" prangkang sagot samin ng matanda

"Nay hindi ah... gusto lang magbakasyon ng batang to" Biro ni Harold tapos kumapit sa bewang ko, sinagi ko nga! Tawagin daw ba kong bata -___-

"Oh.. halata nga nakauniform pa.. excited nga siguro ata" parang ang-uutong sagot ni Nana Ines..xD

"Nay wag ka mag-alala tulungan tayo dito.. wala na talaga kasi akong maisip na ibang mapapagdalhan sa kanya.. e dito nung napunta ako gustong gusto ko naman dito" sagot ni Harold

"Oo sige dumito kayo hanggat gusto nyo,... kahit dito na kayo gumawa ng pamilya e sige lang ng magkaapo" abot tenga ang ngiti ni Nana tapos tumayo sya

"Basta Nana wag ka mag-alala di kami magiging pabigat sayo" sagot pa ni Harold

"Sus.. o tara na kayo dito magkape tayo.. nagpabili na ko dun sa bata ng pandesal e bakit wala pa" Nagrereklamong sagot  ni Nana habang parang sinisilip pa ang pintuhan..

Nasa 50+ o 60+ na siguro ang edad nya.. medyo mahina hina na sya at mabagal maglakad kase medyo may katabaan sya pero mukhang malakas pa naman sya...

Sumunod na kami at naupo dun sa kusina nila..

"Ine ngayon ka lang ba napunta dito?" Tanong nya sakin pagkaupo nya

"Opo.." Nahihiya kong sagot..xD

"E basta kayo e hwag kayong mahihiya sakin, kung dito kayo titira e dapat maging komportable kayo kahit maliit liit ang bahay natin..." sagot nya sakin

"Opo naman po.. hehe masarap nga po dito e.. madaling araw presko yung hangin tsaka mukhang maraming mapaglilibangan" sagot ko sa kanya

"Nako napakakukulit ng mga bata dito.. hindi ka tatantanan hanggat di ka pagsasawaan" sagot nya sakin at nilapag naman ni Harold yung kape na tinimpla nya... Kinikilig tuloy ako..xD Mukha kasi kaming pamilya.. BWAHAHAHAHA

UnconditionalWhere stories live. Discover now