W.I.L. - number 59. Being like them.

467 16 2
                                    

Pagkagising ko ang sarap sa pakiramdam, marahil ito ang isa sa mga rason na sinasabi nila kung bakit kailangan ko maging buo sa pagiging diyos. Hehehe Nakakatuwang isipin na ganap na akong diyos. Hindi ko alam kung ilang oras ako nakalatay sa higaan pero pagkagising ko kanina... nakangiti sa akin si Ina. Marahil nagtagumpay sila sa pag-alis ng kapangyarihan ni King Walter sa akin.

"Butt, hindi ka ba nalulungkot?"

"Ano po bang tinutukoy niyo, Goddess Sophie? "

"Hindi ka ba nalulungkot sa pagiging tagasunod? Yung tipong hindi ka ba nagsasawa sa pagmumukha ko ? Lagi kasi tayong magkasama... Yung tipong ganun." kakwentuhan ko si  Butt since wala naman akong ibang kausap dito kundi siya lang. 

"Bakit Goddess Sophie? Nagsasawa po ba kayo sa pagmumukha ko? Hala... Pagpasensiyahan niyo na po, kun-kung hindi po ako kasing ganda niyo .. kung nagsasawa po kay~ " sabay palo ko sa kanya kaya napahinto siya sa pagsasalita.

"Tumigil ka diyan, Butt! Syempre hindi ako nagsasawa sa mukha mo."

"Eh bakit niyo po ba natanong ang bagay na iyon?"

"Nalulungkot lang kasi talaga ako."

"Ito po baý dahil sa kasintahan niyo na nawalay sa inyo?" sabay tango ko sa kanya...

"Butt... Sobrang miss na miss ko na siya ...." sabay napayakap nalang ako kay Butt habang napa-iyak ng kaunti.

"Okay lang yan, Goddess Sophie. Ganun talaga pagmahal mo ang isang tao hindi magiging madali ang pakiramdam na wala siya sa tabi mo." nang lumayo ako kay Butt, pinagpupunas ko ang mga tulo ng luha sa mata ko.

"Umiyak kana nun agad? Hindi ko man lang napansin."

"Pagpasensiyahan mo na ako! Ang OA ko no? " sabay singot ko. '"Naku, sinipon na tuloy na ako!"

"Goddess Sophie, gusto niyo po bang yakapin yung totoong kasintahan niyo?"

"HUh? Bakit papapuntahin mo ako sa mundo niya?"

"Ho? Hindi po. Hindi ko po yun kayang gawin ito lang po ang kaya kong gawin para sa inyo." sabay hinawakan niya ang ulo ko na pinagtaka ko.

"Bu-butt, ano bang gagawin mo?" Nakapikit lang siya habang nakahawak ang kanyang mga kamay sa ulo ko.

"Goddess Sophie."

"Bakit?"

"Pwede po bang pumikit ka muna tapos isipin niyo po yung itsura nung kasintahan niyo."

"Hindi nga ?" nakita ko siyang ngumiti. "Seryoso ka ?"

"Opo naman..."

"Okay. Sabi mo eh" Ipinikit ko ang mga mata ko! Sinunod ko ang utos niya sa akin na isipin ko lang si Erry. Grabe, kung pwede lang na pumasok ako sa isip ko ... gagawin ko para naman makasama ko lang si Erry.

"Pwede niyo na pong idilat ang mga mata niyo, Goddess Sophie!" nang marinig ko yun, binuksan ko ang mga mata ko.

"HUh? E-Erry?" nakita ko na si Erry na ang nakahawak sa ulo ko kaya naman napangiti ako ng todo... Paano nagawa ni Butt na papuntahin dito si Erry?

"Ang galing ko, Goddess SOphie??" pero super na-disappoint ako nang boses ni Butt ang narinig ko. Ngumiti nalang ako kay Butt.

"Thank you Butt for doing this to me." Tinanggal ko na ang kamay niya at nakita ko na bumalik na siya sa dati niyang anyo.

Sabay iniwan ko si Butt mag-isa... Naiiyak na naman kasi ako at ayaw kong makita niya iyon! 

"Goddess Sophie !!! Hintayin niyo po ako! Sorry na po..." napahinto ako sa paglalakad tapos humarap sa kanya ng nakangiti... buti nalang napunasan ko agad yung mga luha sa mukha ko.

War In Love (Lee Min Ho and Suzy Bae)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon