W.I.L. - number 64. I'm Keith not Erry.

348 11 1
                                    

Wow 75 views sa last update ko. ahhahah THANK YOU READERS...

May mga rescuers na ang dumating upang sagipin ang mga sakay ng lumubog na barko.

Scene @Hospital.

"Buti nalang talaga..biglang lumakas ang alon kanina kundi matatagalan talaga tayo makarating sa seaside!" Marami kasi sa kanila ang sinubukan na lumangoy papunta sa seaside kahit mga dalawang kilometro pa ang layo nila

"Sinabi mo pa! Grabe talaga ang nangyari sa atin kanina pero buti na rin at walang namatay!" may nag-usap yung dalawang lalaki na naka-upo.

Hindi sumama sa Hospital si Sophie dahil hinanap niya pa ang duwende na si Nono sa lumubog na barko. But before Sophie decided to find his little dwarf friend, she made sure that everyone would have saved by all the rescuers .

"Keith! Kanina pa kita hinahanap!" Sabay yakap ni Mayummi kay Keith. "Thanks God you're safe!"

"Ano ba daw sanhi ng pagsabog ng barko?!"

"Sa ngayon hindi ko pa alam."

"Baka naman may kaaway ka?!"

"Kaaway?! Wala, at isa yun sa mga pinagtataka ko! Mabait naman ako kaya bakit ako magkakarun ng kaaway?!."

"Iuuwi na kita. Okay ka na rin naman eh,

"Mas mabuti pa nga."

~~♢~~♢♢~♢♢♢~♢♢~~♢~~

"Nono!!! So happy at ligtas ka!!!" Natagpuan ni Sophie ang duwende na palutang lutang sa dagat.

"Huh??!" Iminulat ni Nono ang kanyang mga mata dahil maaga na.

"Kanina pa kita hinahanap sa loob ng barko, buti nalang at andito ka lang pala!!"

"Barko?" pagtatakang tanong ni Nono, sabay napansin niya na nasa gitna sila ng dagat. "Bakit po tayo nasa dagat?!" sabay layo niya kay Sophie. "Siguro po binalak niyo akong itapon pero dahil nakonsensiya kayo, hinanap niyo ako ulit! Ang sama niyo!" humahalakhak ng tawa si Sophie.

"Syempre hindi ko gagawin sayo yun! Kung gising ka lang kagabi malalaman mo kung bakit na-andito tayo ngayon. Gusto ko sana ikwento sayo kaso yung mahalagang bagay na muna ang sasabihin ko sayo."

Nang biglang maalala ni Sophie ang tungkol sa pendant ni Nono.

"At ang unang naisip kong bagay na sabihin sayo ay yang tungkol sa pendant mo na umilaw kahapon.!"

"HUH?! Talaga po? UMILAW? KELAN?! SAAN!??!!"

"Dun sa building nila Erry."

"NAKITA MO NA PO SI Erry?!!"

"Oo!" Sabay ngiti ni Sophie. "Kaya hindi kana mahihirapan sa paghahanap sa kanya.

"Mabuti naman! Ang galing parang hindi na tayo mahihirapan sa problema natin!!" galak na galak si Nono sa kanyang nalaman kaso napansin niya ang kalungkutan ni Sophie.

"Bakit po tila hindi kayo masaya ?"

"Kasi may dumagdag na problema."

"ANO YUN?!"

"Hindi ako maalala ni Erry na ngayon ay si Keith na!"

"Natulog lang ako, ang dami na agad nangyari! Paanong nangyari na si Erry ay naging Keith? Ano to teleserye? May pa limot limot factor?? Tsk tsk, hindi kaya... gusto niya kalimutan lahat ng tungkol sa inyo kaya niya nagawa yun?" Gustong kalimutan ang tungkol sa amin? Pwede rin.

"So ano na plano natin?"

"Baka bumalik na muna ako sa Laneaven... pag-iisipan ko pa kung itutuloy ko pa ba to."

War In Love (Lee Min Ho and Suzy Bae)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon