W.I.L. - number 45. Dahil isa siyang Darevil

855 30 6
                                    

HI GUYS...  I miss you hehehe 

Actually hanggang 55 chapters na po ang nagagawa ko kaso ngayon ko lang naisipan mag -update !!! ^_________^ 

Looking foward po kasi ako sa ibang genra ng story na to... pero hindi pa po yung kasama sa 55 chapters hahahaha ...

~~~~~~~

Salamat naman at nakalabas na ako!!

Pumatong ako sa may bubong ng isang maliit na bahay.

"Huh?" inilibot ko kasi ang tingin ko nang makita ko na marami na namang tao sa palasyo...

"Ang daming tao! Ano na naman bang meron?! May bibitayin na naman ba ?!" tumalon ako nang sa ganon makatakbo ako papunta dun sa may pinangyarihan ng kaguluhan ngayon...

"Si-si Yunice yun ah?! Bakit siya nandun at kasama ang mahal na hari... Mukhang may hindi talaga magandang nangyayari..."

Kanina lamang ang lakas lakas pa ni King Walter pero ngayon nakalugmok na siya sa sahig at kinakaladkad ni Yunice! 

Mas sinubukan ko pang makalapit kaya nakisingit ako ng husto hanggang sa mapadpad ako sa unahan...

"BAKIT AYAW MO SABIHIN SA MGA MAMAMAYAN MO NA ISA KANG NAPAKASAMANG HARI !!!!!"-malakas na sigaw ni Yunice sa harap ni King Walter.

"tu-tumigil kana... " -mahinang sabi ni King Walter na patuloy pa ring nanghihina.. Hindi ko sure pero parang may kung anong ginawa sa kanya si Yunice para manghina siya ng ganun!

"WALA KANG KWENTANG AMA !!! HAYOP KA !!!" nilapit ni Yunice ang mukha niya sa mahal na hari nang sabihin niya ang bagay na iyon.

Meanwhile, ang lahat ng nakarinig ay nagulantang sa kanilang nalaman and actually kasama ko ron!

" Anak ni King Walter si Yunice.? But how~~"

"Grabe pala talaga si King Walter, lahat ng mga nagiging anak niya sa mga babae niya pinapatay niya. Maswerte lang ang babaeng iyan dahil nakaligtas siya mula sa kasamaan ng ama niya." sabi nung isang babae sa katabi niya.

Late na ba ako? Mukhang marami ng nasabi si Yunice na hindi ko man lang naabutan !!! tsk tsk ! 

"Kaya nga... kaso tignan mo naman mukha na siyang demonyita katulad ng tunay na anyo ng kanyang ama.!" napalunok nalang ako sa mga nalaman ko.

Si Yunice ang tinutukoy sa propesiya na sisira ng mundo...? Kaya ba matagal ng iba ang pakikitungo namin sa isa't isa dahil ang totoo magiging magka-away pala talaga kami...

"Huh?! si Erry yun ha ?!" may mga kawal ang nakahawak kay Erry kaya marahil hindi ito nakakagalaw ayon sa kagustuhan niya.

"TSk ! Wa-wait parang may mali sa mga gwardiya!!!" They don't look like that a while ago when they'd arrested me !

"At nakakapagtaka bakit wala man lang mga opisyal ang tumututol sa pangyayaring ito? Where are they ?"

War In Love (Lee Min Ho and Suzy Bae)Where stories live. Discover now