W.I.L. - number 73. Sorry hindi ako katulad mo.

177 9 0
                                    

 Medyo madilim dilim pa ng magising si Keith. May liwanag na nanggagaling sa labas .

"Mukhang nawala na ang lagnat ko." Nang mapansin niya si Sophie sa tabi niya na natutulog.

"Buti naman nakatulog siya. Umayos ng higa si Keith nang sa ganon ay matitigan ng maayos si Sophie.

"Pasensiya kana Sophie.. May experiment kasi ako ngayon. Hindi ko rin maintindihan ang sarili ko. Hindi ko maamin sa sarili kokung may nararamdaman na ba talaga ako sayo. Parang ang corny kasi kapag ganun. Basta ang alam ko ayoko lumayo sayo.Kaya marahil nagpapasalamat ako sa puno at dinikit ka niya sa akin. Hindi ko alam kung saan pupunta to. Alam ko aalis kana pero siguro mas okay na rin na kapiling kita sa mga natitira mong araw dito. Sophie.. sorry." Unti unting nilapit ni Keith ang ulo niya kay Sophie sabay kiss sa bibig ng dalaga.

Hindi pa bumangon si Keith ..hanggang sa makatulog ulit siya.

~~~~

Maaga na.

"Sophie gising na.." nilalapit ni Keith ang bibig niya sa tenga ni Sophie.

"Okay ayaw niyang magising."

"Kinagat niya tenga ni Sophie."

"Aray ko!!!" Nang mapansin ni Sophie na sobrang lapit ni Keith sa kanya bigla siyang nataranta.

"Whah!!" Tinulak niya agad si Keith. Napalakas ang tulak dito kaya naman nalaglag si Keith sa sahig. At no choice kundi nasali siya dahil dikit ang kamay nila.

"Aray ko ang lakas mo." Nakayakap si Keith kay Sophie.

Wait mukhang sinasadya ni Keith mahulog rin ako. Gumamit siya ng sarili niyang force para tuluyang malaglag ako although malakas talaga pagkatulak ko sa kanya.

"Okay ka lang?" Bumangon ng kaunti si Sophie at ang lapit ng mukha nila sa isa't isa kaya naman nataranta na naman si Sophie.

"Hindi pwede to!!" Biglang lumayo si Sophie.

"Namumula ka ata."

"Ako?? Hindi. Nauna kasi mukha ko kanina kaya siguro yung dugo ko napunta sa ulo."

"Ganun? Sige tulungan mo na ako tumayo."

"Ah sige. " hinawakan ni Sophie ang kabilang kamay ni Keith. Sinusubukan ni sophie iangat si Keith kaso ang bigat

"Wag ka nga magpabigat!" Triny ulit ni Sophie angatin si Keith ng sunod sunod.. pero nabigo lang siya. At napagtripan ni Keith siSophie. Hinatak niya si Sophie at napatili naman to..

"Paano ba yan ang hina mo."

"Ano ba sa tingin mo ginagawa mo?"

"Nangbiglang may pumasok sa kwarto nila."May tao.." aangat na sana si Sophie nang yakapin siya ni Keith para di makagalaw.

 "Makikita tayo."

"Mukhang bumaba na ang dalawa. " sinara na ulit ang pinto.

"Ano ba iniisip mo?"

"Ha? Bat mo natanong?"

"Baka makita tayo nila na sa gantong posisyon."

"Hindi na yun babalik. Diba they check once."

"Mukhang kailangan ko na magtoothbrush.." aalis na sana siya ng yakapin siya ni keith sa baywang

"Uy, Keith. Ang baho ng hininga ko."

"Hindi ko naman naamoy.".

"Ha?! Ang~ ang baho ng hininga mo kaya !"

"Hindi mo naman naamoy eh."

War In Love (Lee Min Ho and Suzy Bae)Where stories live. Discover now