W.I.L. - number 10. kulot na naging straight?- Erry.

1.4K 40 11
                                    

Nabitin kasi ako sa update ko kahapon kaya magUUD ako ngayon hahaha

8reads palang yung chapter 9, hehehe nasan na kayo mga mahal kong readers heheh hinahanap kayo ni Ms. Author heheh XD

Sophie's POV

Dahil sa kakahintay kay Erry kung ano ano tuloy pumasok sa isip ko habang nakaupo sa may isang malaking bato.

"Kapag gumaling na si Erry.. Babalik na kami sa Greenland at kailangan ko na siyang iwasan.." Yung tipong kahit sandali lang kami nagkasama natutuwa pa rin ako. Nang bigla kong napansin yung bracelet. "Isang beses ko nga lang pala nautusan si Erry gamit ang bracelet na ito, at iyon ay nung inutusan ko siyang sampalin ang bibig niya sa pagiging bastos sa pakikipag-usap sa mga matatanda sa love town." Yung tipong alam kong kapag bumalik na kami sa Greenland hindi na pwedeng mangyari na hahawakan niya ang kamay ko sa twing kinakailangan niya ng alalay kapag bulag siya. At alam ko na kapag bumalik na kami sa Greenland ay malaking distansya na naman ang papagitan sa amin dalawa dahil ako isang hamak lang na simpleng sorcerer at siya prinsipe na ubod ng kayabangan na sobrang hirap intindihin. Bakit ba kasi siya pa? Kaasar na puso, pipili na nga lang sa isang pagkakataon ay iyong maling tao pa. Bumalik lang ako sa reyalidad ng may bumatok sa akin.

"Baka bumaha!" kakaasar hindi ko napansin tumulo pala luha ko sa mga mata ko.

"Ay sorry..." sabay punas ko sa mga luha ko bago pa man ako tumayo.

"Lima nalang pala ang nunal mo sa mukha mo." kinapa ko ang mukha ko.

"SIguro nga." hindi ko kasi makita eh.

"Tara na uuwi na tayo." Lumapit siya kay Agilax at nang sasakay na sana siya bigla ko siyang tinanong.

"Ma-magaling kana?"

"Wala ng sumpa pero may mga sugat pa rin ako kaya hindi pa rin ako magaling." 

"Ah.. ganun ba? Kailangan mo ng tulong sa pagsakay?" tiningnan niya lang ako ng masama bago siya sumakay kay Agilax, huh? na naman. Lagi naman eh.

"Kita mo? kayo ko diba ?" hindi nalang ako nagsalita. "ANo pang hinihintay mo? Sakay na."

"O-okay..." nagmadali akong sumakay.

"OKay na ba si Agilax para lumipad?" tanong ko kay Erry.

"Amo niya ako kaya alam ko kung okay siya o hindi. At isa pa, hahayaan kitang maglakad mag-isa ngayon kung hindi siya okay." nagsisimula na naman siya.

"Okay, whatever po. Aabutan ba tayo ng gabi sa himpapawid bago makarating sa GreenLand?" 

"Pwedeng hindi at pwedeng ou." Lumipad na si Agilax kaya nasa himpapawid na kami.

"Ahh..." pero sana hindi. Pagnagkataon malalaman niya na ako si Sophie.

Lumikas ang ilang minuto na nasa himpapawid lang kami. Walang nagsasalita sa amin ni Erry. Ayoko magsalita dahil baka ma-iyak lang ako. OA lang ang peg pero nalulungkot talaga ako kapag nagkataon na bumalik na kami sa GreenLand dahil siya pwedeng bumalik sa War Academy samantalang ako bawal.

Lumipas muli ang maraming minuto at maggagabi na kaya ako ngayon nag-aalala.

"Maggagabi na pala." mukhang nakaidlip siya kanina. Nasa harapan ko siya ngayon.

War In Love (Lee Min Ho and Suzy Bae)Where stories live. Discover now