W.I.L. - number 1. Meet Sophia !!!

4.5K 83 38
                                    

"WoooOOO!!!!!!!!!!!!!"

"Ang po-pogi talaga nila .... "

"Nakakamatay ang kagwapuhan nila" tilian doon, hiyawan dito.

Iyan lang naman ang bukang bibig ng mga kapwa ko estudyante dito sa War Academy ngayon, paano ba naman kasi naglalaro ng volleyball ang mga sikat na estudyante sa school namin.

Gumagamit ng magic ang mga kalahok sa laro kaya mas nagiging astig yung laro ni hindi mo alam kung saan lalapag ang bola dahil kanya kanyang stragedy ang mga players para maisahan ang kalaban pati nga mga utak naming mga taga-nuod naloloko nila dahil sa sobrang galing nila mag-isip ng tactics.

"buti pa yung dalawa kong kambal nandodoon..." sambit ko habang nanunuod sa laro.

"Oh my, marunong kana pala ma-inggit ngayon ?" napalingon ako sa may kaliwa ko para lingurin kung sino man yung bruhang sabaterang yon.

"Ikaw pala Sulx" nang bigla niya akong akbayan. Si Sulx nga pala ang ka-roomate ko since two persons lang per room kaya hindi na ako napasama sa mga kapatid ko.

"Wag kana mainggit diyan sa mga kapatid mo, dahil sa pagiging mahina mo naging mag-bestfriend tayo..." may sira din talaga tong best friend ko. Hindi ko alam kong todo supportive sa akin o hindi.

"Hehe... Ou nalang, para sumaya kana!"

"gusto mo doon nalang tayo sa tambayan para hindi kana mainggit diyan sa mga sikat na sorcerers sa academy natin."

"Mabuti pa nga ."

" Tara" Nagsimula na kaming lumayo sa may court.

kung meron mga pinupuri at kinaiingit na mga sorcerers dito sa academy syempre may mga lampa, batugan at tatanga-tanga sa academy na ito at I am one of them.

-- -- -- -- -- -- -- -- --

" Guys ano naman ba yang pinagbubusy-han niyo ?" tanong ni sulx sa mga kaibigan namin sorcerers na para baý busy sa mga bagay na hindi namin mawari kung ano ang mga iyon.

"Inutusan kami ni Prof. Ching Ching na pagandahin ang classroom natin kaya heto, busy kami para sa mga decorations." decorations pala ginagawa nila ? Para kasing hindi eh, puro punit punit na tela kasi ang nasaksihan ko.

"Sure kayo decorations yan ? Anyway, kaya pala wala kayo sa court kasi busy kayo sa pag-gawa ng deco. " ani Sulx.

"kaya nga eh, hindi ko tuloy nakita si Baby Erry " ani Yunice.

Siya lang naman ang maarte sa aming mga weak sorcerers.

"Hi naku, Yunice wag mo nga agawain si Prince Erry kay Sophie " loko to si Sulx, isali ba naman ako sa usapan nila,

"Sulx manahimik ka nga diyan..." sigaw ko kay Sulx.

"Anyway, I don't even care if we like the same person because eventually we'll end up as nothing but a loser. Loser because we should accept the fact that we have nothing to do to be liked by a such handsome like him." natamaan ako sa sinabi niya nun kaya napa-yuko na lamang ako.

"Uy, Yunice masyado mo nang minaliit sarili mo" ani Klarisse.

"no, I am just telling the truth!"

"Manahimik na nga kayo guys, dapat pala hindi ko niyaya pumunta dito si Sophie kung gaganyanin lang siya ni Yunice. Ba-bye na nga guys !!!" hinila ako ni Sulx pero narinig ko pa rin ang sinabi ni Yunice nang palabas na kami ni Sulx.

"Accept the fact."

-- -- -- -- -- -- --

"Bruhita talaga yung Yunice na yun..." si Sulx talaga , very protective nga siya sa akin. Kasi kahit hindi siya yung nilait eh siya pa yung galit, dinaig niya pa ako.

War In Love (Lee Min Ho and Suzy Bae)जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें