W.I.L. - number 2. I met my new mentor.

2.5K 61 12
                                    

Chapter 2

Maaga kaming nagising ni Sulx dahil ala-siete pa ang klase namin. Sobra ang pagiingat naming dalawa na baka atakihin kami ng grupo ni Veronica. Kaya naman naisipan namin na kapag maglalakad kami, ako ay nakatingin sa harap samantalang siya ay nakaharap sa likod kaya naman ako ang taga-alalay sa kanya para hindi siya matisod dahil paatras ang lakad niya.

Nasa classroom na kami ngayon at ginagawa naming ang plant activity na pinapagawa sa amin ni Prof. Sebastian. Minsan may sayad din yung prof. na yun pero hindi ma-iaakila ang katalinuhan nito pagdating sa maraming bagay.

“Class, madali lang naman ang dapat niyong gawin. Pagsinabi ko ang word na go kailangan niyo lang maglagay ng magic powder sa kanya kanya niyong mga halaman then after nun tsaka ko kayo bibigyan ng grade.” ANo naman kaya meron sa halaman na to kapag nilagyan ng magic powder ? Tutubuan kaya ito ng rose kapag nilagyan namin ng magic powder ?

 

“Excited na ako Sophie sa magiging resulta ng halaman ko kapag nilagyan ng magic powder.”

 

“Lahat ba ng magic powder sa boteng ito ay ilalagay?” tanong ko kay Sulx.

“Ammpp,, baka. Basta ako ilalagay ko lahat. Wala naman sinabi si Prof. na bawal ilagay lahat.”

 

“ ganun" ano nga ba dapat kong gawin? Minsan kasi may ibang nangyayari kapag hindi kami masyadong ginaguide ng mga prof.

“Class, Go!!!” Nagmarinig namin nag"Go" si Prof. Sebastian sabay sabay naming nilagyan ng magic powder ang mga halaman namin na nasa paso.

“Wow,,” “ANg galing !!” “Super cute ng flower ” paano ba naman kasi tama ang hinala ko na may susulpot na mga flowers kapag nilagyan namin ng magic powder ang mga tanim naming halaman sa paso. PERO, tama rin ang hinala ko na may kakaiba rin ang mangyayari.

“WAHHH!!!!”

 

“Tulong !!!”

 

“WAG !!!” kanya kanya silang sigawan nang Makita nilang naging monster flower yung mga flowers nila at nang lamunin ang mga ulo nila. Yung iba nagpupumiglas kaso wala silang nagawa dahil walang balak ibuka ng mga monster flower ang bunganga nito para makalabas ang ulo ng mga estudyante.

“Ha!!!  Sophie tulungan mo ako…” nakita ko si Sulx na nilamon na ng monster flower ang ulo niya. At ang pinakamasaklap pa doon ay napakalaki ng monster flower niya kaya naman pwedeng pwede na siyang lamunin nito nang walang kahirap hirap.

Pero ang pinagtataka ko ay ni hindi man lang nagbabago ang itsura ng bulaklak ko. Ganun pa din ang ganda ganda pa din niya tingnan. Anong meron at hindi ito nagtransform sa pagiging monster ? Nang biglang pumalakpak si Prof. Sebastian at nawala agad ang mga monster flower sabay nang pagkawala ng mga tanim naming mga halaman.

“Magaling , Magaling. Out of 20, isa lang ang nakapasa sa aktibidades na ito! ” pansin kong nakatingin siya sa akin.

War In Love (Lee Min Ho and Suzy Bae)Where stories live. Discover now