W.I.L. - number 3. I'm confused!

2.2K 66 15
                                    

Nagupdate po ako dahil 105 na ung reads ;D beyond na po kasi sa 100 heheh ... Sarap sabihing 100k ahhaha assuming lang ;D THANKS for the effort for reading this kind of story that I made!

(dedication: @misteriousprince. YUNG tipong nagmessage siya sa akin xD then super ko na appreciate yung mga sinabi niya.... tungkol sa stories ko)

Erry's POV

Kasama ko ngayon si Jiro nasa building kami ng mga low sections, hinahanap namin ngayon si Tandang Sebastian kaya kami naririto sa building na ito.

"Sigurado ka ba mahal na prinsipe na naririto pa rin si Tandang Sebastian?!!" tanong sa akin ni Jiro habang naglalakad kami.

"Kaya nga tayo naririto upang malaman natin!" patuloy lamang ang paglalakad namin. 

"Ngunit ito na po ang pinaka mataas na palapag ng gusaling ito kaya marahil wala na rito s~" napahinto si Jiro sa sinasabi niya nang biglang may pagsabog kaming narinig.

"Jiro!" binanggit ko ang pangalan ni Jiro at alam kong alam niya ang ibig sabihin ko.

"Opo mahal na prinsipe!" pinauna ko si Jiro dahil alam kong mabilis siyang makakarating roon dahil sa tulin ng kanyang pagtakbo. Sa ilang years ko ng kasama si Jiro halos kabisado na niya ang pag-iisip ko kaya hindi ko na siya kailangan pang sabihan ng mga dapat niyang gawin dahil nababasa na niya ang gusto kong ibatid batay lamang sa mga pangyayari.

 
Sa pagdating ko, maraming estudyante ang naroroon at nagsitilian nang makita nila akong dumating pero hindi ko sila pinansin. Nakita ko rin ang butas sa may bubong at mukhang may labanan na naganap.


Nakita ko roon si Jiro at ang kaibigan ni Sophie naka-upo sa may sahig na may hawak hawak na isang babae .


"anong nangyari dito?!!" tanong ko kay Jiro nang makalapit ako sa kanya.


"master, Veronica's group ang involve." may ilang pagsabog kaming narinig na nagmumula sa itaas ng bubong. Natitiyak ko ngayon na si Sophie ang dahilan kung bakit nanggugulo si Veronica sa building ng mga low section students ngayon.


"ikaw babae!" tinawag ko yung kaibigan ni Sophie at mukhang hindi niya tiyak kung siya ba ang tinatawag ko o hindi.


"ako po ba?!" palingon lingon pa siya sa paligid niya.

"Ou, ikaw! Kaya wag ka na magpakahirap sa kakalingon diyan!"

"sorry po, mahal na prinsipe!" she nodded at me after she asked forgiveness.

"dalian mo at bumaba ka ngayon dahil kailangan ka ng kaibigan mo." laking taka niya sa inutos ko.

"pero kailangan ako dito ni Klarizze!" sabay tingin niya sa kaibigan niyang walang malay.

"wag kana mag-alala ako na magdadala sa kanya sa clinic." sambit ni Jiro tsaka binuhat yung babaeng nakahiga sa may binti ng kaibigan ni Sophie.

"talaga bang dadalhin mo siya sa clinic?!!" tanong niya kay Jiro tsaka siya tumayo sa kinauupuan niya.

War In Love (Lee Min Ho and Suzy Bae)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon