Vacation

1.9K 51 0
                                    

'Don't wear sexy bikini' yan ang bilin sakin ni Blake ng sabihin kong pupunta kami ni Rose sa isang beach na pagmamay ari ng kakilala ng parents namin.
Kaya naman shorts at sleeveless lang ang mga dala ko para sa panswimming.

"Ehhh babe naman eh!"
Pabebeng saway ni Rose sa boyfriend nya na naglalambing sa kanya habang nasa byahe kami.

"Hoy! Mahiya kayong dalawa may single dito oyy" saway ko sa kanilang dalawa.

"Haha sorry naman bessy tawagan mo na lang si kuya para may kalambingan ka rin" sagot sakin ni Rose

Sinimangutan ko lang sya alam naman nyang busy yong masungit nya kuya kaya hindi noon masasagot ang mga tawag ko kaya wala akong magagawa kundi mag enjoy na lang sa bakasyon na to kahit may kasama akong mga mapang inggit na couple.

Nang makarating kami sa hotel na tutuluyan namin ay naghiwahiwalay na muna kaming tatlo para magpahinga muna sa kwarto namin. Kahit naman magkarelasyon si bessy at si Jacob yong boyfriend nya ay hindi sila magkasama sa isang room.

Nang dumating ang lunch ay bumaba na kami para kumain. Habang kumakain kami ay nagsusubuan pa si Rose at Jacob. I rolled my eyes heavenwards on them pero pinagtawanan lang nila ako.

"Alam mo bessy wag ka na mainggit I'm sure pagpunta natin kay kuya ako naman maiinggit sa inyo haha" sabi sakin ni Rose.

"As if naman sweet ang kuya mo!" Sagot ko sa kanya

"Yon lang hahaha"

Pinagtawanan naman ulit ako nilang dalawa siguro'y naisip nilang imposible yon dahil masungit at hindi naman showy si Blake.

Matapos naming kumain ay pumunta muna kami sa isang cottage para tumambay dahil ayaw pa namin magswimming. Mamayang hapon ang napagdesisyunan namin para hindi mainit. Habang nakatambay kami ay naglalambingan parin silang dalawa mabuti na lang at tumawag si Blake agad ko naman itong sinagot.

"Hi" bati ko dito habang nakangiti

"Kamusta ang bakasyon?" Tanong nya sakin

"Ito naiinggit" sabi ko sa kanya bago sumimangot

"Bakit naman?"

Itinapat ko ang camera ng cellphone ko kina Rose at Jacob.

"See that? wala silang ginawa kundi maglambingan"

"Haha just don't mind them enjoy okay?"

Ngumiti naman ako sa kanya at tumango.
"I have to go may meeting pa ako I just call to check on you and Ree I miss you" he said bago ngumiti

"Kyaaaaaahhhh oh my!!!" Tili ni Rose ng marinig ang sinabi ng kuya nya.

Namula naman ako dahil doon.
"I miss you too" sabi ko kay Blake bago inend ang tawag.

"Omo bessy di mo naman sinabi sakin na nagiging sweet na pala ang kuya ko ayiiiee"
Namula naman ako lalo sa pang aasar ni Rose.

Tulad ng sinabi ni Blake ay inenjoy ko na lang ang bakasyon at hindi na nainggit sa sweet moments nina bessy.

Ang Kuya Ng Bestfriend Ko  Where stories live. Discover now