Tears

1.9K 51 2
                                    

Sa pagod ni bessy sa pagkukulitan namin ay nakatulog sya kaya naman lumabas muna ako para uminom ng tubig sa kusina.

"Manang si Blake?" Tanong ko habang nagsasalin ng tubig sa baso.

"Nasa garden po ma'am" sagot ng kasambahay.

Pagkatapos kong uminom ay pumunta ako sa garden para tignan si sungit at nakita ko syang nakaupo sa swing habang nakatingala sa langit at may nakalagay na headset sa tenga. Nakatayo lang ako habang nakatitig sa kanya ngayon ko lang napansin na sobrang gwapo nga pala naman ng masungit na lalaking to napangiti na lang ako.
Nanlaki ang mata ko at napaiwas ang tingin ng biglang lumingon sya sakin.

"Oh asan na si Rose?" Tanong nya

Lumapit ako sa kanya at umupo sa isa pang swing.
"Nakatulog eh napagod yata" sagot ko sa kanya

"Ayos ka lang ba?" Tanong nya sakin

"Ha? Oo naman bakit?"

"Dahil umalis na ulit ang parents mo"

Ngumiti ako sa kanya kahit ang totoo nalulungkot talaga ako.
"Sanay naman na ako" sabi ko sa kanya.

"Hindi dahil sanay ka na hindi ka na masasaktan"

Napatingin ako sa kanya at ngumiti ng malungkot.
"Tama ka masakit kasi na wala silang panahon sakin kararating lang nila tapos aalis agad para kasing hindi ako mahalaga sa kanila naiintindihan ko naman na para rin sakin ang pagsisikap nila pero alam mo yong pakiramdam na naiintindihan mo pero masakit parin" paliwanag ko.

Nakatingin lang sya sakin at unti onti syang lumapit nagulat ako sa ginagawa nya sobrang bilis ng tibok ng puso ko at umiinit na rin ang pisngi ko.

"Wag ka ng malungkot at umiyak nandito naman kami ni Rose" sabi nya habang pinupunasan ang luha ko gamit ang mga daliri nya at nakahawak sa mukha ko ang mga palad nya.

"Salamat" sabi ko sa kanya habang pinipigilan kong mapangiti dahil nahihiya ako

Ang Kuya Ng Bestfriend Ko  Where stories live. Discover now