Falling

1.9K 54 1
                                    

Umalis na si bessy at si sungit pagkagising ni bessy kaya naman mag isa na ulit ako sa kwarto ko. Napahawak ako sa pisngi ko habang inaalala yong paghawak ni Blake sa pisngi at ang pagpunas nya ng luha ko.

"Kyaaaaaaaaaa!!" Tili ko habang tumatalon talon sa kama ko.
Biglang bumukas ang pinto kaya naman naoutbalance ako at nahulog ako.

"Aray!" Daing ko

"Ma'am anong nangyari?!" Tarantang tanong ni manang

"Ah haha wala po may ipis lang" nahihiyang sagot ko

"Ah ganun ba sige tara na sa kusina at kumain ka na" bilin nya bago lumabas sa kwarto ko.

Kainis kalandian ko kasi eh ayan tuloy sakit ng paa ko.
Papilay pilay ako maglakad papunta sa baba upang kumain.

"Oh ayos ka lang ba?" Tanong ni manang
"Opo wala lang to" sagot ko naman at nagsimula ng kumain pagkatapos kong kumain ay umakyat na ako at natulog na.

Kinabukasan ay maaga akong nag ayos pero nahihirapan ako dahil masakit parin ang paa ko.
Mabuti na lang at nagtext sakin si Rose na dadaanan nya ako para sabay na kaming pumasok.
Hindi na rin naman ako naghintay ng matagal at dumating na din si bessy at ang kuya nya.

"Tara na bessy" aya sakin ni bessy

Naglakad ako palapit sa sasakyan ni Blake at umupo sa likod.
"Oh anong nangyari sayo bakit pilay ka?" Tanong ni Rose

Napatingin naman sakin si Blake gamit ang salamin.
"Ah ano nadulas lang haha" nahihiyang sagot ko kay bessy

Nagmaneho na si Blake at agad namang nakarating sa school at malapit lang naman.
Bumaba na kami ng sasakyan at maglalakad na sana ako ng lumuhod ng nakatalikod sa harapan ko si Blake.

"Oh kuya anong ginagawa mo?" Tanong ni bessy sa kuya nya

"Sakay" sabi nya bago lumingon sakin

"Kyaaaaahhh oh my!!!" Tili ni bessy kaya naman agad na namula ang pisngi ko.

"Ah ano ayos lang kaya ko naman" sabi ko sa kanya

"Tss bilis na" iratadong sabi nya.

Wala akong nagawa kundi sumakay na sa likod nya.
Habang naglalakad sya papunta sa classroom ay pinagtitinginan kami ng bawat nadadaanan namin kaya naman tinago ko ang mukha ko sa likod nya dahil sobrang nakakahiya. Kainis ano ba namang ginagawa ni sungit kapag nagpatuloy sya na ganito baka tuluyan na akong mahulog.

Ang Kuya Ng Bestfriend Ko  Where stories live. Discover now