Baking

1.9K 53 0
                                    

Mabilis na lumipas ang mga araw at dumating na nga ang pinakahihintay ni Rose ang weekend magbebake daw kasi kami.

"Omg dali bilis Ree excited na ako"

Nagmamadali syang pumunta sa kusina.

"Hey bessy bakit ba gusto mo magbake?" tanong ko

Namula ang pisngi nya siguradong may nagugustuhan ito halatang halata.

"Ano kasi Ree wag kang maingay may crush kasi ako" pag amin nya na sobrang nagpapula sa mukha nya

"Sus ok lang yan sakin ka pa ba naman mahihiya"

Natatawa ako sa kanya okay lang naman magkacrush right? We're 18 and it's normal I guess ako nga nagkaboyfriend na eh medyo minalas lang

"Wag mo muna sabihin kay kuya baka pagalitan ako haha"

"As if naman close kami ng kuya mo" sagot ko sa kanya

"Yeah right mas mahaba pa nga minsan sinasabi nun sayo kesa sakin" sabi nya

"Haha so kami na ba ngayon ang magkapatid?" Tanong ko sa kanya habang tumatawa.

"Na-ah mas gusto ko kayong magkatuluyan hahaha"

At nagsimula na naman syang tuksuhin ako.
Iniready namin ang mga kailangan.

"Teka paano natin to gagawin?" tanong ko kay bessy

Ngumiti sya sakin ng nahihiya.
"Ewan ko?" Sagot nya

"Aish baliw haha sige tawagin mo na ang kuya mo sabi mo marunong sya"

"Haha oo nga pala wait lang" pagkatapos nyang sabihin yon ay tumakbo na sya paakyat sa kwarto ng kuya nya.

Maya may nakita ko ng bumababa ang magkapatid hila hila ni Rose ang kuya nya.

"Can you just buy or order on bakeshops?"
Iritang tanong ni sungit kay bessy

"Eh kuya gusto namin matuto" sagot naman ni bessy.

Sa huli wala ring nagawa si Mr. Sungit kundi ang turuan kami. Masayang masaya naman si bessy dahil medyo maayos yong kanyang cake samantalang yong sakin ay hindi ko maintindihan ang itsura.

"Hahaha bessy okay lang yan first time pa lang naman eh" pang aasar sakin ni Rose.

Samantalang si sungit naman ay nahuli kong ngumiti kaya naman sinamaan ko sya ng tingin kaya naman natawa sya.

"Nakakainis kayo!" sigaw ko sa kanila

Tawa lang sila ng tawa at nang magsawa sila ay niligpit na namin ang mga ginamit namin.

"Ihahatid na kita" biglang sabi ni sungit kaya naman napatingin kami ni bessy sa kanya ng nagtataka.

"What?!" iritang tanong nya

"Wala lang kuya yieeee" pang aasar naman ni bessy

Katulad nga ng sinabi nya hinatid nya nga ako sa bahay.

"Salamat" sabi ko sa kanya habang tinatanggal ko ang seatbelt ko.

Tumingin ako sa kanya at tumango lang sya.
Lalabas na sana ako ng hawakan nya ang braso ko.

"Wait" pigil nya sakin.

"Bakit?"  tanong ko

Inabot nya sakin ang isang kahon.
"Ano to?" tanong ko sa kanya

Hindi sya tumitingin sakin at ako lang ba o talagang namumula yong pisngi nya?

"Yan yong cake na gawa ko hindi ko rin naman kasi makakain kaya sayo na lang" sabi nya

"Salamat!" Nakangiting sabi ko sa kanya bago bumaba ng sasakyan nya.

Nakangiti akong naglalakad papasok ng bahay. Pero napawi ang ngiti ko pagkapasok ko ng bahay.

"Mom? dad? You're here?".

Ang Kuya Ng Bestfriend Ko  Onde as histórias ganham vida. Descobre agora