My ex

3.7K 73 0
                                    

Ree's Pov

Ringgg!! Ringggg!!
Goooodmorninggg sunshine
Aga na naman mambulabog ng alarm clock ko 6 am pa lang may pasok kasi ako pero parang ayoko pa pumasok sigurado makikita ko Dave oo si Dave ang ex ko ansakit parin ansakit sakit yong iwan ka ng walang dahilan yong wala kang kaalam alam haay tama na nga baka maiyak lang ako  bumangon na ako at ginawa ang ritwal ko pagkatapos nagbihis na ako.

Maglalakad lang naman ako papasok malapit lang naman school sa bahay namin at kung hinahanap nyo ang magulang ko naku wala sila busy eh sa negosyo nila feeling ko nga mas mahal pa nila yong business kesa sakin chaarrr haha joke lang ayan na naman ako ehh nagdadrama na naman bago pa ako maiyak nakarating na ako sa school namin ang  North University

"Besssyyy!!!"
Siguro naman alam nyo naman na kung sino yon

"Oh bakit?" tanong ko

"Ay taray sumusungit ang lola mo palibhasa broken hearted hahahaha" asar nya

Poink! binatukan ko nga
"Aray ha aga aga high blood neto"

"Ikaw kasi aga mo rin mang asar"

"Pikon ka naman hahaha"

Bwesit talaga to pasalamat to besty ko sya kung hindi pinadala ko na to sa pluto

"Tara na nga baka malate pa tayo" aya ko sa kanya

"Sus nagmamadali ka lang makita ex mo ehh hahaha"

Aba talaga namang sumosobra na to ehh
"Sige mang asar ka pa"

Pagkadating naman sa room namin sa likod kami umupo aba nakakaantok kaya sa unahan boring pa naman yong ibang teacher haha sorry naman

" bessy" tawag ni Rose

"Hmm?"

"Papasok na ulit si kuya"

"Ehh ano naman kasungit sungit ng kuya mo ehh"

"Ayiee pero aminin pogi ang kuya ko"

"Pogi nga sungit naman"

"Ano ka ba ayos nga yon ehh pag nagkatuluyan kayo ikaw lang papansinin nya yieeeehhh"
Asar nya

"What?! Sira ka talaga"

Clap clap clap

"Ohh iba talaga ang malandi pagkatapos kay dave may iba agad grabe"

Owwwkayy here we go again the so called kontrabida ng buhay ko si Melissa

"Pwede ba Melissa lumayas ka sa harapan ko baka itapon kita dyan"sagot ko

"Antapang mo naman pero anong silbi nyan ehh iniwan ka na ni Dave for me" asar nya

"SHUT UP!!!" sigaw ng besty ko oh ow nagalit  na ang besty ko ayaw na ayaw kasi nyan na inaapi ako ehh

"Melissa tama na yan" sabi ng bagong dating

"Oh hi babe good morning" bati ni Melissa kay Dave

Tss totoo pala talaga sila na kaya sya nakipaghiwalay sakin wow astig din talaga ng mga lalaki ngayon matapos sa isang babae may kapalit agad ansakit lang pero hindi na ako iiyak dito aba may hiya naman ako nohh salamat nalang din at dumating na yong teacher namin

"Good morning class" bati ni sir

"Good morning sir" bati namin

"Nag review ba kayo? Kasi may quiz tayo"

Tss nagawa pang ngumiti ni sir asar naman ohh wala kaya akong review nag emote ako kagabi.
"Here get one then pass"

Huhuhu dugo na nga ang puso ko pati ba naman utak ko
Kainis salamat na lang din at may kabaitan pa si sir na taglay kasi may choices haha
Matapos ang quiz pinalabas na nya kami aba bait ha masarap siguro almusal ni sir haha

"Bessy cr lang ako ha hintayin mo na lang ako sa canteen" paalam sakin ni Rose

"Ok sige bilisan mo ha" sagot ko naman

Naglakad na ako papunta sa canteen at kung mamalasin ka nga namang talaga wala ng ibang mauupuan kundi sa malapit kina Melissa at Dave

"Babe say ahhh"
Landi talaga ng mga to tuwang tuwa naman si Dave ngiting ngiti ang gago

"Oo nga pala babe bilib talaga ako sayo natagalan mo yong ex mo ehh ampangit pangit naman"
Aba gaga yon ah alam ko namang ako ang pinariringgan nya

"Bessy"

Salamat naman dumating na to kung hindi baka masakal ko na si Melissa haha

"Tagal mo naman " reklamo ko

"Ehh kasi naman may narinig akong tsismis sa cr grabe"

"Ikaw talaga basta tsismis ang bilis mo ehh umorder  ka nga muna" utos ko sa kanya

"Sige wait "

Mabilis naman syang nakabili ng food namin
"Oh ano na natsismis mo?" Tanong ko

"Yieeehh interesado" asar nya

"Wag na nga"

"Haha ito naman yon nga narinig ko may girl daw na sobrang landi talagang nagmakaawa pa para lang balikan sya nung ex nya kahit may bago ng gf yong ex wow lang mang aagaw bessy" kwento nya napatingin naman ako kay Melissa ang sama ng tingin nya sakin ohh oww affected haha

"At alam mo ba bessy ang gago nung boy kasi pumayag naman grabe" dagdag pa ni bessy

"Tara na nga babe ansama na kasi ng hangin dito ambaho" parinig ni Melissa

"Hahahahaha" tawa ni Rose

"Oh bakit ka tumatawa?" tanong ko

"Affected much kasi si Melissa haha" baliw talaga to kahit kelan

"Tara na nga lang mag mall tayo" yaya ko

"Haha tara gusto ko yan"

Ang Kuya Ng Bestfriend Ko  Where stories live. Discover now