Graduation

1.9K 46 0
                                    

After Blake left naging malungkot ako pero nandyan naman si Rose para pasayahin ako. Kahit wala kaming commitment umaasa parin ako sa kanya lalo na dahil sinabi naman nyang gusto nya ako.

"Bessy nakabusangot ka na naman hala ka papangit ka nyan tapos pagpapalit ka ni kuya sa magagandang babaing makikilala nya haha" pananakot sakin ni Rose.

Sinapak ko sya dahil hindi maganda ang biro nya.
"Aray ha!" Reklamo nya

"Ikaw kasi wag mo naman ako takutin namimiss ko na nga kuya mo"

"Diba madalas naman kayong magvideo call?"

"Dalawang beses lang kaya sa isang linggo"

Madalang lang kami magkausap ni Blake dahil busy sya sa business nila doon yon ang dahilan kung bakit kailangang doon sya mag aral para may katuwang ang magulang nila ni Rose sa pag mamanage.

Nang sumapit ang graduation namin ay umuwi sina mommy at daddy pati narin ang magulang ni Rose maliban kay Blake na syang naiwan para sa business nila pero may pinadala naman syang regalo para samin ni Rose.
Pagkatapos ng graduation ay kumain lamang kami sa isang restaurant kasama ang pamilya ni Rose hindi na kami nagpahanda ng bongga dahil wala rin naman kaming masyadong aayaing barkada dahil may kanya kanyang celebration ang mga classmate namin ni Rose.

Pagkauwi ko sa bahay ay agad akong nag online at saktong online din si Blake kaya naman tinawagan ko sya agad nya namang sinagot.

"Hi" bati ko sa kanya na nakangiti

"Hey congrats"

"Thankyou I miss you" madramang sabi ko sa kanya

"Aww I miss you more baby"

Kinilig naman ako ng tawagin nya akong baby.

"Kamusta ka dyan baka may babae ka na ha?"

"Yeah meron na nga"

"What?!?"

"Here oh" sabay pakita ng larvang si pink.
"I bought this kasi naalala kita you love larva right?" Paliwanag pa nya

Nagkwentuhan pa kami ng mga bagay bagay bago kami nagpaalam sa isa't isa dahil may kailangan pa syang gawin.

Bumaba na ako para naman makipagkwentuhan kina dad and mom namiss ko rin kasi sila.

"Anak gusto mo bang sa school na lang din ni Blake mag aral?" Nakangiting tanong ni dad sa akin.

Gustuhin ko man na makasama si Blake pero alam kong hindi iyon ang makakabuti sa amin sa ngayon.

"Hindi na dad alam kong busy sya at ayokong maging distraction sa kanya" sagot ko kay dad

"Very good anak napakaswerte sayo ni Blake" sabi naman ni mommy

"Ako ang maswerte sa kanya mom" nakangiting sabi ko kay mommy

"Our princess is really inlove huh" nakakalokong sabi naman ni daddy.

Masaya ako sa tuwing umuuwi sina dad pero mas sasaya ako pag umuwi rin si Blake pero naiintindihan ko naman at willing akong maghintay kung kailan sya babalik.

Ang Kuya Ng Bestfriend Ko  Where stories live. Discover now