Closure

1.9K 51 0
                                    

Dahil hindi ako pinabayaan ni bessy at ni Drake naging maayos agad ang paa ko kaya naman hindi na ako pilay kaso kainis yong magkapatid na yon kanina pa ako sa school wala parin sila.

"Alyssa"

Napalingon ako sa tumawag sakin at nakita ko si Dave.

"Oh, Bakit?" Tanong ko sa kanya

"Pwede ka bang makausap?"

"Ha? Oo naman tungkol saan ba?"

"I just want to say sorry, sorry kung naging rebound ka"

Napalingon ako sa kanya at ngumiti.
"Ano ka ba okay na yon matagal na yon tapos na napatawad na kita"

"Kahit sorry pa din sana mahanap mo yong taong magmamahal sayo ng totoo at hindi ka lolokohin katulad ng ginawa ko"

"Sana nga at sana nasa paligid lang sya haha" natatawang sabi ko

"Haha siguro may nagugustuhan ka na no?" Asar nya sakin

"Hahaha secret"

Nagtawanan kami na parang walang masakit na nakaraan.

"Bessssssyy!!"
Natigil kami sa pagtawa ni Dave ng marinig nami ang sigaw ni Rose

"Oh bakit ngayon ka lang?" Tanong ko

"Nalate ng gising" sabi nya tapos napalingon sya kay Dave.

"Ah sige una na ako Alyssa" paalam ni Dave

Ngumiti lang ako sa kanya at tumango.
"Ano yon close na kayo?" Tanong ni bessy.

"Ha? Hindi naman nagsorry lang sya"

Tumingin naman ako sa kuya ni bessy at binati ito.
"Good morning sungit" nakangiting bati ko pero hindi nya ako pinansin at nagpatuloy lang sya sa paglalakad at nilagpasan lang kami.

"Anong nangyari dun?" Nagtatakang tanong ko kay bessy.

"Ewan ko baka nagselos hahaha" pang aasar sakin ni bessy

Sinapak ko nga sa braso nang aasar na naman eh.
"Aray ko naman" reklamo nya.

"Nagpapaasa ka kasi alam mo namang crush ko yon" namumulang sabi ko sa kanya

"Hahaha joke lang naman pero malay mo nagseselos nga"

Sinamaan ko lang sya ng tingin. How I wish na nagseselos nga yon pero alam ko namang hindi at malamang masama lang ang gising nun.

Ang Kuya Ng Bestfriend Ko  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon