Literally fell

1.9K 49 1
                                    

Pagkauwi ko sa bahay ay nagulat ako ng makita si mommy at daddy dahil kagagaling lang naman nila dito noong isang linggo

"Mom, dad why are you here?" Tanong ko sa kanila

Ngumiti sila parehas sakin na para bang sinasabing na may good news sila.

"We'll be staying here until new year" sabi ni dad.

"Po? Talaga po?" Masayang tanong ko habang yumayakap sa kanila.

"Yes baby may tumawag kasi samin at sinabing namimiss mo kami" sabi ni mommy

Nagtaka naman ako sa kanila sino naman magsasabi sa kanila ng ganoon.
"Po sino po?" Tanong ko

"Rose brother Blake Andrew" sagot ni dad habang nakangiti sakin ng nakakaloko.

"Kaya nga anak is there something between the two of you?" Panunukso ni mommy

"Hala mom dad wala po grabe kayo haha" namumula ako sa pang aasar nila.

"Ay oo nga pala anak magbihis ka yong maganda ha pupunta dito ang pamilya nila may dinner tayo" sabi ni mommy

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni mommy kaya naman tumawa sila sa reaction ko.
Nagmamadali akong umakyat sa taas at dumiretso sa banyo para maligo. Habang naliligo ako naalala ko yong sinabi ni mommy tumawag sa kanila si Blake bakit naman kaya nya yon gagawin? Ano ba yan kinikilig ako sa naiisip ko na baka concern sya naalala ko tuloy yong umiyak ako sa harapan nya. Bakit ba tuwing iiyak ako sya ang kasama ko baka maturn off na sya sakin pero kahit ang sweet naman nya tuwing umiiyak ako lagi na lang kaya akong umiyak. Aish! Ano ba tong naiisip ko nababaliw na ako.

Matapos kong maligo ay nagbihis ako ng isang simple na dress at nag ayos ng konti sa mukha ko. Nag lipstick din ako ng pink syempre mawawala ba naman ang pabango? Naglagay din ako para naman mabango ako. Matapos ang lahat ay bumaba na ako.

Nasa gitna pa lang ako ng hagdanan ng makita kong pumapasok ang pamilya ni Rose. Nagmadali akong bumaba kaya naman ng nasa huling step na lang ako ay naoutbalance ako.

"Ahhh!!" Sigaw ko.
Mabuti na lang at mabilis si Blake at nasalo nya ako.
Nasubsob ako sa kanya nakapatong ang dalawa kong kamay sa dibdib nya habang ang isang braso nya ay nakapalupot sa bewang ko.
Sobrang lapit ng mukha namin sa isa't isa natulala ako sa kanya at nakatingin lang din sya sakin.

"Ehem!" Ubo ni dad kaya naman naputol ang pagtititigan namin at inalalayan nya akong makatayo ng ayos bago ako tuluyang bitawan.

Tumingin ako kay dad at nginitian nya naman ako ng nakakaloko ngumuso naman ako si dad talag panira.
Naglalakad kami papasok sa dining area ng sumabay sakin si Rose.

"Bessy parang gusto kong isipin na sinadya mong matalapid hahahaha" pang aasar nya sakin

Siniko ko bessy.
"Grabe ka sakin ha hindi naman ako ganoon hahaha" sagot ko sa kanya

"Talaga lang ha? Hahaha" tumawa sya at tumingin ng nakakaloko sakin.

Ang Kuya Ng Bestfriend Ko  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon