Part 40 (Ending)

20.2K 799 99
                                    


"TUMATAWAG si Zeke," natatawang wika ni Bainisah nang tingnan niya kung sino ang caller niya. Kagagaling lang nila ni Vladimir sa isang pagtitipon sa Moreno Empire Building kung saan pormal na siyang ipinakilala ni Ezekiel bilang pinsan nito. Hindi makapaniwala ang lahat, maliban kay Alexander na sinabi sa kanyang sa simula pa lang ay wala na itong makitang attraction sa pagitan nila ni Zeke kahit halatang close sila ng pinsan niya. Wala raw ang sexual tension at chemistry na nakita nito noong sila ng kapatid nito ang magkasama. Dumalo ito sa pagtitipon na may kasamang isang magandang babae. Marami pang tanong ang press na hindi nasasagot kung paano sila naging magkamag-anak ni Zeke. Masasagot ang lahat ng iyon sa isang tell-all interview na siyempre pa ay ipapalabas exclusively sa MBN.

"Baka hinahanap na niya tayo." Tumalilis kasi sila ni Vladimir sa kasayahan. Sumama siya rito pauwi sa condo unit nito.

"Hayaan mo siya. Alam naman niyang kasama kita," anito. Iniabot nito sa kanya ang isang T-shirt at pajama bottom na ipampapalit niya sa suot na gown. Binitbit niya iyon sa loob ng banyo at doon nagbihis.

"Siyanga pala, ngayong narito sa Pilipinas si Xander, dito ba siya sa condo tutuloy?" malakas na tanong niya para marinig nito.Nabanggit na nito sa kanya na kay Alexander ang condo unit. Alam na rin niya courtesy of Zeke na hindi biro ang laman ng bank accounts ni Vladimir dahil sa paglalaro nito ng stocks sa Philippine Stocks Exchange. Apparently, Zeke also plays at PSE.

"Hindi. Sa Cavite 'yon tutuloy," sagot nito.

Napangiti siya nang makita ang repleksiyon niya sa salamin ng banyo pagkatapos magbihis.Maluwang ang kuwelyo ng T-shirt ni Vladimir at nalalaglag iyon sa balikat niya. Hanggang tuhod ang haba niyon sa kanya. Ang pajama ay medyo maluwang din sa kanya ang baywang kaya hinubad uli niya.

Muli niyang sinulyapan ang sarili sa salamin. She felt daring kaya bahagyang ginulo niya ang buhok, pagkatapos ay ibinaba niya ang kuwelyo sa isang balikat niya at lumabas na ng banyo. Napahagikgik siya nang umawang ang bibig ng binata sa hitsura niya. She was seducing him, all right.

Inihagis niya ang pajama rito na maagap nitong nasalo.

"Maluwag sa akin," aniya bago nginitian ito. Pinagbuti niya ang ginagawang pang-aakit dito. Bahagya pa niyang kinagat ang ibabang labi habang pilyang nakatingin dito.

Muntik na siyang mapahalakhak nang umungol si Vladimir."For God's sake! Tigilan mo ang panunukso sa akin,Bai. Or else..."

"Or else what?" hamon niya rito habangmarahang naglalakad palapit dito.

His eyes became darker. Tumayo ito mula sa pagkakaupo sa gilid ng kama at sinalubong siya.Sinaklit siya nito sa baywang. Napasinghap siya nang umangat ang kamay nito at humaplos sa pisngi niya. Kasunod niyon ay kumislap ang mga mata nito.

"I need to keep my distance, or else I'm going to kiss you senseless."

Napapikit siya nang tila nanunuksong hinaplos-haplos ng daliri nito ang mga labi niya. Agad kumalat ang kakaibang init sa buong katawan niya. Bumaba sa leeg niya ang mga daliri nito at doon naman marahang humaplos.

"Kontrolado ko lagi ang emosyon ko. Pero mula nang dumating ka sa buhay ko, hindi ko na makontrol ang emosyon iyon. Before I knew it, my eyes were betraying me. Ipinapakita ng mga mata ko ang damdaming nais kong itago at guwardiyahan."

Binalaan nga siya nito na huwag niya itong tuksuhin, pero kabaligtaran naman ang ginagawa nito sa kanya. Siya ang dapat na mang-aakit dito pero tila nabaligtad ang sitwasyon. His fingers were making movement that stirred deeper pleasure within her. His voice... it was husky.

"Ngayon, imulat mo ang mga mata mo at tingnan mo ang mga mata ko,Bai. Sigurado akong makikita mo sa mga iyon ang damdamin ko at ang nais kong mangyari," anang mapanghalinang boses nito na halos magpatayo sa mga balahibo niya.

She did as what she was told. She opened her eyes. Nakita nga niya roon ang sinasabi nito. It was desire and deep longing. Marahang dampi ng halik ang ipinagkaloob nito sa ilong niya.

"Bai, honey..." daing nito habang ikinikiskis ang dulo ng ilong nito sa ilong niya.

"V-Vlad..."

Hanggang sa pareho na nilang hindi makontrol ang kanya-kanyang sarili, halos panabay rin nilang inapuhap ang mga labi ng bawat isa. Katulad ng dati, walang kapantay na ligaya ang dulot sa kanya ng halik ng lalaking pinakamamahal. She responded to his kisses and to his touches.

Tumigil ito sa paghalik sa kanya. Bago pa siya makahuma ay nakaluhod na ito sa harap niya. Sa pagkamangha niya ay kinuha nito ang isang singsing mula sa bulsa ng suit nito bago iyon inialay sa kanya. Napasinghap siya hanggang sa mamalayan niyang tumutulo na ang mga luha niya.

"Will you give the honor and happiness to be yours forever, Bai? Be my wife, please?"Punong-puno ng emosyon ang malamlam na mga mata nito.

Lumuhod din siya sa carpeted na sahig. She cupped his face. Buong pagmamahal na tinitigan niya ito. "Yes! With all my heart, Vlad. Ikaw lang ang gusto kong makasama sa hinaharap!"

Ngumiti ito. Kumislap din ang mga luha sa mga mata nito. The tear fell and he didn't bother to wipe it away. Tila hindi nito alintana na nakikita niya ang mga luhang iyon. Lalo niyang minahal ito dahil doon.

Isinuot nito ang singsing sa kanyang daliri habang magkaugnay ang kanilang mga mata. Pinahid ng binata ang mga luha niya bago siya kinabig at marahang niyakap. A love to cherish...that was what they have.

Wakas

Thank you for reading, as always! VOTE and LEAVE a comment. And SHARE, please. :D Sana'ý makakuha din kayo ng book. :)

Book 1: Vladimir and Bainisah (Completed)

Book 2: Ezekiel and Patrice (Completed)

Book 3: Alexander and Christine 

Story Of Us trilogy Book 1: Vlad and Bai (Completed)Where stories live. Discover now