Part 37

12.3K 342 4
                                    


KINABAHAN si Bainisah nang magmura si Vladimir. Muling dumilim ang anyo nito. Nagulat siya nang hilahin nito ang kamay niya. Dinala siya nito sa sofa at pinaupo roon. Kapgkuwan ay iniwan siya nito.

Nahabol nalang niya ng tingin ito. Pero bumalik din agad ito bitbit ang isang cold compress pouch at medicine kit. Fondness filled her heart as he started to nurse the tiny wound in her lip. Sa laki ng kamay nito at halatang napakalakas, hindi niya alam kung saan nito kinukuha ang gentleness habang ginagamot nito ang sugat niya.

Nang matapos ay marahang hinaplos nito ang pisngi niya. Gusto niyang maiyak sa emosyong nababasa niya sa mga mata nito.

"I'm sorry, hindi ko gustong saktan ka,Bai."

"N-naiintindihan ko... Ako dapat ang humingi ng sorry sa iyo. Nasaktan kita."

Marahas na humugot ito ng hininga. "Hindi mo alam kung paano ako nakipaglaban sa damdaming binuhay mo sa pagkatao ko pero nabigo ako. Nanalo ang isinisigaw ng puso ko. I swear to God, halos mabaliw ako sa kakaisip kung ano ang tunay na namamagitan sa inyo ni Zeke. I was under a lot of guilt. 'Tapos, malalaman ko na magpinsan lang pala kayo pero ni hindi mo pinagkaabalahang sabihin sa akin. But thinking about it again, sana ay nag-imbestiga na lang ako. Isa pa, minsan na ring sinabi sa akin ni Xander na hindi raw niya nakita sa inyo ni Zeke ang chemistry at sexual tension na nakikita niya sa atin kapag magkasama tayo. God! I'm such a fool." Tumango-tango ito, "Love is indeed a very powerful emotion. It can bring out the best and worst part of us."

"M-mahal mo ba ako, Vladimir?" naiiyak na tanong niya.

Kumunot ang noo nito."Hindi mo pa ba nararamdaman iyon? Sa kabila ng mga ginawa ko para sa iyo, hindi mo pa ba naisip na mahal kita? And here I am, thinking my love for you is written in my forehead."

"Wala kang sinasabi kaya hesitant ako sa pagsasabi sa iyo ng nararamdaman ko. Kaya nga hindi ko muna sinabi sa iyo na magpinsan kami ni Zeke kasi hindi ko alam kung saan ba talaga ako lulugar. Hindi mo sinabing mahal mo ako minsan man. Inaamin kong malakas ang attraction sa pagitan natin pero hindi naman sapat iyon, hindi ba?" Tuluyan na siyang napahikbi sa biglang pagdagsa ng emosyon sa dibdib niya.

"Damn! Who said action speaks louder than words?" tila frustrated na bulalas nito.

Napangiti siya kahit patuloy na tumutulo ang mga luha sa pisngi niya. "It is, pero minsan, you have to say the words. Mahirap kasi na manghula lang."

Kinuha ni Vladimir ang kamay niya at dinala iyon sa dibdib nito. Ramdam na ramdam niya ang bilis ng tibok ng puso nito. "I love you very much,Bainisah. You were so special that I couldn't help myself but to fall in love with you. Nagdidigmaan ang isip at puso ko kung sino ang pakikinggan ko: ang isip ko na nagdidiktang layuan kita dahil nariyan si Zeke o ang puso ko na hindi ko makontrol sa pagtibok nang mabilis tuwing malapit ka. Obviously, nanalo ang puso ko. I was ready to go against all odds just to have you in my arms.Ganyan kita kamahal, Bai."

Tuluyan na siyang napahagulhol dahil binitiwan ng binata ang mga salitang iyon sa napaka- sincere na paraan. Walang dudang tumama lahat iyon sa kanyang puso.

"Mahal din kita, Vladimir. Please sabihin mo uli na mahal mo ako."

Ikinulong nito ang mukha niya sa mga palad nito at sinalubong ang mga mata niya. "I love you. Mahal kita. Mahal na mahal," wika nito bago hinagkan ang mga labi niya. Buong pusong tinugon niya iyon. Napapikit siya nang lumipat ang mga labi nito sa mga mata niya para tuyuin ang mga luha roon. "I love you."

Ngayong nagkalinawan na sila ng binata ay makakahinga na siya nang maluwag. Magiging maayos na ang lahat sa pagitan nila. Indeed, communication plays a vital role in every successful relationship.

Story Of Us trilogy Book 1: Vlad and Bai (Completed)Where stories live. Discover now