Part 31

11.2K 307 0
                                    


"VLAD, pare, ano na ang balita?" tanong sa kanya ni Zeke nang tawagan siya nito para hingan ng update sa kaso ni Bainisah.

Napabuntong-hininga siya. Ngayong nakausap uli niya ito ay hindi niya naiwasang makadama ng guilt. "May development na tungkolsa death threats na natatanggap ni Bainisah."

"Tell me about it."

"'Yong napatay ko sa Naujan Park, hired killer ang lalaking iyon ayon sa mga impormasyong nakalap ko. Malakas ang kutob ko na kung sino man ang nag-utos sa lalaking iyon ang siyang nagpapadala ng death threats kay Bai, I mean, kay Bainisah." Nasa wanted list ang lalaki at positibong kinilala iyon ng bata niya."Bukod doon, marami ring bank accounts ang lalaking iyon. Posibleng doon inihuhulog ng mga umuupa sa serbisyo niya ang bayad. Now, gusto kong pakilusin mo ang koneksiyon at pera mo para malaman kung may mga fund transfer bang nangyari alinman sa mga accounts na iyon isang buwan na ang nakalilipas."Nalaman niya ang tungkol doon nang palihim niyang pinasok ang napag-alaman niyang huling apartment na tinuluyan ng hired killer bago niya iyon napatay.

"Walang problema. As soon as possible ay makakakuha tayo ng sagot."

"Good,"aniya. Sinabi niya rito ang lahat ng bangko kung saan may accounts anglalaki.Sa tingin niya, malapit na niyang mahuli ang utak sa likod ng pananakot attangkang pagpatay sa dalaga. 

Story Of Us trilogy Book 1: Vlad and Bai (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon