Part 38

12.5K 317 0
                                    


CHAPTER TEN

IILING-ILING si Vladimir sa kanyang nakikita. Nasa loob siya ng pamamahay ng isang babaeng nagngangalang "Carla Aragon." Ito ang pangalang lumutang sa pag-iimbestiga ngmga tauhan ni Ezekiel tungkol sa fund transfer at deposits sa bank accounts ng killer. Pinuntahan agad niya ang bahay ng babaepara mangalap ng karagdagang ebidensiya. Nakapasok siya roon nang walang nakakakita. Ni wala itong guwardiya o katulong.

Magulo ang bahay. Nakakita naman siya roon ng ebidensiya. Nagkalat sa silid ng babae ang mga litrato ni Ezekiel, habang ang mga larawan ni Bainisah ay may pulang ekis. Mukhang obsessed fan ito ni Ezekiel na naniniwala ring may relasyon ang magpinsan. Ayon din sa nakalap niyang impormasyon, minsan nang napasok sa isang mental asylum ang babae. Mula ito sa isang may-kayang pamilya at ulila na sa mga magulang. Hindi agad niya naisip na posibleng obsession ang dahilan ng pagpapadala ng death threats kay Bainisah dahil wala naman itong ipinahiwatig na ganoon sa mga sulat nito. Marahil, nais nitong ilihis ang atensiyon ng awtoridad kung sakaling magkaroon ng imbestigasyon.

Kinuha niya ang isang litrato nito na nakadikit sa litrato ni Ezekiel. Mataktikang lumabas na siya ng bahay at nagtungo sa Bulacan kung saan may live newscast si Bainisah.

Nang nasa sasakyan na niya siya ay tinawagan niya ang nobya. "Hon, diyan ka lang muna sa loob ng satellite van, okay? Huwag kang lalabas hangga't wala ako riyan," wika niya.

"Tama nga ako! Ikaw nga ang may-ari ng numerong ito, Vlad!" natatawang bulalas nito.

Kumunot ang noo niya. "Ano'ng sinasabi mo?"

"'Yong number na ito. Tnawagan at t-in-ext mo na ako noon gamit ito pero hindi ka nagpakilala.."

Damn!Nauunawaan na niya ang ibig nitong sabihin. He had been careless. Ang isang SIM pala niya ang nagamit niya. Iiling-iling na natawa na rin siya. "Okay, nahuli mo na ako, aamin na ako. Akin nga ang numerong ito. Naka-dual SIM ako. Ano'ng magagawa ko? I was madly in love. Ah, saka mo na ako tuksuhin tungkol diyan, okay?"

Humagikgik si Bainisah. "Oh, tungkol sa sinabi mo kanina. Bakit kailangan kong manatili lang dito sa satellite van habang wala ka? Bakit, may problema ba?"

"Ganito kasi iyon. May lead na ako kung sino ang nagtatangka sa buhay mo. Ewan ko pero malakas ang kutob ko na nariyan siya ngayon, watching you. Basta huwag kang magpa-panic, allright? Saka sundin mo lang ang sinabi ko."

"Okay..."

Dahil hindi traffic, nakarating agad siya sa site ng newscast. Iginala niya ang paningin sa mga taong nakikiusyoso sa likuran ng portable barricades. Agad niyang nakita ang babae. Sa unang tingin, tila ordinaryong manonood lang ito pero hindi nakaligtas sa kanya ang baliw na kislap sa mga mata nito.

Tinawagan uli niya ang nobya habang hindi inaalisan ng tingin ang babae.

"Vlad," anito nang sagutin ang tawag niya.

"Positive, narito siya. Puwede ka nang lumabas. Huwag kang mag-alala, hindi kita hihiwalayan ng tingin," aniya bago bahagyang lumapit sa kinaroroonan ng babae.

"Okay, I trust you."

Mayamaya lang ay lumabas na si Bainisah sa van. Agad naghiyawan ang mga fans nito. Naging alerto siya nang makita niyang humiwalay na ang babae sa karamihan. Subalit nasira ang diskarte niya nang bigla itong humugot ng baril at itutok iyon sa dalaga. It frightened the hell out of him.

Sinigawan nito si Bainisah. Naglingunan dito ang mga tao at nagtilian. Nag-panic marahil ang babae dahil sa pagkakagulo kaya tila nataranta ito. Sinamantala niya ang pagkakataon at agad na dinamba ito. Mabilis na naagaw niya mula rito ang baril at in-unload ang mga bala niyon.

Nagsimulang magtitili ang babae. Nagsisigaw ito ng pagkamuhi laban kay Bainisah dahil inagaw diumano ng nobya niya si Ezekiel mula rito. Nauwi iyon sa pag-iyak habang tumatawa. Noon nagdatingan ang mga pulis.Nakita niya si Bainisah na naglalakad pabalik sa satellite van na may escort na security.

Story Of Us trilogy Book 1: Vlad and Bai (Completed)Where stories live. Discover now