Part 35

11.5K 337 4
                                    


"ZEKE!" nakasimangot na saway ni Bainisah sa pinsan. Naikuwento na niya rito ang nangyari sa studio at wala na itong ginawa kundi ngumisi sa kanya na parang enjoy na enjoy pa sa pamomroblema niya.

Inalis ni Zeke ang reading glass nito at inilapag sa ibabaw ng executive desk bago ito tumikhim. "Relax. Of course, gagawan ko ng paraan na hindi makalabas ang kalokohang lumabas diyan sa bibig mo. Trust me. Hindi makakalabas ang sinabi mo."

Nakahinga siya nang maluwag. "Thank you."

"Nandito ka na rin lang, might as well tell you something."

Kumunot ang noo niya.

"Listen, Bai. Kung kayo na nga ni Vlad, more or less, alam mo nang magkakilala kami at magkaibigan. Naging kaklase ko siya noong first year sa UP. Nagkahiwalay lang kami nang pumasok siya sa military school pero hindi naman kami tuluyang nawalan ng komunikasyon. And since malaki ang tiwala ko sa kanya, siya ang pinakiusapan ko na magbantay sa iyo nang makatanggap ka ng mga death threats. Gusto kong masiguro ang kaligtasan mo."

Umawang ang mga labi niya sa pagkabigla. "Bodyguard ko siya?"

"Yes. Noong una, ang intensiyon ko lang ay para pabantayan ka. Pero naisip ko, it wouldn't hurt kung magiging malapit kayo sa isa't isa. Boto ako sa kanya para maging cousin-in-law ko kaya naman natuwa ako nang makita kong nagustuhan mo rin siya," nakangising sabi nito.

"Ezekiel Moreno!" sita niya rito. Hindi niya sukat-akalain na sa kabila ng busy schedule nito ay nagawa pa nitong maging matchmaker.

"Aw, my sweet, please don't get mad at me." Tumayo ito mula sa swivel chair pagkatapos ay lumigid sa likuran niya. He put his arms on her shoulders. "Bainisah, mahal kita. Lahat ng makabubuti para sa iyo ang tanging hangad ko. Si Vlad, kilala ko siya, he's a man of character. Kung may gugustuhin man akong lalaki para sa 'yo, si Vlad iyon. Besides, you love him and he loves you, what else could have been better?"

Napabuga siya ng hangin."Bakit hindi mo sinabi agad?"

Ngumisi ito."Inalis mo naman sa akin ang thrill ng love story n'yo kung sinabi ko kaagad. Tingnan mo na lang kung gaano ka niya kamahal? Kahit inaakala niya na may relasyon tayo, nakahanda siyang banggain akoat ipaglaban ka. Kaya kung ako sa iyo, my dearest, sabihin mo na ASAP kay Vlad na magpinsan tayo."

"Saka na siguro, Zeke, kapag nakasisiguro na akong—"

A harsh breath interrupted her. Lumingon siya. Nakita niya ang madilim na anyo ni Vladimir.Magkasalubong ang mga kilay nito, mariing nakatikom ang bibig.Bahagyang naggagalawan ang facial muscles nito tanda ng pinipigilang galit. Sa sobrang pagmamadali niya na makausap si Zeke ay nakalimutan na niyang isara nang maayos ang pinto. "Saka na? Kailan ang 'saka na' na iyon? Balak mo ba na paikutin ako sa palad mo? Natutuwa ba ang ego mo kapag nakikita mong nagi-guilty ako dahil ang akala ko ay nagta-traidor ako sa kaibigan o pero hindi ko pa rin magawang layuan ka?"

Napatayo siya sa kinauupuan . "V-Vlad..."

"Vlad, pare..." sambit din ni Zeke.

Madilim ang mukha na binalingan ni Vladimir si Ezekiel. Mariing kumuyom ang mga kamay ng una. His expression was like an outraged storm. "Son of a bitch, Ezekiel!" pagmumura nito na ikinapitlag niya. "Bakit hindi mo sinabi na magpinsan kayo ni Bainisah?"

"Nagtanong ka ba?" kampanteng sagot naman ng pinsan niya na tila hindi apektado sa galit ni Vladimir. Kapagkuwan ay binalingan uli siya nito. "At ikaw, nasiyahan ka ba sa palabas mo? You let me believe I was going behind a friend's back! Bullshit, Bainisah!Nagkaroon na tayo ng unawaan pero hindi mo pa rin sinabi sa akin ang toto! Sinadya mo iyon, hindi ba? Pinagmukha n'yo akong tanga!" Iyon lang at malalaki ang hakbang na umalis ito sa opisina ni Zeke.

Humakbang siya para habulin ito ngunit pinigilan siya ni Ezekiel. "Palipasin mo muna ang init ng ulo niya. Saka mo na siya kausapin. Nabigla lang 'yon."

Pero hindi siya nakinig sa pinsan, hinabol niya si Vladimir. Nakita niya ito sa harap ng elevator. Pero mukhang nainip ito na magbukas ang elevator doors kaya tinungo nito ang fire exit. Halos tumakbo na siya makaagapay lang siya sa malalaking hakbang nito.

"Vladimir, please, mag-usap tayo!" sigaw niya rito nang maabutan ito sa punong-hagdan ng fire exit.

Matatalim ang mga matang tiningnan nito ang kamay niyang pumipigil sa braso nito. Pakiramdam niya ay napaso siya sa mga matang iyon kaya agad niyang binitiwan ang braso nito.

"Vlad, please—"

Sa pagkabigla niya ay padarag na hinapit siya nito sa katawan nito. It was like he wanted to crash her body with his. Halos hindi siya makahinga. Kasunod niyon ay inangkin nito ang mga labi nito sa mapagparusang halik. Parang gusto nitong iparamdam sa pamamagitan ng halik ang galit nito sa kanya. Pero hindi siya tumutol o nagtangkang kumawala. Hinayaan lang niya ito. Then, he let go of her.

"Kung ano man ang meron tayo, forget it, just forget it!" marahas na wika nito bago siya binitiwan.Walang lingon-likod na umalis ito. Sa sobrang pagkabigla niya ay hindi na siya makatinag mula sa kinatatayuan niya.



Story Of Us trilogy Book 1: Vlad and Bai (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon