Part 18

12.1K 376 9
                                    


CHAPTER SIX

NAGPAKAWALA ng marahas na hininga si Vladimir. "Get out of my head!" marahang usal niya. Hindi pa nakontento, sinamahan pa niya iyon ng isang mahinang pagmumura.

Sino ba naman ang matutuwa gayong kahit ano ang gawin niya ay hindi mawala-wala sa isip niya si Bainisah. Tila ipininta ng isang magaling na pintor ang larawan ng dalaga sa kanyang isip. Ilang araw palang siya sa Mindanao pero pakiramdam niya ay taon na ang itinagal niya roon. Ang masama pa, bukod sa hindi ito maalis sa kanyang isip, pumupuno sa dibdib niya ang kagustuhang muling makita ito at marinig kahit ang boses nito.

Natilihan siya nang mapagtanto niyang sinasakop na ng dalaga ang sistema niya. Posible bang may kinukuha na itong parte ng kanyang pagkatao? Ang puso niya? Ngayon lang niya naramdaman ang bagay na iyon sa isang babae at tila napakalalim ng pinanggagalinagn niyon. Pumasok sa isip niya si Ezekiel at bigla ay nakaramdam siya ng guilt. Pero bakit siya nakakaramdam niyon? Dahil ba parang tinatraidor niya ang kaibigan? Inlove ba talaga siya sa girlfriend ni Zeke?

"Hindi puwede!" biglang bulalas niya.

"Sir...?" nagtatakang tanong ng isang sundalo na naroon din sa locker room sa kampo. Naghahanda na sila noon para sa operasyon. Marahil ay napalakas ang boses niya.

Umiling siya. "Never mind." Tumango ito bago nagpaalam na mauuna na sa military truck. Tinungo niya ang bench na naroroon at naupo. Inilabas niya ang telepono at pinakatitigan iyon. He wanted to hear her voice. "Stop it, Vladimir!" wika niya sa kanyang sarili pero hindi niya napaglabanan ang kagustuhang marinig man lang ang boses ng dalaga. Hanggang sa mamalayan na lang niya na tinatawagan niya ito gamit ang isang SIM ng kanyang telepono. Dual SIM iyon.

Nakadalawang dial na siya pero walang sumasagot sa kabilang linya. Maaaring hindi sumasagot si Bainisah ng tawag mula sa numerong hindi nakarehistro sa Phonebook nito. Frustrated, he dialed it again. Kumabog ang dibdib niya nang sa wakas ay may sumagot sa kabilang linya.

"Hello...?"

Napapikit siya. Pakiramdam niya ay lumiwanag ang paligid dahil doon.

"Hello? Sino 'to?"

Hindi siya sumagot, ninamnam lang niya ang tinig nito hanggang sa ang dalaga na mismo ang pumutol sa tawag. Ibinaba niya ang telepono bago inihilamos ang mga palad sa sariling mukha. Pagkatapos ay sinabunutan ang sariling buhok habang ang mga siko ay nakatuon sa magkabilang tuhod at bahagyang nakayuko.

He was in trouble. Alam niya iyon.Pero paano ba mapaglalabanan ang ganoon kasidhing damdamin?




"IT HAD been a week!" hindi napigilang bulalas ni Bainisah. Isang linggo na ang nakararaan mula nang "mag-date" sila ni Vladimir at mula noon ay hindi na uli ito nagtangkang makipagkita sa kanya. Sa loob ng isang linggo, hindi ito nawaglit sa kanyang isip. Kahit sa gabi, bago siya matulog ay naroon pa rin ang larawan ng binata. May mga pagkakataon pa nga na bigla na lang siyang nangingiti kapag naaalala niya ang naging date nila. Nahihiya naman siya na sa kanya manggaling ang pangungumusta. Aaminin niyang kinasasabikan niya na muling makita ang sundalo.

Tumunog ang Message alert tone ng telepono niya. Hindi niya alam kung bakit nakadama siya ng kagustuhang mabasa agad ang mensahe. Itinabi niya ang minamanehong sasakyan bago kinuha ang telepono. Kumabog ang dibdibniya nang makita niyang galing iyon kay I hope it's you! Iyon ang numero na tumawag sa kanya. Hindi niya ugali ang sumagot sa tawag na unlisted sa telepono niya subalit hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit hindi niya nagawang bale-walain ang numerong iyon. Ang nakapagtataka pa ay kumabog ang dibdib niya sa pagtitig palang sa numero habang nagpa-flash iyon sa screen ng telepono niya. Sa pangatlong tawag, sinagot niya iyon subalit wala namang nagsalita sa kabilang linya. Kakatwa, ngunit nahiling niya na sana ay numero iyon ni Vladimir kahit naka-saved naman sa telepono niya ang numero nito. Umaasa siya na sana ay ito nga ang misteryosong caller at gumagamit lang ito ng ibang telepono o number. Kaya nga I hope it's you ang pangalang inilagay niya roon. Binasa niya ang mensahe.

If you only know the effect you have on me. Your voice is enough to last for a week.

Pakiramdam niya aymay pumitlag sa puso niya dahil sa mensaheng iyon. At sinabi nitong for a week...Nagkataon lang ba na isang linggo na rin niyang hindi nakikita si Vladimir? Posible nga ba na tama ang hinala niya?

Dumaan muna siya sa grocery store bago siya nagpasyang umuwi. Sabado bukas at wala siyang pasok, makakapaglaba siya at makakapaglinis ng bahay. Nagpaalam kasi ang katulong niya na magbabakasyon muna sa probinsiya. Pinagbigyan na niya ito tutal naman ay mabuti at matapat ito sa kanya. Isa pa ay wala naman siyang naka- schedule na out-of-town work.

Narating niya ang bahay niya. Bumusina siya. Agad na binuksan ng guwardiya ang gate. Una niyang tinungo ang silid niya para magpalit ng damit-pambahay bago niya isalansan sa cupboard ang mga pinamili niya. Tapos na siyang magbihis nang makarinig siya ng doorbell. Hinayaan ng guwardiya na makapasok sa bakuran niya ang nagdo-doorbell kaya malamang na kilala niya ito. Binuksan niya ang front door nang hindi sumisilip sa peephole.

"Vladimir?" gulat na bulalas niya sa binatang bumulaga sa kanyang paningin.

Story Of Us trilogy Book 1: Vlad and Bai (Completed)Where stories live. Discover now