Part 19

11.7K 369 29
                                    


"VLADIMIR?" gulat na bulalas ni Bainisah sa binatang bumulaga sa kanyang paningin.

Nakasuot pa ito ng kompletong military uniform. He looked so weary and tired but nevertheless he was still handsome. Nangingitim ang paligid ng mga mata nito na tila ilang gabi na itong puyat. Sa itaas ng kaliwang noo nito ay may maliit na sugat pa.

"Hi," simpleng sagot nito. Humakbang ito papasok sa loob ng bahay kahit hindi pa niya ito pinapapasok.

Naupo ito sa sofa.Ang pagod na mga mata nito ay nakatitig sa kanya, nais niyang mailang dahil doon. Pero nawala yata sa kinalalagyan ang puso niya nang magkaroon ng munting kislap iyon.Was he aware that his guards of emotion were down at the moment? She was surprised and at the same time she was glad. Malinaw na ipinapahiwatig ng pagkabog ng dibdib niya ang pagka-missed niya rito.

"Ano'ng maipaglilingkod ko, Vladimir?" tanong niya nang hindi umuupo.

Humugot ito ng malalim na hininga bago umiling.

"Kung ganoon, bakit ka narito?" Not that I am complaining...

"Hindi ko alam."

Umangat ang isang kilay niya dahil doon.

"Okay, the truth is, I wanted to see you. Isang linggo akong nasa military operation at ang unang-una kong gustong gawin pagkabalik ko ay ang makita ka," tuloy-tuloy na wika nito na nagpakabog ng dibdib niya.

Did he actually mean that he missed her? Hindi ba ito puwedeng maghinay-hinay sa pagsasalita? Heto nga at halos mag-palpitate na ang puso niya sa pagkikita nila lalo pa at may munting kislap ang mga mata nito.

Tumayo ang binata at naglakad sa harap niya. Halos mabingi na siya sa lakas ng kabog ng dibdib niya. Natilihan siya nang itaas nito ang palad nito at idampi sa baba niya. Itinaas nito ang mukha niya hanggang sa mapilitan siyang salubungin ng tingin ang mga mata nito. Tinitigan siya nito na halos ikapanlambot ng mga tuhod niya.

God! He's making me tremble inside!

"Now that I've seen you, matutulog na muna ako. Would it be too much to sleep on your couch? Maiistorbo ba kita?" wika nito sa mahinang tinig.

"G-go ahead," wika niya.

Bago ito tumalikod ay may kinuha muna ito sa isa sa bulsa ng suot nitong uniporme. Iniabot iyon sa kanya.

Nagtatakang tiningnan niya iyon.

"Pasensiya ka na. Hindi ako nakabili ng ano mang maipasasalubong sa 'yo. Heto na lang muna..." wika nito habang nakalahad sa kanya ang isang piraso ng Kendimint.

Umawang ang mga labi niya sa pagkagulat. Subalit ang pagkagulat na iyon ay agad napalitan ng kagustuhang ngumiti. Aminado siya na kinikilig siya sa isang piraso ng candy. Tinanggap niya iyon. "T-thank you."

Tumango ito bago tumalikod at nahiga sa sofa.Agad na siyang nagtungo sa kusina. Hinila niya ang isang stool at naupo roon dahil pakiramdam niya ay bibigay ang mga tuhod niya. Tinitigan siyakanina ng binata na para bang bumabawi ito sa isang linggo na hindi sila nagkita tulad ng sinabi nito. Deep inside her, she was glad. Isang magandang senyales iyon na kahit paano ay nakuha niya ang atensiyon nito. Bagaman may nababasa siyang hesitasyon sa mga mata nito. Tila nga naghihirap ito sa kung ano mang pinaglalabanan nitong damdamin.

Tinitigan niya ang Kendimint. Namalayan na lang niyang nakangiti na siya, puno ng fondness ang mga mata.

Hinamig muna niya ang sarili bago inayos sa cupboard ang mga pinamili. Nag-alangan siyang lumabas ng kusina pero sa huli ay ipinasya rin niyang lumabas na at pumunta ng kuwarto niya.

Subalit hindi ganoon kadaling bale-walain ang lalaking pilit pinagkakasya ang malaking katawan sa couch. Nakapatong ang mga paa nito sa armrest ng sofa.

Nahigit niya ang kanyang hininga nang mapansin na white cotton sando na lang ang suot nito. Nakasampay na sa single seater sofa ang pang-itaas na uniporme nito. Hindi naitago ng sandong iyon ang ganda ng katawan nito. Marami na siyang nakita at nakasalamuhang mga sundalo pero tanging si Vladimir lang ay may ganoong epekto sa kanya.

Sinulyapan uli niya ang binata.Banayad na ang paghinga nito, palatandaan na tulog na ito. Mukhang pagod na pagod talaga ang binata. Kumain na kaya ito?Suot pa rin nito ang pang-ibabang uniporme pati na ang combat shoes nito. Ipinasya niyang lapitan ito at hubarin ang sapatos para mas maging komportable ito. Pero hindi komportable ang posisyon nito.Alam niyang sinanay ito na may mga pagkakataong hindi magiging komportable rito ang mga bagay-bagay pero hindi naman masama kung makakatulog ito ngayon nang maayos sa isang kama. Gigisingin na lang niya ito at palilipatin sa guest room. Nang mapansin uli niya ang sugat sa noo nito ay nagtungo siya sa kuwarto niya para kumuha ng Band-Aid sa medicine kit doon. Kumuha na rin siya ng Betadine at bulak para lagyan ang sugat nito.

Akmang idadampi niya ang Betadine sa noo nito nang saklutinnito ang braso niya. Napahiyaw siya sa higpit ng pagkakahawak nito.

Story Of Us trilogy Book 1: Vlad and Bai (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon