Part 36

12.1K 331 3
                                    


ANO BA ang ipinagpuputok ng butse mo, Vladimir? Malaya si Bainisah, she can be yours now completely. Dapat nga magtatalon ka sa tuwa!

Umungol siya bago muling sinalinan ng alak ang hawak na baso. He was so furious! Nasaktan ang pride niya. Bakit hindi itinama ni Bainisah ang maling paniniwala niya sa una pa lang?

Dahil katulad ka rin ng iba na nag-isip ng masama sa kanya. Kita mo na lang ang mga pinagsasabi mo sa kanya sa studio. You provoked her to tell you lies to spite you, tuya sa kanya ng isip niya.

Tumunog ang landline phone.Hindi niya pinansin iyon at patuloy na uminom ng alak. Hanggang sa makulili na siya nang hindi iyon tumigil sa pagtunog. Tiningnan niya ang caller ID, ang numero ng guard sa ibaba ng condo unit ang nakarehistro. Tatanggalin na niya sa saksakan ang kable ng telepono pero sa huli ay nagbago ang isip niya at sinagot iyon.

"Sir, pasensiya na po pero—" Hindi na naituloy ng guwardiya ang sasabihin dahil mukhang may umagaw na rito ng awditibo. Pumalit dito ang boses ni Bainisah. "Aakyat ako riyan, Vlad. You have to see me kung hindi ay mag-eeskandalo ako rito," mariing sabi nito. Iyon lang at ibinaba na nito ang telepono. Parang nawala ang kalasingan niya sa tinig nito. Paano nito nalaman ang address ng condo unit ni Alexander gayong hindi pa niya nadadala roon ang dalaga? Ah, oo nga pala, pinsan nga pala ito ni Ezekiel. Maraming paraan at koneksiyon ang kaibigan niya para makuha ang nais nitong impormasyon.

Ilang sandali lang at may kumakatok na sa pinto. He sighed. Ano mang pagmamatigas ang gawin niya, alam niyang sa huli ay mangingibabaw ang damdamin niya para sa dalaga. Isa pa, nagpapalipas lang naman siya ng sama ng loob. Sooner or later ay pupuntahan din niya si Bainisah para makapag-usap sila.

He opened the door pagkatapos ay bumalik siya sa bar ni Alexander at naupo sa stool. Muli niyang sinalinan ng alak ang baso at inisang-lagok iyon.

"Vladimir..."

"Hindi ko na itatanong kung paano mo nalaman ang condo na ito. Of course, your precious cousin provided the information. Ang gusto kong malaman ay kung bakit narito ka?" Muli siyang nagsalin ng alak sa baso. Sa pagkamangha niya ay kinuha iyon ni Bainisah at inisang-lagok din.Nasamid ito. Nataranta siya. Mabilis na dinaluhan niya ito at hinagod-hagod ang likod nito.

"Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?" sita niya rito pero hindi maikakaila ang pag-aalalang kalakip ng boses niya.

"Nasa tamang edad na ako para uminom. Isa pa, gusto kong malaman kung bakit alak ang nagiging takbuhan ng mga taong problemado. What's so good with alcohol?" nakangiwing wika nito.

Hindi niya napigilang mangiti sa sinabi nito. Subalit dagling nawala ang ngiting iyon nang mapagtuunan niya ng pansin ang mga labi nito. Bahagyang namamaga iyon at may maliit na hiwa roon na likha ng mga ngipin niya.

"Damn!" he curses himself. Tumayo siya at hinila ang kamay ng dalaga.

Story Of Us trilogy Book 1: Vlad and Bai (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon