Tired Actor

7.7K 264 6
                                    

PASADO alas diyes na ng umaga. Nasa sala siya ng bahay ni Rique; yakap ang throw pillow sa kaliwang kamay at abala naman sa cell phone ang kanan. May thirty minutes na siyang nakatitig sa mga pictures ng guwapong akyat-bahay. Iniisip ni Diwa kung bakit hindi mawala sa isip niya ang mukha ng lalaki.

Nakarinig siya ng tunog ng sasakyan. Hindi kumilos si Diwa sa prenteng pagkakaupo ng nakataas ang mga binti sa sofa. Dumating rin sa wakas ang actor na nakapatay ang cell phone buong gabi. Loko rin talaga. Pinabayaan siya. Hindi man lang naisip na baka mag-collapse siya matapos ang meeting sa multo? Paano kung hindi pala niya kinaya ang engkuwentro sa mumu? Hindi man lang niya ito mahihingan ng tulong?

Ang saklap lang.

At ngayong umaga na at tapos na ang 'meeting', saka bumalik? Huhulaan niyang dadaanin na naman siya ng actor sa ngiti. Kumusta naman ang sinapit niya nang nagdaang gabi?

Mas malala pa sa engkuwentro sa multo ang pinagdaaanan niya!

Biglang naalala ni Diwa ang kinuha ng magnanakaw. Flash drive daw ang laman ng sealed package sabi ni Rogue slash akyat-bahay. Ano kaya ang laman ng flash drive na iyon? Bakit kailangang nakawin bago pa umabot kay Rique? Pangalan ng mga miyembro ng sindikato? Listahan ng mga nagda-drugs na artista? Mga sekretong 'di dapat malaman ng publiko? Scandal?

Napasandal si Diwa sa backrest. Mababaliw siya kung lagi niyang iisipin si Rogue at ang flash drive. Gusto niyang sabihin kay Rique. Dapat naman talaga malaman nito pero paano naman siya? Babalikan siya ni Rogue. Baka hindi lang siya basta daganan ng sanggano. Baka ma-rape na talaga siya!

Napangiwi si Diwa. Hindi niya isusugal ang kaligtasan para lang sa flash drive. Mahal niya ang virginity at buhay. Sana lang talaga, hindi makakasira sa reputasyon ng actor ang laman ng flash drive. Habangbuhay niyang dadalhin sa konsensiya kapag nasira ang career ni Rique dahil hinayaan niyang makuha ni Rogue ang package.

Hindi man dapat, naisip na naman ni Diwa ang eksena nila ni Rogue. Naalala na naman niya ang pakiramdam ng katawan nito. Ang tigas kahit saan. Parang walang malambot na parte. Ramdam din niya ang lakas nito. Buo. Lalaking lalaki.

At ang halik...

Ano ba dapat ang tawag do'n? Kiss na parang gutom ang nanghahalik, nagmamadali at nakakapanghina? 'Tapos 'di lang lips, pati dila—ang wild talaga!

Napalunok si Diwa. Nag-react agad ang mga balahibo niya sa batok. May sa multo si Rogue. Iba ang epekto sa mga senses niya. Tandang-tanda pa rin niya ang malalim na halik nito na parang humalukay sa sikmura niya. Sino'ng makakalimot sa ganoong halik?

At ang sanggano ang first kiss niya!

Hindi naisip ni Diwa na ganoon ang halik. Ang ini-imagine niya, gentle at sweet. Parang sa pelikula at libro. May hagod sa puso. May kilig. Ang halik ni Rogue, iba...

At nanghina ang mga tuhod niya sa ilang segundo lang. Paano pa kaya kung nagtagal iyon—ah, baka mawalan na lang siya ng malay.

Biglang winalis ni Diwa sa utak ang imahe. Hindi niya dapat pinag-aaksayan ng oras si Rogue. Magnanakaw ang lalaking iyon. Masama. Sanggano. Hoodlum. Hindi niya dapat iniiisip. Hindi niya dapat tinititigan ang mga pictures at lalong hindi niya dapat iniisip ang halik!

Ang ang ghost case si Rique ang dapat niyang pinag-aaksayahan ng oras. Mas mabilis matapos, mas mabilis siyang makakabalik sa apartment ni Maya.

"Hi, Diwa!" masiglang bati ni Rique pagpasok sa bahay.

"Hi ka diyan!" Inirapan niya ang loko. "Sinadya mong hindi umuwi kagabi 'no? Plano mo talagang pabayaan akong mag-isa, Enrique Ruiz!"

"'Wag mong paniwalaan 'yang iniisip mo, Diwa," sabi nito, nakangiti pero halatang pagod. "Twenty four hours akong gising," at ibinagsak nito ang sarili sa tabi niya sa sofa. "Babagsak na nga ako sa pagod, eh. Wala ka bang pagkain? Gutom na ako, Diwa..."

Bumaling siya sa actor. Gutom na daw pero parang mas gustong matulog kaysa kumain. Hindi na ito gumalaw pagkabagsak ng katawan sa sofa. Parang antok na antok na. Naawa siya bigla kay Rique. Sobra ba talagang magpagod ang mga artista?

"Kumain ka muna, Rique," sabi niya at tumayo na. "Mabilis lang ako. 'Bihis ka muna. 'Wag kang matulog nang gutom." Tinapik niya ang braso nito bago iniwan.

Ngumiti lang si Rique, nakapikit na.

Dumeretso si Diwa sa kusina. Nag-init lang siya ng tubig at gumawa ng sandwich. Kailangan ng artista ang pahinga. Makakatulong ang mahimbing na tulog. Gatas ang tinimpla niya para kay Rique.

Pagbalik ni Diwa sa sala, humuhugot ng T-shirt si Rique sa bitbit na bag na sa may paanan lang nito binitiwan kanina. Nagsusuot na ito ng T-shirt nang maupo siya.

"Gatas 'to, para deretso ang tulog mo," magaan niyang sabi. "May eyebags ka na, o. Malapit ka nang maging zombie!"

Ngumiti lang si Rique. "Thanks, Diwa," sabi ni Rique. Kinuha agad ang sandwich at kumagat. "Dapat pala, hindi ako umuwi ngayon. Mas na-miss ko si Maya."

"Ano'ng kinalaman ko do'n?"

"Pareho kayong mabait."

"Kaya kami close!"

Ngumiti lang si Rique. Ang magaang mood nito kahit halatang pagod, nakatulong para mabawasan ang inaalala ni Diwa. Hindi na mawawala sa isip niya ang nangyari nang nagdaang gabi. Nagi-guilty siya sa hindi pagsasabi kay Rique ng tungkol sa flash drive. Pero hindi rin siya puwedeng magsalita.

Naisip na naman niya ang laman ng flash drive.

"Rique?"

Bumaling sa kanya ang actor.

"May inaasahan ka bang darating na...package? Regalo? Sulat o...kahit ano'ng ipapadala sa 'yo kung sa'n man galing?"

"Wala. Ba't mo natanong?"

"Ah...wala naman. Para lang alam ko kung may tatanggapin akong deliveries 'pag wala ka at ako'ng nandito."

"Food delivery lang," dagdag ni Rique at ngumiti. "Pagkain natin."

Kung walang inaasahang package si Rique, ano ang laman ng flash drive at kanino galing? Bakit kailangang nakawin ni Rogue bago pa umabot sa actor?







ROGUE (PREVIEW)Where stories live. Discover now