Ganti Ng Hot Intruder

7.9K 299 9
                                    

"Iputok mo!" marahas na utos nito. Napapitlag si Diwa, sabay atras. Hindi siya handa sa talim ng tingin nito at dahas sa tono. Pakiramdam niya, susunggaban siya nito at ihahampas na lang sa pader na dingding.

Dalawang kamay na ang hawak niya sa baril. Pilit niyang sinasagip ang tumatakas na katatagan.

"Ni hindi mo nga alam na peke ang baril na 'yan," sabi uli ng akyat-bahay. "Stupid."

Peke ang baril?

Wala sa loob na bumaba ang tingin ni Diwa sa armas. Walang binanggit si Rique. Licensed ang baril-hindi na natapos ang pag-iisip ni Diwa. Na-hostage na siya ng lalaki. Mali na naniwala siya rito. Nilinlang siya para mawala sa focus-at nagtagumpay ito. Isang mariing pisil lang sa bisig niya, nabitawan na ni Diwa ang armas. Ano ba naman ang laban niya sa lakas nito?

Matangkad siya sa karaniwang babae sa height na five feet seven inches. Pero sa loob ng mga braso ng akyat-bahay, parang fifteen years old na bata lang siya!

Binitiwan na lang ng akyat-bahay ang baril sa isang parte ng kuwarto-malayo sa kanila. Hinila ang katawan niya palapit sa kama saka ibinagsak ang sarili na kasama siya. Pagbagsak nila, gumulong ito.

Napailalim siya.

SIGURADO si Diwa na halos lumuwa ang mga mata niya sa pagka-shock. Bakit hindi, hubad ang lalaki at ang nipis lang ng damit niya! Ramdam na ramdam ng dalaga ang init ng tubad na katawan nito. Pakiramdam niya ay walang tela na harang sa mga katawan nila.

Taas-baba ang dibdib niya sa naghahalong tensiyon at nerbiyos. Multo ang inaasahan niyang ka-meeting nang gabing iyon. Hindi guwapong akyat-bahay na buhay na buhay ang init ng katawan!

Literal na hindi siya huminga si Diwa nang titigan siya ng lalaki. Wala na halos pagitan ang mga mukha nila. Naamoy niya ang mint sa hininga nito.

"Hindi peke ang baril," bulong nito, humagod sa mukha niya ang hininga. Ang lumunok lang ang nagawa ni Diwa. Nakadagan ang katawan nito sa kanya, hawak pa ang mga braso niya. Ni katiting na kilos ay hindi niya magagawa. "Sana 'di ka na dumaldal," dagdag nito, nakangisi nang ibaba sa labi niya ang titig. May kakaibang kilabot na naramdaman si Diwa-kung dahil sa takot o may iba pa, hindi niya alam. "Ipinutok mo na agad-"

"'Wag mo akong igaya sa 'yo na itim ang puso-"

"Kaya mas dapat mong ipinutok," mas mariing agaw nito, parang sinadya pang ikiskis sa kanya ang hubad na katawan. O baka siya lang ang nagpipilit gumalaw kaya lalo niyang nararamdamdan ang katawan nito. "But you didn't, witch. Binigyan mo ako ng chance na dagdagan ang mga kasalanan ko."

Nanghihina na si Diwa sa nerbiyos. May hindi pamilyar pang pakiramdam na nakikisabay sa takot niya. "Ano'ng kasamaan ang iniisip mong gagawin ko?" kasunod ang misteryosong ngisi.

"I-ituturo...ituturo ko na ang kailangan mo," nauutal na sabi ni Diwa. "Wala akong pagsasabihan. Hindi ako magsasalita. Aalisin ko lahat ng mukha mo sa cell phone. Hindi ko sasabihin sa guwardiya na nakita kita...na naalala ko ang mukha mo. Ano pa'ng gusto mo? Gagawin ko-lahat, kahit ano. Basta...basta bitawan mo na ako-"

"Later, noisy witch," mas mahinang bulong nito. Parang nag-eenjoy na titigan siyang natatakot at nakikiusap. "Where is the damned thing?"

"S-Sa drawer," sagot niya. "Sealed pa. Hindi pa...hindi pa alam ni Rique. Hindi ko sasabihin. Wala akong kahit anong sasabihin tungkol sa 'yo-"

"Pero may ginawa ka sa akin," putol nito, humigpit ang hawak sa mga braso niyang dahan-dahang dinala sa itaas ng ulo niya. "Hindi ka naawa sa akin," at bumalik sa mga mata niya ang titig. "Pinagsawa mo lang naman ang mga mata mo sa abs ko, tama?" Gumalaw ang sulok ng mga labi nito, kasunod ay humagod sa side ng baywang niya paitaas ang mainit na palad. Huminto ang malapad na kamay malapit sa dibdib niya. "Ano'ng gagawin mo kung gawin ko sa 'yo ang ginawa mo sa akin? O kung..." bumaba uli ang haplos ng palad hanggang sa kalahati ng hita niya. "Buong gabi kong gawin 'to..."

Nanghina si Diwa sa nerbiyos. Pigil pati ang paghinga. Dehado na talaga siya. Hiling niyang sana ay magbago pa ang isip ng akyat-bahay, na hayaan siyang makaalpas nang ligtas-napasinghap ang dalaga nang bumaba ang mukha nito sa leeg niya.

"'Wag," nasabi ni Diwa. "P-Please, 'wag..."

Natatakot na talaga siya. Hindi ang eksenang iyon ang nakita niyang ending scene nila kaninang tinutukan niya ang lalaki ng baril.

Hindi lumapat sa side ng leeg niya ang labi nito-init ng hininga lang ang naramdaman ni Diwa bago ito nag-angat ng mukha.

Walang reaksiyon ang lalaki sa pakiusap niya. Blangko sa emosyon ang mga mata nito. Tinitigan lang siya. Napa-wish na lang siyang sana kasama sa kakayahan niya ang bumasa ng isip-pero hindi. At kahit siguro kaya niya, hindi niya magagawa nang sandaling iyon.

Nanlalambot na kasi siya sa halo-halong pakiramdam.

Ang tagal na nagtama lang ang mga mata nila ng lalaki. Siguro, ang takot at iba pang hindi pamilyar na pakiramdam ang nangibabaw kay Diwa. Alam niyang wala na siyang magagawa kundi ang magmakaawa na lang. Pero ibubuka pa lang niya ang bibig, tinakpan na nito ng dulo ng mga daliri.

Namasa ng luha ang mga mata ni Diwa. Alam niyang kahit ang multo sa bahay ni Enrique, hindi na siya maililigtas sa balak gawin sa kanya ng akyat-bahay. Nakatitig pa rin sa mga mata niya ang lalaki nang umalpas na ang luha ni Diwa. Lalo nang nagsunod-sunod ang tulo ng luha niya nang hindi man lang ito kumurap. Parang bato na walang reaksiyon. Pinanood lang siyang umiyak.

Napahikbi si Diwa. "Wala kang puso-"

"Meron," putol nito. "Itim."

"Sing-itim ng damit mo 'yang budhi mo-"

"Umamin na ako kanina pa. Nagtaka ka pa?"

"Ano'ng gagawin mo sa akin?"

Saka lang ito unti-unting ngumisi. "Maniniwala ka kung sabihin kong wala?"

Wala?

Napanganga si Diwa. Gusto niyang agad maniwala pero...

Gamit ang malayang kamay, inangat nito ang baba niya para itikom niya ang bibig. "'Wag mong ibuka 'yan na parang umaasa ka ng torrid kiss." Kasunod na naramdaman ni Diwa ang init ng likod ng palad nito, tinuyo ng akyat bahay ang luha niya!

ROGUE (PREVIEW)Where stories live. Discover now