Diwata Malasanta

16.4K 352 10
                                    

"DIWATA MALASANTA!"

Boses lalaki ang malakas na narinig ni Diwa. Nagising hindi lang ang diwa niya, pati kaluluwa at inner monster na rin na natuwa at naki-join sa kanyang matulog nang bongga. Naputol ang panaginip niya sa parte mismong sinusunog na siya ng mga taga-barrio. Sinusunog siya habang inaakusahang mangkukulam at salot.

Ang saklap ng kapalaran niya sa panaginip—hindi, bangungot na!

Pupungas-pungas na bumalikwas ng bangon si Diwa. Napasobra yata talaga ang panonood niya ng Pinoy Horror nang nagdaang gabi kaya pati sa subconscious mind niya ay na-stuck ang ganoong ideya. Grabe lang. Buhay na buhay ang scene! Pati galit na mukha ng mga taga-barrio na kilala niya, ang linaw sa panaginip. Galit nag alit talaga sa kanya. Hindi man guilty, ramdam niya talaga sa panaginip na isinusumpa siya ng mga kababaryo!

Wala na si Diwa sa barrio na pinanggalingan kaya imposibleng lalaking nasaniban ang nag-aamok sa labas ng apartment ni Maya. Sigurado rin ang dalaga na hindi siya nito tinatawag para utusang makipag-meeting sa mumu—'graduate' na siya sa ganoong trabaho niya sa barrio Labo. Salamat sa kaibigang si Maya, ang unica hija ng Kapitan nila na isinama siya sa apartment nito sa Maynila, may bago na siyang buhay ngayon.

Hindi na siya si Diwata Malasanta ng barrio Labo. Hindi na siya ang Diwata na tagapaghatid ng mensahe sa mga mumu. Sa Maynila ay hindi na rin siya ang anak ni Maruca. Si Maruca Malasanta na tanyag bilang mangkukulam slash manggugulang—ginogoyo kasi nito ang mga kababaryo nila sa kung anu-anong orasyon, halamang gamot, gayuma, nagmimilagrong tubig at kung anu-ano pang ibinebenta. Binuhay siya ng ina sa ganoong raket. Benta rito, benta ro'n ng kung anu-anong imbentong gamot sa maraming sakit. Na pinaniwalaan naman ng mga tagabaryo. Kung paanong gumagaling ang mga iyon, iniisip pa rin ni Diwa hanggang nang sandaling iyon.

Hindi totoong mga gamot ang inimbentong formula ng ina. Pinaghalo-halo lang nito ang mga dahon—mga halamang gamot, kung ano anong klase ng oil at holy water. Hindi na niya alam ang iba pang sangkap kung mayroon man. Hindi rin niya alam kung saan galing ang mga sangkap na iyon pero hindi na magugulat si Diwa kung dahon lang ng puno sa likod-bahay ang 'niluto' ng ina. Expert sa diskarte ang nanay niya. Walang kupas at walang makakatapat. Nagtataka talaga siya kung paanong gumagaling ang mga kababaryo na bumibili ng mga iyon. Naisip na lang ni Diwa, ang paniniwala ng mga ito ang talagang nagpapagaling—hindi ang mga imbentong gamot ng ina. Ganoon naman iyon, kaya nga tinawag na 'faith healing'.

Hindi man napigilan ni Diwa ang ina sa pagra-raket, may positibo namang dulot iyon—nakapagtapos siya ng dalawang taong kurso sa kolehiyo sa bayan nila. Naging daan iyon para tanggapin siya ng Kapitan bilang sekretarya ng barangay Labo. At pagkalipas ng tatlong buwan, bumalik sa barrio ang kababata at kaibigan niyang anak ni Kapitan—si Maya. Gusto nitong isama siya sa Maynila para tumao sa apartment na maiiwan.

Pumayag si Diwa. Hindi rin siya pinigilan ng Kapitan. Basta para sa unica hija, payag agad ito. Mangingibang-bansa si Maya. Kung tourist o may kinalaman sa trabaho, hindi na nagtanong si Diwa. Magse-share naman ang kaibigan kung gusto nitong ipaalam sa kanya ang detalye. Naghintay na lang siya.

Siya ang naiwan sa apartment. Pagbalik ni Maya, nangako ito na tutulungan siyang humanap ng trabaho. Malawak ang Maynila ayon kay Maya. Gusto nitong makita niya. Hindi lang daw ang barrio Labo ang dapat niyang maging mundo. Dagdag pa ni Maya, nami-miss siya nito. Gusto ng kaibigan na siya ang kasama sa apartment. Hindi raw ito malulungkot kung naroon siya.

Hindi na nag-isip na sumama si Diwa. Mag-isa na rin kasi siya sa barrio. Ang nanay niya, napilitang itigil ang raket. Ipinagtulakan niya talagang sumama na sa isang Indian na nagkagusto rito, ang five-six king sa Labo. Alam niyang kung hindi gusto ng ina ang lalaki, nunca na sumama ito. May feelings rin ang nanay niya sa five-six king, nagpakipot lang!

ROGUE (PREVIEW)Where stories live. Discover now