The Kiss

7.6K 337 71
                                    

"Malalaman ko 'pag may ginawa kang hindi ko gusto," nawala na ang ngisi ng akyat-bahay. Naging malamig na ang titig. "Babalikan kita. Gabi-gabi. Susunod ako hanggang sa bangungot mo, maliwanag?"

Hinintay lang ng lalaki ang pagtango niya. Bitbit ang ninakaw, lumabas na ito ng kuwarto. Hinang-hina ang mga tuhod ni Diwa. Bumaba na siya sa kama. Pero hindi pa man matatag ang tayo niya, biglang bumukas ang pinto. Dire-diretsong pumasok ang akyat-bahay na rapist-to-be. Mabilis at malalaki ang mga hakbang na naglakad palapit sa kanya!

Automatic ang pag-atras ni Diwa sa bawat hakbang nito palapit. Umatras siya nang umatras hanggang napasandal sa malamig na dingding. Para nang tubig ang mga buto niya sa tuhod.

Gumalaw ang sulok ng bibig ng akyat bahay nang wala na siyang uurungan. Para siyang daga na na-korner ng pusa. Nasa harap na niya ang akyat bahay, titig na titig sa kanya. Pati puso niya, 'di na mapakali. Ang lakas ng ng kabog. Kung sa takot o sa tensiyon, hindi na alam ni Diwa.

"Pangalan mo," sabi ng akyat-bahay. Ang intense ng titig, parang gusto siyang tunawin. Nagbalik para lang sa pangalan niya? Balak nga yatang guluhin ang buhay niya. Inaalam na ang pangalan niya. Malamang, address na ang kasunod, mga kamag-anak, kaibigan, kakilala hanggang wala na siyang maitago pa.

"Gloria," at napalunok. Sorry, Lord. Para po sa kaligtasan ko. Minsan lang naman.

"Gusto mong kidnapin ko si Enrique at i-torture para lang sa totoo mong pangalan—"

"Diwa!" agaw niya agad. Walang dapat madamay na mga tao sa paligid niya. Akyat-bahay na, manghuhula pa? Alam agad na nagsisinungaling siya. "Diwa ang pangalan ko. U-Umalis ka na...w-wala akong pagsasabihan—"

Bigla nitong kinabig ang baywang niya palapit. At bago pa man nakabawi sa gulat si Diwa, mariin na siyang nahalikan ng akyat-bahay. Sinamantala pa nito ang pagkakaawang ng bibig niya sa pagkagulantang—siniil siya ng malalim na halik!

Yanig ang mundo ni Diwa.

Nagulantang pati ang nananahimik niyang kaluluwa.

ROGUE (PREVIEW)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon