Chapter 8

1.4M 28.3K 6.7K
                                    

Chapter 8

O////////////////////////O

Ganyan pa din ang itsura ko pagbalik ko sa room. Eh bakit hindi maalis sa isip ko yung itsura ni Drake kanina? Yung parang.. Argh!! Disturbing thoughts!!! Ang bata bata ko pa para maging manyak!!!

"Heyyou, mukha kang red beet," sabi sakin ni Aya, "anyareh sa mukha mo?"

Sasabihin ko ba kay Aya yung nakita kong pornographic image??? Of course not!!! Kasi pag sinabi ko, for sure, bukas na bukas, kakalat yun sa buong St. Claire's High!! At pag nangyari yun, patay ako!! Ang dami kayang members ng fans club ni Drake! =___=

"Ah, allergy. Nakakain ako ng apple eh," sabi ko na lang na excuse.

"Aah. Eh bakit ka ba naman kasi kumain?? Alam mo namang allergic ka. Tss," sabi niya sabay hatak sa akin, "pasok na tayo sa room. May groupings sa English."

Ayun nga, hinatak ako ni Aya papunta sa room. Buti na lang excused kami kanina, may quiz sa Physics. Nakaligtas ako!! Yahooo!! May mabuting naidulot din pala yung pagkaka locked namin ni Drake dun sa SC room.

"..so that's basically it. Anyways, class, you may group yourselves into three. You may choose your own groupmates. You're all grown up so i presume that i don't need to group you one by one. Be wise in choosing your groupmates because they will be your groupmates until the end of the first grading,"

Sabi ni Ms. Clarise. Haaay. Sino kaya ang pwedeng maging groupmate ko?

Tumingin ako sa paligid ko, lahat sila halos may ka group na. Bakit ba ang loner ko? =____= Kasalanan ko bang singkit yung mata ko kaya ang taray ko tignan? Mabait naman ako ah!!!

"Psst," tumingin ako sa gilid ko, "partner tayo," sabi ni Aya.

"Ano pa nga ba?" Sabi ko sa kanya. Oh my gulay!! Ano'ng mangyayari sa aming dalawa ni Aya eh pareho kaming F lover (madalas kasi, F ang mark namin sa exams). =____=

"Wag ka ng mangamba, Besh. Makakapasa tayo," sabi niya.

"Huh?"

"Ililigtas niya tayo," tapos tinuro niya si Drake na taimtim na natutulog.

"Aya naman!!!" Sabi ko.

"Aya Aya ka naman jan. Wag ka ng maarte, Besh. Si Drake ang magtatawid sa atin sa magandang landas. Di ba kailangan mo ng magandang grade??"

Eto na naman po tayo. Bina blackmail na naman ako ni Aya. Palibasa at alam niyang naghahabol ako sa grades kasi gusto kong pumasok sa St. Claire's Academy eh!! Dun kasi mag aaral si Sheen my loves.. Syempre kailangan ko siyang sundan. Hihihi!!

"Ok na?? Ok na ha? Wag kang mag alala, for sure makakakuha tayo ng A sa English!! Di ba bali balitang may straight A record si Drake?"

Siya na. Siya na ang genius!!! Hmmm. Bakit ba kasi lumipat pa siya dito?!!! Eh mataas naman pala lahat ng grades niya eh!!

"Oo na.." Sabi ko.

"Yes!!!" Sabi ni Aya tapos nag victory dance. Baliw.

Tapos umupo siya at nilista yung pangalan namin sa 1/4 sheet of paper, "uy, hindi ba natin tatanungin si Drake kung okay lang sa kanya??"

"Sige, wait lang," tapos tuloy sulat pa din siya sa papel tapos tumingin kay Drake, "Psst, partners tayo sa English ha?" Tapos natapos na siya sa pagsusulat, "silence means yes. Oo daw, Alys. Partners daw tayo," sabay ngiting nakakaloko.

Pakipaalala nga sa akin kung bakit ko naging kaibigan ang babaeng to????

Kinabukasan..

O__________________O

Seducing Drake Palma (PUBLISHED AND SOON TO BE A MAJOR MOTION PICTURE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon