Epilogue (2nd Part)

1.4M 25.1K 10.5K
                                    

Epilogue (2nd Part)

Psh.

("Hello, anak?")

"Oh, bakit, pa?"

("Sigurado ka ba sa sinabi mo kagabi? Seryoso ka?")

Bumuntong hininga ako. Hindi ko naman talaga 'to gagawin eh... Kung hindi lang talaga dahil dun. Psh. Nyeta!

-flashback-

"Tripp."

"Drake?" Ano ginagawa ng panget na 'to dito sa bahay namin?

Naglakad siya palapit sa akin. "Let's talk."

Umiling ako. "Ayoko nga. Mag Tagalog ka muna. Ayoko mag English eh."

Tinignan niya ako ng masama. Pikon talaga tong panget na to. "Are you done mocking me?"

Nagshrug ako. "Olats. Ayaw mo magTagalog. Bahala ka sa buhay mo," sabi ko tapos tumalikod na ako at nagsimulang maglakad papunta sa bahay namin.

"Oo na. Ano, usap na?"

Nice one, Tripp. NapagTagalog mo si Drake! Ayos to.

Humarap na ulit ako. "Oh, ano maipaglilingkod ko sa mahal na prinsipe?"

Nagbuntong hininga siya. "I'm here because of Alys."

Umiling ako. "Engk. Nag English ka na naman. Di yan pwede dito."

Mukhang naiinis na siya sa akin. Hahaha! Buti naman. Buong buhay ko lagi ako yung pikon eh, para naman kasing robot tong isang to. Kahit anong pambbwisit gawin ko, lang pake.

"Nandito ako dahil kay Alys. Masaya ka na?"

Tumango ako. "Oh, ano meron kay Alys?"

"Tigilan mo na siya."

"Sino ka?"

"Tigilan mo na siya, Tripp. Alam naman natin na wala kang gusto kay Alys eh."

"Di porke matalino ka, alam mo na din nararamdaman ko. Wag kang feeling, Sebastian."

Nagsalita din siya. "Akala mo, di ko alam? Kausap mo si Shaira nung debut ni Alys. Plinano niyo yun. Hindi mo mahal si Alys, Marco."

Natigilan ako. Alam na pala ni Drake yun. Psh. Ang ingay talaga ni Shaira!

Sumeryoso ako. "Tapos na yun, Drake. Mahal ko na si Alys, maniwala ka man o hindi. Sabagay, pakielam ko ba sa iisipin mo?"

Tumingin siya sa akin ng seryoso. "Tripp, tigilan mo na si Alys, please. Ngayon lang, ako naman."

Natawa ako sa kanya. 'Ngayon lang, ako naman?'

"G-ago ka ba, Drake? Anong ngayon lang? Laging ikaw, di mo ba pansin?! Sa pamilya natin, ikaw laging bida. Bakit? Porket namatay lang Mama mo ng bata ka pa, ikaw na dapat alagaan ng buong pamilya? Lul mo. Lagi na lang si Drake ang magaling, si Drake ang dapat alagaan. Masyado kang papansin."

Mukhang nagpipigil na din siya ng galit. Humakbang siya palapit sa akin.

"Bakit sa tingin mo hindi ako nagpapakita pag may reunion, ha, Tripp? Malamang dahil sa'yo. Ayoko pumunta dun kasi iisipin mo na naman, ikaw na naman ang kawawa. Bakit ako lumipat ng eskwelahan? Kasi iisipin mo ikaw na naman ang kawawa. Kahit na ayokong lumipat ng school dati, dahil sa'yo umalis ako. Bakit ako nag aral sa St. Claire's kahit nasa Brent yung girlfriend ko? Kasi ayokong isipin mo na nakikipagkumpitensya ako sayo pag lumipat ako sa Brent. Ngayon, ako pa din ang papansin? Umayos ka nga."

Lumapit pa siya.

"Ngayon lang, Tripp. Tigilan mo na si Alys. Siya lang talaga yung gusto ko. Ngayon lang, ikaw naman yung magparaya."

-present-

"Ah, oo, dad. Di ko na gusto sa Brent. Tutuloy na ako sa NYU."

("Sige, anak. Mabuti yang desisyon mo. Ipapaayos ko na ang transfer papers mo.")

Siguro naman tama na 'to, no? Alis na muna ako sa Pilipinas, masyado ng mainit dito. Ice na din sa NYU para makalayo na din ako kay Alys. Hindi ko lang sinabi, Drake, pero seryoso ako kay Alys. 

🎉 Tapos mo nang basahin ang Seducing Drake Palma (PUBLISHED AND SOON TO BE A MAJOR MOTION PICTURE) 🎉
Seducing Drake Palma (PUBLISHED AND SOON TO BE A MAJOR MOTION PICTURE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon