Chapter 6

1.4M 29.5K 6.8K
                                    

Chapter 6

"Anyareh sa mukha mo, Besh?" Tanong sa'kin ni Aya pagpasok na pagpasok ko sa classroom. Buti na lang, maaga pa. Ayoko ngang makita nila akong mukhang zombie!! Wala pa akong tulog dahil sa tinext sa'kin ni Aya! Kainis talaga!!

"Tanong tanong ka pa jan!! Kung anu ano kaya ang tinetext mo sa'kin!!!" Sigaw ko sa kanya sabay yukyok sa desk ko. Haaaay, inaantok talaga ako. (._.)

Umupo siya sa upuan katabi ko tapos, "sorry naman daw!! Eh kasi naman, syempre chismis yun!! Kailangan mong malaman dahil partners in crime tayo kaya!!"

Tinignan ko siya, "oh, tapos?"

Binatukan niya ako, "aray naman!!"

"Eh kasi naman, Besh!! Hindi ka ba na curious kung bakit sila magka holding hands?? If i know, isang dakilang craddle snatcher yang si Tita Katrina!! Ewww! Wag na pala Tita Katrina, Katrina na lang."

"Aya naman, ano bang paki natin kung may something something man sila ni Tita Katrina? Duh! Eh di bayaan mo sila. Tss," sabi ko.

"Grabe, Alys. Ganyan ka na pala.. Pagkatapos ng lahat ng kabaitang ipinakita ni Tito Steve sa'yo, hahayaan mo lang siyang lokohin kahit alam mong may magagawa ka?" Sabi ni Aya na may halong pangongonsensya sa boses. Walanjo talaga!!

"Eh anong gusto mong gawin ko?? Maging spy??"

"Tumpak, Besh! Nadali mo!!"

"Ano??" Sabi ko sabay tayo. Grabe naman si Aya! Kung anu ano lang ang naiisip eh!!

Hinila niya ako paupo, "Besh, ang boring kasi ng life natin, kailangan natin ng spice.. Alam mo na? Hehehe."

"Para kang si Kei, kung gusto mo ng spice sa buhay mo, sumali ka sa Survivor! Grabe to!" Tapos yumuko na ako ulit sa lamesa. Ang sakit ng ulo ko. Inaantok na ako. =___=

Ano ba naman kasi talaga ang care ko kung may something fishy between Drake and Tita Katrina di ba? Aish! Pero si Tito Steve... Si Aya naman kasi eh!! Ayan tuloy, nakokonsensya na ako!! 

Eh bakit din ba kasi masyado akong mabait?? Si Sheen my loves lang naman talaga ang pinoproblema ko, ngayon pati si Drake, sumasali na din! Kainis!!!

Nagbell na at pumunta na kami sa auditorium para sa flag ceremony. Hanggang dito ba naman, kukulitin ako ng babaeng to?? Minsa talaga, nagsisisi ako na naging best friend ko to eh!! Halos minu minuto, lagi na lang akong kinukulit. Hindi na ako natahimik!! Parang may built in konsensya sa tabi ko! Ugh!! 

Pagkatapos nung flag ceremony, dumiretso na kami sa room. Syempre, aral dito, aral jan. Haay, buti at nakaka survive pa ako!! Araw araw na may Trigonometry at Physics?? Ano ba namang buhay to??

At last period na, ayos! Home Economics na!! Hooo! Eto ang isa sa mga dahilan kung bakit gusto ko sa St. Claire's bukod kay Sheen my loves! Ayos kasi ang Home Economics dito. Aba naman dapat lang noh! Ang mahal kaya ng tuition namin.. Buti na lang mayaman kami! Wahaha!!

"For today, you'll work by pairs. It's up to you, guys, kung ano ang gusto niyong gawin so long as available ang ingredients sa Home Eco room, alright?"

Sinabi ni Ma'am yung mga pairings. Hmm. Bakit i feel something wrong?

"... Palma, Drake and Perez, Alys Zyril.."

Parang may mali talaga eh.

Sino ang partner ko?

Sino nga ulit?

Hmmm.

Palma, Drake, and Perez, Alys Zyril..

Palma, Drake???????? Ano?????

Seducing Drake Palma (PUBLISHED AND SOON TO BE A MAJOR MOTION PICTURE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon