Chapter 38

1.1M 21.6K 4K
                                    

Chapter 38

-Alys-

"Uy, Tripp!" sabi ko. Grabe naman ang mood swings ng lalaking 'to! Kanina lang nakikipag friends siya sa'kin tapos naman ngayon, iniiwan niya ako!

Lakad pa din siya ng lakad. Malamang, Alys. Freshemn walk nga eh. Malamang lalakarin niyo yung buong school grounds.

=____=

Napaka hopeless ko na. Kinakausap ko na yung sarili ko.

"Suko ka na?" narinig kong sabi ni Tripp nung bigla na lang akong napaupo sa gitna ng Freedom Park. Naman kasi! Halos 30 minutes na kaming naglalakad without talking! Napaka boring nun. Kung sana nandito si Aya eh di sana kahit dalawang oras pa kaming maglakad okay lang kasi may kausap ako. Haayy, Alys. Shut up na. Mag isa ka lang sa Brent, kayanin mo yan!

Naupo siya sa harap ko kaya magkalevel na kami ng mukha, "bakit ba kasi nagsusungit ka? Ngayon lang tayo nagkausap tapos grabe ka na magsungit!" sabi ko sa kanya. Kanina naman kasi mejo okay kami tapos biglang iniwan niya ako!

Nag shrug lang siya tapos inoffer niya yung kamay niya para tumayo ako. Kinuha ko naman yun tapos pinagpagan ko yung shorts ko.

"Yan tuloy, naiwan na tayo nung group," sabi ko. May main group kasi na magttour sa amin sa school grounds. Pero dahil sinundan ko 'tong partner ko, naiwan kami.

Nagshrug ulit siya tapos nilagay niya yung kamay niya sa bulsa niya.

"Huy, Tripp!"

Nilingon niya ako.

"San ka ba pupunta?"

Nagshrug na naman siya.

=____=

Bakit ba ganito ang mga lalaki? Kung hindi sasagot ng Tss, magsshrug lang. Ganon bang kahirap mag construct ng sentence??

Naglakad siya ng naglakad na hindi ko alam kung saan pupunta. My gosh!! Napapagod na ako! Bakit ba kasi hindi na lang babae yung naging partner ko eh di sana mas maayos ang buhay ko!!

Huminto muna ako para bumili ng bottled water kasi totoong pagod na pagod na ko!!

"Oh, my god!" sabi nung isang babae.

O____________O

"Ohemgee! Are you aright, Erica??" sabi ni Girl2.

"Does she look alright to you, Kin? You're too slow for your own sake!" sabi naman ni Girl3.

Huhuhu. Lord, naghahanap po ako ng kaibigan, hindi po ng kaaway! Bakit naman po sa dinami dami ng matatapunan ko ng tubig, yung mga mean girls pa na 'to??

-Eydee-

Lumapit ngayon si Mean Girl number 1 na ang pangalan pala ay Erica Domingo kay Alys.

"Don't you know who I am?" kalmado pero naiinis na sabi ni Erica kay Alys na ngayon ay namumutla na sa kaba. Sheltered nga kasi si Alys. Hindi siya sanay sa mga ganitong awayan!

Umiling si Alys. Hindi naman niya kasi talaga kilala si ate! Alam niyo naman si Alys, parang sa gold fish ang memory.

Natawa yung babae, "Xhana, give that." sabi niya kay Xhana Salvador na may hawak naman na frappe. 

Shems. Cliche na kung cliche pero pag sa'yo ginawa, tignan ko kung masabi mo pang cliche!

Dahan dahan niyang binuksan yung lid nung cup ng frappe at lumapit siya kay Alys at dahan dahan niyang ipinaligo sa ulo ni Alys ang frappe.

Matapos niyang maubos ang entire cup ng frappe, nginitian niya si Alys, "next time, take extra care, Alys Zyril Perez. Many people would love to see you cry," sabi niya at saka umalis sila Kin, Xhana, at Erica with a smug look on their faces.

Seducing Drake Palma (PUBLISHED AND SOON TO BE A MAJOR MOTION PICTURE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon