Chapter 40

1.1M 23.9K 10.6K
                                    

Chapter 40

1131 code entered!

Nandito ako ngayon sa harap ng unit ni Drake kasi weekend ngayon and weekend is Drake and Alys' day!

Natapos na din kasi yung first week ko sa Brent. Nakakapagod! Isama mo pa yung lagi akong binu bwisit ni Tripp. Yung bully na 'yun! Wala naman kasi akong choice kasi wala akong ibang ka close sa Brent. Lahat na lang ng tao dun iniiwasan... ako. Ano bang meron sa'kin?? Weird talaga! Lalo na yung mga babae parang gusto nila akong patayin sa tingin pa lang nila. 

Ang tagal naman ni Drake lumabas. Kanina pa ko nakatayo dito eh!

"Look who's here," may nagsalita sa gilid ko kaya napatingin ako.

Tinignan ko lang siya. Kainis nakalimutan ko na kapitcondo nga pala ni Drake si Pugits!!

"Bakit ba," sabi ko tapos tinaas ko din yung ulo ko. Sabi sa psychology, kung sino daw ang unang magbababa ng tingin, siya ang talunan. Kahit na magka stiff neck pa ko hindi ako magpapatalo!!

Tinaasan niya ako ng kilay, "what are you? Drake's groupie?" Sabi niya with maarte accent. Nakakainis!!

Nag cross arm ako, "hindi ako groupie!" sabi ko kahit hindi ko naman alam ang meaning nun. Parang offensive kasi!! "Girlfriend niya ako!"

Bigla siyang tumawa. Nakakainis!!

May nakakatawa ba sa sinabi ko?? Nakakatawa ba na girlfriend ako ni Drake?? Ano bang mali sa pugita na 'to??

Pinunasan niya yung luha niya kasi naiyak na siya sa katatawa, "sorry for the reaction but you're really funny," tapos kumuha siya ng wipes sa purse niya, "who are you, again?"

Hingang malalim, Alys. 

Nginitian ko siya tapos inextend ko yung kamay ko, "Alys Perez."

Nginitian niya din ako tapos sinabi niya, "nice to meet you, Alys. Oh, sorry but I don't shake random stranger's hand. Don't get offended, though."

Hinga, kalma. BAKIT NAMAN KASI ANG TAGAL BUKSAN NI DRAKE YUNG PINTO???

Binaba ko yung kamay ko pagkatapos niyang sabihin yun. Bakit wala pang isang linggo kaming nagkakilala nitong babaeng 'to pero nakuha niya na na mapunta sa priority list ng hate list ko??

"What are you doing here anyway?"

"May date kami ni Drake."

Huh! Beat that pulp, pugita!!

"Again, stop daydreaming. Date isn't Drake's thing."

"Well, now it's his thing," sabi ko. Napapalabas yung English speaking skill ko sa babaeng 'to ah!

Come on, Drake! Ano bang ginagawa mo ang tagal mong lumabas! Ayoko na makipag usap sa wife "wannabe" mo!! Kainis sige na nga kukunin ko na yung number niya para sa mga sitwasyon na ganito!

Finally lumabas na din siya.

"Good morning, Drake," sabi ni Pugita. Wow ha! Inunahan pa ako!

Tinignan lang siya ni Drake tapos tumingin siya sa'kin, "why are you here?"

Hehehe. Kinikilig ako. Kinausap niya ako!!

"May date tayo ngayon, di ba?"

Tinignan niya ako na para bang tinubuan ako ng extrang ulo, "nagmessage ako sa facebook mo," sabi ko para maalala niya. Ayaw niya kasing nagpopost ako sa wall niya. Kadiri daw. Sinubukan ko nga pero binura niya ako. -_- Simpleng I miss you lang naman yun. Arte arte!

Mejo nag isip siya tapos sabi niya, "ah."

"Alis na tayo?"

Binuksan niya yung pinto tapos nag shrug siya, "give me a minute." Pumasok ako tapos tinignan ko si Shaira na totally forgotten and ignored by Drake. Muahaha! I told you so. Date is our thing!

Seducing Drake Palma (PUBLISHED AND SOON TO BE A MAJOR MOTION PICTURE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon