Chapter 9

1.3M 27K 5.9K
                                    

Chapter 9

Ganito kami:

Ako: ('-.-) (-.-') ('-.-) (-.-')

Siya: (>_>)

Palingon lingon ako kasi hindi ko matignan yung lalaki sa harap ko!! Nakakainis talaga si Aya oh!! Nakikita niyo ba kung gaano siya kasama tumingin?!!

"Oh, bakit ganyan ang itsura niyo?" Tanong ni Tito Steve pagbalik nila ni Aya. Mukha siguro kaming tangang dalawa!!

"Ah, eh, hehe," yun na lang ang nasabi ko. Ano ba kasi ang dapat kong sabihin?!!! Eh hinatak lang naman ako ng magaling na Ayang yan dito!! Nakakainis!!

"Baka naman nagkakailangan, Tito Steve. LQ. Hahaha!!" Sabi ni Aya tapos nagtawanan sila ni Tito Steve. Anyareh?? May conspiracy ba between Aya and Tito Steve?? <(o.o)>

"Nako naman, mga kabataan talaga. Di ba book review ang gagawin niyo?" Tanong ni Tito Steve tapos tumango na lang ako, "umakyat kaya kayo sa kwarto ni Drake?"

"Dad," sabi ni Drake.

Nagsalita si Drake!! Shet!!

"Eto namang anak ko, wag ka ng mahiya sa girlfriend mo. Malinis naman ang kwarto mo eh. Okay lang naman sa inyong dun kayo mag group study di ba?"

"Opo!!" Sabi ni Aya.

"Ah, wala po ba kayong library? Dun na lang po kami, nakakahiya naman po kung sa kwarto pa ni Drake.."

Bigla namang nataranta si Tito Steve, "ah-eh, library? Naku, napakadumi nung library namin. May mga nagkalat na ipis at daga, baka kung anung sakit lang ang mapulot niyo dun. Wag na talaga, Alys. Mamaya magalit pa sa akin ang anak ko pag nakapulot ng sakit ang girlfriend niya dahil dun kayo nag aral sa library kaya wag na. Wag na talaga dun. Sa kwarto na lang kayo," sabi niya ng tuloy tuloy.

Nagtataka na talaga ako!!! Ano ba ang nangyayari?!!! Mamaya pagsabihan pa ako ni Drake na feel na feel kong maging boyfriend siya. Please lang noh!!!

Tapos lumapit sa amin si Tito Steve at tinulak ako papunta sa hagdan, "sige na, Alys. Umakyat ka na."

"Ah, eh," sabi ko. Ayoko ngang umakyat kasi!!! Wala pa akong napapasukang kwarto ng lalaki maliban dun sa mga kapamilya ko noh!! Gusto ko kwarto ni Sheen my loves ang una kong papasukin!! Kainis naman talaga si Aya oh!!!

"Tss," sabi ni Drake tapos naglakad na siya paakyat sa hagdan. Anyareh dun??

"Oh, nauna na si Drake, Alys. Sunod na daw tayo," sabi ni Aya.

Tinignan ko siya ng masama. Makakaganti din ako sayo!!!

After mahaba habang tulakan, nakarating na din kami sa harap ng kwarto ni Drake. Paano namin nalaman na kwarto ni Drake? Simple lang, nababalutan ng itim na aura. Hahaha! De, joke lang. Tinulak kasi ako ni Tito Steve. Pakiramdam ko binebenta niya yung anak niya sa akin. Ano'ng klase siyang ama? =___=

"Pasok na kayo," sabi ni Tito Steve. Excited?? Hahaha!

Binuksan niya yung pinto at shet!!! Bakit ang laki ng kwarto niya?!!!! Mas malaki pa sa kwarto ko!! This can't be happening! <('O____O')>

Ano ang itsura ng kwarto ni Drake? May king size na airbed tapos sa taas merong parang solar system na ang ganda pag walang ilaw, may flat screen complete with dvd, xbox, wii, at kung anu anong gaming paraphernalia, balcony na ang ganda ng view, study area na may shelf na madaming libro sa gilid, at walk in closet na mas malaki pa sa closet ko!!! Yun ang hindi ko matanggap!!! Pati yung fridge niya ang daming laman. Paano ko nalaman?? Binuksan kasi ni Aya. Pakielamera talaga yun. =___=

"Oh, pano? Maiwan ko muna kayo jan at may aasikasuhin lang ako," sabi ni Tito Steve tapos sinara niya yung pinto.

Pumunta si Aya dun sa table tapos si Drake naman, naglaro ng xbox niya. Wala ba siya nung tinatawag na hospitality?? Bisita kaya kami!!

"Drake, pahiram ng laptop mo ha?" Sabi ni Aya tapos hindi nagsalita si Drake pero tuloy tuloy lang si Aya sa paggamit nung laptop.

"Magpaalam ka kaya muna!!" Sabi ko sa kanya. Hindi naman kasi sa kanya yung laptop pero gamit ng gamit.

"Nagpaalam na ako, Besh," sabi niya habang naglolog in sa FB. May wifi naman sa bahay nila, nakikigamit pa dito. =___=

"Hindi naman kaya siya sumagot."

"Alam mo, dapat mong pag aralan ang How to decipher Drake Palma's actions 101. Lesson 1: pag nagpapaalam ka at hindi siya sumagot, it means yes. Kasi kung ayaw niya, eh di sana kinuha nya sakin yung laptop niya," sabi ni Aya.

"Nakooo. Don't tell me may gusto ka kay Drake???"

Tinignan niya ako ng masama, "baliw ka na ba?"

"Tss," sabi ko sa kanya, "ano yan???" Tanong ko sa kanya. The mysterious prince: Drake Palma. Anyareh?? 19, 284 likes? Seryoso?!!

"Sssh, wag kang maingay," sabi niya. Oo nga pala, nandito kami sa kwarto ni Sungit. Kasi naman tong babaeng to!! Kung gusto niyang mag facebook, sana sa bahay na lang hindi yung dumayo pa kami dito. Nakakahiya talaga!!

Tapos iki click niya sana yung about me pero bumukas yung pinto tapos ctrl + esc agad kami. Hahaha, "Alys, Aya?"

"Bakit po?" Sabi ko. Si Tito Steve pala yun. Sheet. Muntikan na niya kaming mahuli ni Aya na nagsstalk sa fanpage ng anak niya!!

"Ah, meryenda muna kayo. Aya, patulong naman na iakyat yung pagkain," sabi ni Tito Steve.

Ang weird. Nasan na yung mga katulong nila at kailangan pang si Aya at Tito Steve ang magdala? At napaka hands on naman yata ni Tito Steve para siya mismo ang magprepare!! Ang weird talaga!!!

------------------------

Aya's Point of View

"Ready na, Tito Steve?" tanong ko kay Tito Steve.

"Affirmative," sabi niya sabay lock sa pinto ng kwarto ni Drake mula sa labas.

Mwahaha! 9:30 pa lang naman, kita kita tayo mamayang lunch, Alys at Drake.

--------------------

Alys' Point of View

Hmmm. Kasalukuyan pa ding naglalaro si Drake at ako ay nakaupo pa din dito. Ayoko ng magfb noh!!! Binura ko na din sa history yung ginawa namin, mamaya makita niya pa yun at isipin niyang patay na patay ako sa kanya. Over my dead body!!!

Dahil brainstorming naman talaga ang pinunta namin dito, magsisimula na akong maghanap ng librong pwedeng gawan ng book review. Ang tagal ni Aya!!! Nakakainis, sinasadya ba niyang iwan kami dito?? Feeling naman niya mag uusap kami nito. Asa pa!!

Pumunta ako dun sa shelf at nagtingin tingin ng libro, sakto, may nakita akong libro ni Paolo Coehlo. Inabot ko kasi nasa may pinakataas pa pero bakit parang nalalaglag lahat ng mga libro papunta sakin????

-------------------

Drake's Point of View

=______=

Bakit ang ingay?

Tumingin ako sa likod. Ang kalat.

>_______>

Ang likot naman nung babaeng to. Tss. Hininto ko muna yung nilalaro ko tapos nilapitan ko siya.

"Tss," sabi ko tapos binuhat ko siya papunta sa kama.

May bukol pa ata. Bakit ba ang tanga nito? May upuan naman bakit niya inabot eh ang pandak niya naman. =____=

Lumapit ako sa pinto pero nakasara. Tss. Ano bang problema ng tatay ko? Gusto ba niya ng babaeng walang IQ para sa anak niya? Tss.

Pumunta na lang ako sa ref tapos kumuha ng yelo at towel tapos lumapit ako nilagay ko sa ulo niya.

'Magigising naman to siguro mamaya.'

Seducing Drake Palma (PUBLISHED AND SOON TO BE A MAJOR MOTION PICTURE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon