Chapter 51

956K 19.7K 3.5K
                                    

Chapter 51


O____________O


7 hours?!


Hindi pa ako nakakasagot pero nagwalkout na si Drake!


Hala! Sorry, hindi ko sinasadya!! Masyado lang akong naaliw kay Dane kaya nakalimutan ko. Grabe... wala naman akong kasalanan, di ba? Hindi ko naman purposely pinaghintay siya ng ganun katagal! Pero bakit nagguilty pa din ako?


Gusto ko sana siyang sundan papasok sa unit niya pero nahihiya naman ako. Ako na nga yung hindi tumupad sa usapan namin, ako pa yung mangungulit sa kanya. At isa pa... break na kami. Ano ba ang karapatan kong pindutin ang 1131 code sa pinto niya??


Naglakad na lang ako papunta sa unit ko at isinalampak ko yung sarili ko sa beanbag. Buti pa 'tong mga beanbag, pinapasaya ako palagi!! Si Drake naman, kahit na break na kami, pinapagulo pa din ang utak ko. At sino ba naman kasi ang may kasalanan? Ako pa din naman!! Sino ba ang gaga na humiling ng condo? Ako naman kaya!!


Naglalakad ako pabalik sa couch dahil pumunta ako sa ref para kumuha ng strawberry milk pero may nag doorbell. Nako! Si Tripp na naman ba yan?!!


"Tr---- Uy, Drake. Hehehe."


Nakatingin siya sa akin with that familiar set of cold eyes. Nakakatakot pa din!!


"I changed my mind," sabi niya.


"Huh?"


"I can't let you hate me. I'll make you love me again. Come," sabi niya tapos hinatak niya yung kamay ko.


Kanina niya pa ako hinahatak. Nandito kami sa loob ng lift. Ano ba naman yan!! Nakakahiya! Naka fluffy na slippers pa ako! Buti na lang hindi pa ako nagpapalit ng pyjamas! Napaka impulsive naman bigla ni Drake! Kailan pa siya naging impulsive? Bago 'to ah!! Pero kahit na!! Nakakahiya yung itsura ko. Stressed pa man din ako sa 'do you hate me that much' drama niya kanina. Hindi pa ako nagsusuklay, nakasuot pa ako ng fluffy slippers at ano pa nga ba? May strawberry milk pa sa kamay ko, oh!!


"Drake!"


Napatingin siya sa akin. "What?"


"San ba tayo pupunta?"


He smiled at me. OMG bago 'to!! Nakabuti ba yung breakup namin? Ngumingiti na kasi siya!! "Date. You have a dinner date with me, remember?"


"Drake, malapit ng mag 11. May bukas pa bang restaurant?"


Napatigil siya sa sinabi ko.


OMG! Tama ako!!


"Hmm. You're right." Nag iisip pa din siya nung huminto kami sa ground floor which is parking lot. Mukhang mapapa joy ride na naman ako.

Seducing Drake Palma (PUBLISHED AND SOON TO BE A MAJOR MOTION PICTURE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon