Chapter 4

1.3M 31.2K 8.9K
                                    

Chapter 4

"Eh bakit ang saya saya mo ngayon?" Tanong sa akin ni Aya pagpasok na pagpasok ko ng room.

"Wala lang. Masama ng maging masaya ngayon?"

Bigla niya akong binato ng papel, "Utot mo. Ano nga?"

"Tss. Kainis naman."

"Oh, ano na? Wag ka na kasing magtry magsinungaling, di effective."

Inirapan ko siya, "Bwisit. Oo na, oo na. Ikkwento ko na. Ganito kasi yun..."

flashback...

"Girlfriend po niya ako! Hello po!"

Sheet, Alys! Kaya mo yan! Gora lang at baka maunahan ka pa ni Kei bukas!

"G-girlfriend?" Tanong nung magandang magandang babae. Bakit parang gulat na gulat naman siya??

"Opo!!" Sabi ko with full smile tapos tumabi ako kay Drake at kumapit sa braso niya. Aba!! Hindi niya ako tinulak!! Improving ^_____^

"Talaga? Ano nga ang pangalan mo, hija?" Tanong nung tatay yata ni Drake?

"Alys po. Alys Perez soon to be Palma," sabi ko tapos nagpeace sign ako.

Tumawa naman si tatay yata ni Drake, "Nakakatuwa naman ang batang 'to di ba, Katrina?"

Ngumiti lang si Ate Katrina. Hala. Ang ganda ganda niya talaga *O*

"Pasok tayo sa loob, Alys? Nagmeryenda ka na ba?"

"Ah-eh, opo. Actually, dumaan lang po talaga ako para sabihin sa inyo na girlfriend po ako ng anak niyo!"

Biglang tumawa na naman yung tatay ni Drake, "Gaano na ba kayo katagal ng anak ko?"

"Uhm.. Mga 5 minutes pa lang po," tapos tinaas ko yung kamay ko, "Pero promise po, tatay ni Drake, magtatagal po kami!! Di ba, Drakey Baby?"

Tapos tinignan niya lang ako at inirapan na naman!! Bakla yata 'to eh!!

Ngumiti lang yung tatay ni Drake, "Aasahan ko yan, Alys. Nga pala, wag mo naman akong tawaging tatay ni Drake. Masyadong mahaba eh. Hahaha!" Tapos tumawa siya, bakit yung tatay niya nakakatawa, si Drake, hindi? =___=

"Eh ano po itatawag ko sa inyo?"

"Tito Steve. Siya naman si Tita Katrina mo, fiance ko," tapos inakbayan niya si Tita Katrina.

"Hello po, tito Steve at tita Katrina! Nice meeting you po. Sige po, alis na ako. Bye, Drakey Baby!"

Tapos tumakbo na ako palayo. Sheet, kinabahan ako dun ah!! =___=

present...

"Yung totoo, Alys, Drakey Baby? Ewie ka talaga!!" Sigaw ni Aya sa akin.

"Eh pake mo ba? Rhyme kaya, ang cute nga eh."

"Whatever. Eh bakit ka nga masaya??"

Psh. Ang slow naman ni Aya, "Eh kasi boyfriend ko na si Drake!!"

Bigla namang nagtinginan yung mga kaklase ko sa akin kasi napasigaw pala ako. =___=

Inirapan naman ako nung mga babae. Psh. Bitter.

"Asa pa. Ibbreak ka din nun mamaya."

"Hindi. Legal kami!! Magagalit si Tito Steve paghiniwalayan niya ako!!"

Pinagtawanan na naman ako ni Aya, "Hahaha! Sheet, Besh. Epic talaga ang kakapalan ng mukha mo!!"

"Whatever. Haha! At least, nagawa ko na ang mission ko."

"Nako, magbbreak din kayo mamaya. Trust me."

"Eh paano pag hindi?"

"Tuturuan kitang magbasa ng oras. Ano? Deal?"

"Sige ba!"

So ayun, nagpustahan nga kami ng magaling kong best friend. Hoho. Dumating si Drake sa classroom at diretso sa upuan niya sabay tulog. Hindi ba to natutulog sa bahay nila??

Lumipas ang buong first period ng nakayukyok si Drake sa desk niya. Bakit hindi siya pinapagalitan ng teachers?!! Unfair!!

Dumating yung recess time at syempre, nasa cafeteria na naman kami ni Aya. Sundae and fries again and again. 

"Alys, hoy!!"

Natapon naman yung fries ko, "Aya naman eh!! Natapon yung fries ko!!"

"Shattap nga, Alys!! Ayun oh, sinundan ni Kei si Drake. Tara, sunod tayo!!"

Hala. Napatingin ako sa labas ng caf. Oo nga, sinundan ni Kei si Drake. Nakooo! Baka ngayon na niya gagawin yung maitim niya balak! Oh noes! Hindi maaari! Ayoko nang makitang umiiyak si Sheen my loves!

"Tara, Aya. Sundan natin sila!" 

Tapos hinila ko si Aya papunta sa usual tambayan ni Drake, sa ilalim ng puno.

Nandun kami, mga 10 meters away mula sa tambayan ni Drake. Hindi namin marinig yung pinag uusapan nila. =___= Nakasilip lang kami sa gilid nung isang puno.

"Hoy!"

"Ayyy!!" Napatingin ako sa likod ko, si Sheen my loves pala, "Ano'ng ginagawa niyo ni Aya jan?"

Tapos nakisilip siya sa amin.

Nakupo!! Nakita niya si Kei at Drake. Oh noes!!

"Ah-eh, punta na tayo sa room?" Sabi ko.

Potek! Bakit nangingilid na naman yung luha niya?!!

"Nako naman, Sheen!" Sabi ni Aya sabay abot ng panyo niya kay Sheen, "Kalalaking tao, napakaiyakin. Psh."

Hinampas ko naman si Aya, "Aya naman.."

"Hindi, okay lang, Alys. Sorry, Aya. Mahal ko lang talaga si Kei.."

Hay! Potek! Potek! Masyado akong naaapektuhan sa luha ni Sheen. =___=

Hinila ko si Sheen, "Wait ka lang jan, Aya."

Nagpunta kami sa tambayan ni Drake. Mukhang nagulat naman si Kei.

"What again, Sheen?! Stalker na ba kita ngayon?!" Sigaw ni Kei.

Sumingit naman ako, "Excuse me lang, Kei. Nandito si Sheen kasi ipapakilala ko siya sa boyfriend ko. Drakey Baby, si Sheen nga pala, best friend ko." Sabay ngiting tagumpay. Ano ka ngayon, Kei? Bwahaha!

"Pardon? Ikaw? Girlfriend ni Drake? Huh! Dream on, Ms. Whoever-you-are."

Tinignan ko si Drake, "Hoy, girlfriend mo ako di ba?!!"

"Ah." Tapos inirapan niya ako. 

"Narinig mo yun, Kei?! Ah means yes. So, good bye and good riddance! Oh, di ba Sheen aalis ka na din? Sabay na kayo, Kei. Baka bitter ka pa kay Drakey Baby eh, nandyan naman si Sheen. Bitter din siya sa'yo." Tapos pinagtulakan ko silang dalawa.

Pagtingin ko sa gilid ko, nakatingin si Drake sa akin. 

Oh noes. What to do?!!

Seducing Drake Palma (PUBLISHED AND SOON TO BE A MAJOR MOTION PICTURE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon