Game 4

39K 825 20
                                    


Game 4

"I can't unsee it"

Sheliah Santibañez

Hindi na ako sumabay sa mga Kuya ko para pumasok sa school, mahuhuli na kasi sila and I still have some time to chill here kaya naman tamang panonood lang ako ng balita sa TV.

"Anak, aalis na ako? Don't forget to lock the doors and the gate, understood?"

I hugged Mama and I kissed her. "Yes Ma, take care." nakangiting lumabas si Mama at naiwan akong mag-isa sa sala.

Bumuntong hininga ako at tinignan ko ang oras. Thirty minutes na lang bago ang klase. Oh shoot!

Pinatay ko ang TV at kinuha ko ang bag. Sinigurado kong sarado na ang buong bahay bago tuluyang umalis.

Ilang sandali pa ay may dumating na jeep sa kantong kinatatayuan ko. Agad akong sumakay dito.

Habang nasa byahe, ramdam ko ang pagtitig ng ibang estudyante din na kasama ko. Nakatingin sila sa ID necklace na suot-suot ko.

Pagkabayad ko ng pamasahe, aksidente kong narinig ang pinagbubulungan ng tatlong mag-aaral.

"Taga Barden University pero nag-jjeep?"

"Baka scholar lang?"

Lang?

We are smart and we don't ask for financial expenses to our parents. In-short hindi namin sila binibigyan ng problema sa gastusin para sa tuition.

Bigla namang nag-ring ang cellphone at agad ko itong tinignan, notification lang pala ng isang app. Pinterest.

"Ay taray IPhone."

Walang buhay kong tinignan ang babaeng pinanggalingan ng boses, agad naman siyang nag-iwas ng tingin. Napabunton-hininga na lang ako at nag-send ako ng message kay Autumn na malapit na ako sa school.

Agad siyang nagreply na nandoon na daw siya kahit maaga pa. She said that she's dying to see my brother.

Wow.

Umiling-iling ako at sumigaw ang Driver. "Oh sino baba diyan sa Barden Lane?! Barden-Barden Lane!" agad akong bumaba at dumaretso sa school.

As usual pagdating ko sa school sa hallway pa lang rinig ko ang tsismisan nila.

"Uy may trial mamaya nood tayo! Nando'n ang grupo ni Bebe Art ko at yung magkakapatid na hulog ng langit!"

Ay oo nga pala, may trial ng basketball league mamaya. I need to be in there.

Nagtungo na agad ako sa classroom and luckily, I'm on time at naabutan ko si Autumn na may kausap na lalaki.

Linapag ko ang bag ko sa sahig at naupo sa seat ko.

"Haha so mamaya may trial kayo? Nood kami ng kaibigan ko pwede?" tanong niya do'n sa lalaking kaibigan ni Art.

"Ikaw lang p'wede..."

What?! So ako hindi gano'n? "Haha, okay? Talk to you later Brandon." pagkatalikod ni Autumn dun sa Brandon agad siyang umirap sa hangin.

"Akala mo ma-ddate mo ako? Duh, hell no. Naka reserved na ako kay Fafa Trip 'no!" Autumn smiled at me and she started stumping her feet. "Bish! May trial pala mamaya ng basketball and your brothers will join? OMG, I can't wait to see my husband."

Nagkibit-balikat ako. "Meron nga."

"Oh sh*t! I wanna see Trip play basketball again."  excited niyang sabi. "Punta tayo mamaya ah?" tumango lang ako. Tumahimik ang paligid kaya napalingon ako sa pintuan at nakita kong naro'n si Art at pinagkukumpulan ng mga babae.

Agad naman akong nakaramdam ng inis.
Kailangan ko na nga atang sanayin yung mga mata ko sa mga ganitong ganap, nakakairita. Ang sakit nila sa mata. 

"Easy girls." natatawang ani ni Art. Grabe, ang landi talaga.

"Uhm Art, kelan date natin" tanong nung babaeng naka off shoulder na ngayon ay hinahaplos ang bisig ni Art na siyang ikinalaglag ng panga namin ni Autumn.

"The f*ck is this sh*t?" reklamo nito. "Hindi porket isa ang pamilya ni Art sa mga investors ng school na 'to, valid na siyang mag-gan'yan. Where's the manners?"

Gulat akong napatingin dito. "Really?"

"Oo bish, nasagap lang ng chismosa radar ko kanina habang naglalakad ako papunta CR."

Kaya naman pala, kahit anong gawin niyang karumal-dumal na bagay dito sa loob ng school. Walang makaka-angal. Pero it's not a valid excuse! Nakakahiya siya. Wala siyang karapatang manlandi ng ibang tao, aren't he even embarrassed?

"Girls naman himas kayo ng himas diyan" napairap ako sa sinabi niya. Linayo ko nalang ang paningin ko. THIS GUY IS THE WORST.

Nagpaalam na si Art sa mga babaeng kasama niya. Bakas sa mga mukha ng mga ito at pagka-dismaya. Oh, they wanna book a room?

Naglakad na papalapit sa amin si Art. Heto na naman siya, he's smiling widely. As soon as he get closer kumaway siya sa amin... Or sa akin?

"Hi girls." nag-wave pabalik si Autumn samantalang ako, nakatingin lang ako sa kaniya. Naupo na siya sa tabi ko. I put my attention on the board kahit wala pa

"Why are you always like that?" he suddenly asked.

"Like what?"

"Like that! Ilang araw na tayong magkaklase but you're still ignoring me. Nakakatampo ka."

I looked at him with confusion. "I am definitely not ignoring you."

Umiling-iling siya at isinandal niya ang kaniyang likod. Tumitig siya sa akin, tinitigan ko din siya pabalik.

Hindi e-epekto charms mo sa'kin Antonio.

"Wanna have a date with me? Libre lang." napa-buka ang bibig ko sa sinabi niya.

"Goodmorning class." biglang pumasok ang teacher namin. Bumalik si Art sa upuan niya sa likod ko. Binati namin ang guro at agad siyang nagsimulang magturo. Hindi ko na binigyang pansin pa ang sinabi ni Art.

"Psst..."  

"Pssstttt!"

Punyeta.

Lumingon ako sa likod ko at si Art iyon na sinisupulan ako.

"Ano?" irita kong tanong.

"Can you please teach me how to do these equations? I'm having trouble figuring this things out."

Bigla namang umubo si Autumn, siraulo talaga 'tong babae na 'to. I looked at her and she smiles. "Help him bish, you love teaching people diba?"

"Yun naman pala eh. So ano Shels, g?" ibinalik ko ang tingin ko kay Art.

"May trial kayo mamaya Art."

"Edi after ng trial, o sa susunod. Just teach me sensei." sensei? Bwiset.

Umayos na ako ng aking pagkakaupo. "Sige." maikli kong sagot.

"Lalambot ka din pala." kumunot ang mga noo ko. Lalambot? Nagpapa-fall ka ba? Well it's not working. It's not...

Revenge On My Player Ex (Book 1)Where stories live. Discover now