Game 26

28.5K 621 27
                                    


Game 26

"Honey I rose up from the dead, I do it all the time"

Sheliah Santibañez

Pagkalapat ng paa ko sa lupa mula sa eroplano ay agad kong linanghap ang simoy ng Pilipinas.

Isinuot ko ang shades ko dahil pak na pak ang temperature ngayon.

I am back with my new and improve personality. I am literally doing better than I ever was.

I walk gracefully, kagaya ng mga natutunan ko sa Paris at mga nai-ambag ng mga Kuya kong Professional Models ngayon sa Pinas at abroad.

I'm glad na nag-improve din ang accent ko dahil sa apat na taong paninirahan ko sa Paris, I'll surprise my family!

Especially my dear ex and the bitchy witch.

"S-sheliah?" napalingon ako sa gilid ko nang may magsalitang babae. "Oh God ikaw nga!" lumapit siya sa akin at yinakap ako. Teka, sino ba 'to?

"W-wait, who are you?" tanong ko, I tried to sound normal and act like not maldita kung ano ang nakasanyan ko.

"Ako po yung papalit sa inyo bilang exchange student." napa 'ahh' na lang ako sa kaniya.

"Well, goodluck then." I smiled at her and she nodded.

"Sige po flight ko na eh, bye!" kumaway siya sa akin kaya kumaway din ako. Mahirap na at baka magmukha siyang tanga.

Kinuha ko na yung luggage ko at pumara ng taxi, at laking gulat ko ng singilin ako ni Kuya ng 1 thousand like what the heck?

"So Miss? Deal? 1 thousand from here to your designated place." I rolled my eyes at pinukpok ko ang ibabaw ng taxi niya at nagtinginan ang mga tao.

Porket pumuti lang ako ng lalo at pangbanyaga ang suot ko ay akala Neto na hindi ako Pinay? Huh.

Tinanggal ko ang shades ko at nagsalita.

"First of all Kuyang Driver, hindi ako tanga para pumayag na singilin mo ang ng ganyang kalaki at baka matadyakan kita diyan. Second, hindi porket galing ibang bansa ay sisingilin mo na ng malaki, g*go ka ba?!" ibinalik ko ang shades kaso...

Pinaharurot niya ng mabilis ng taxi at muntik na akong matumba buti na lang may umalalay sa akin.

"Miss are you alright?" tanong nung sumalo sa akin.

"Yeah, thanks." itinayo ko ang sarili ko at pinagpagan, duh baka may virus siya at ayokong mahawa.

Iniabot niya ang kaniyang kamay "I'm Trip Santibañez, at your service." nanlaki ang mga mata ko at tinignan si Kuya Trip.

Shit, siya nga! Yinakap ko siyang bigla "Kuya!!"

"Wait--Sheliah?!" humiwalay ako sa yakap at tinanggal ko ang salamin. "Oh God, ikaw nga! Ang--ang, sexy at ganda mo na Princess." papuri niya at sinuntok ko siya sa braso.

"Tsk, I missed you Kuya, bakit ka nandito sa airport?"

"Susunduin ko si Autumn eh, galing siya ng Korea para sa concert ng favorite KPOP group niya but sadly hindi ako p'wede sumama sa kaniya." Napa-nod na lang ako.

"Ah, so my beshie is still obsessed into those guys huh." nagkibit-balikat na lamang siya. "Bye Kuya, una na ako. I'm exhausted na." I hugged him again.

"Ang bango mo na!" hinampas ko siya.

"Kuya!" Tumawa siya at hinatid ako sa taxi na pinara niya. "Bye Kuya, don't tell Autumn na nakauwi na ako ha?" he nodded and salute at inirapan ko siya.

Habang nasa byahe naisipan kong buksan ang mga dati kong accounts, naka-deactivate kasi ito kaya hindi na nila mahanap pa. It's been 4 years simula ng makapag-online ako sa account na 'to. Liah Sants kasi pangalan ko sa bago kong account kaya walang makakahanap non.

Sila Lindsay at Trina ang nakaisip no'n kaya umu-oo ako. They are good friends of mine.

"Ma'am nandito na po tayo." Tumango ako sa driver, bumaba ako ng taxi at nagpatulong ako kay Kuyang Driver ibaba ang mga gamit ko at nang mai-baba niya na ay umalis na ito at pumasok ako sa bahay naming pina-ayos at pinalaki ni Dad. 

It's like a mansion.

Sarado yung gate kaya nag-doorbell ako at may humarang sa akin na guard at tinaasan ko ito ng kilay. "Let me in." taas noo kong utos sa kaniya.

"Password?" 

"Password?!" Inis kong tanong at tumango ito. "I am the ONLY DAUGHTER of Mr.Santibanez at kakauwi ko lang galing Paris kaya papasukin mo na ako or I'll fire you." takot ko sa kaniya at agad siyang nag-give way.

Kinuha ng mga tauhan namin ang gamit ko at ipinasok sa bago ko daw na kwarto, I prefer my old one kaso binago na ni Dad.

"Ms.S-sheliah?!" Sumulyap ako sa may bandang likod ko at nakita ko si-- uhm, Roxette ba? "Ikaw nga! Nako Ms.Sheliah na miss ko ho kayo." I smiled at her.

Sabay talikod, close ba tayo?

"Roxette nasaan sila Mom and Dad?" 

"Sino naghahanap sa amin?" nagulat si Dad ng makita akong nakatayo mismo sa harapan niya at agad akong tumakbo papalapit sa kaniya at yinakap siya ng napaka-higpit. "My baby, I missed you Sheliah!"

"Same Dad, uh--surprise?" humiwalay ako sa yakap at natatawa kong tinignan ang ekspresiyon niya.

"Are you really Sheliah?" tanong ni Dad at napa-pout ako. "Ikaw nga."

"Dad, sorry hindi ako naka-skype sa inyo for over a year, ang daming tasks eh."

Tumango-tango si Dad "I'm really glad that you're back at yung accent mo parang French talaga." Hindi makapaniwala niyang sambit.

"Hmm yeah."

"Pero bakit ka umuwi? Malapit na graduation mo next year ah?"

"Exchange student ako Dad, pinabalik nila ako dito para mag-study sa... Barden University again"

Gulat ang ekspresyon ni Dad "A-at pumayag ka?" I nodded.

"I'm back with my vengeance dad...I'm back." I assure you dad.

"A-anak..."

"Sige Dad, matutulog muna ako and just wake me up if dinner na." I kissed him on cheek and umakyat sa kwarto ko.

You'll regret this year Art, I'll make you really pissed, real bad.

Revenge On My Player Ex (Book 1)Where stories live. Discover now