Game 11

31.7K 704 56
                                    


Game 11

"Wonder how many girls he had love and left haunted"

Sheliah Santibañez

Hindi muna ako pumasok sa loob dahil hinintay ko pa si Autumn at ayokong makita ang pagmumukha ng Art na 'yon.

Dumaretso kami ni Autumn papuntang court, etong babae excited masyado.

"Let's go to my hubby!" She keeps on chanting that habang naglalakad kami at napapatawa na lang ako. "Let's go." bigla siyang napahinto.

"Bakit bish?" tanong ko sa kaniya. Para siyang nakakita ng multo dahil sa reaction niya eh. Tinapik-tapik ko siya at heto pa din siya na naninigas.

Nakita kong ikinuyom niya ang kaniyang mga palad kaya sinundan ko na din ng tingin ang tinititigan niya.

It's Kuya Trip and he's with a girl and it seems like they are having some business there. Hindi na bago sa akin ang mga ganitong tagpo kaso I am worried 'cause I'm worried Autumn, na fall na 'to sa Kuya ko eh.

"Bish halika na" cold niyang sambit at hinatak ako papasok.

It's better to be quite than talk about it.

Nakadating na kami sa loob at sa pinakababa kami naupo.

Pinagmasdan ko ang kumpletong team ng Barden University, wala pang name ang bagong grupo at ngayon palang sila iisip, gusto kong masaksihan ang pag-iisip nila.

Our school doesn't have an animal symbol so every new batch of player, nagpapalit sila if they wanted to.

Biglang pumalakpak ang coach nila na hudyat nang pagsisimula. "Line up!" sigaw nito at nagsi-ayos ang basketball team. "Bago mag-start, we need to make a new name to our team, so any suggestions?" deretsong tanong nito.

May nagtaas ng kamay "Coach Growling Roars! na lang!"

Umiling ang karamihan "Barden Warriors?" tanong nung isa.

"Copy cat!" sigaw ni Art at nagtawanan sila. Ang happy nila, corny naman.

Sumulyap ako Kay Autumn na ngayon at nag iis-status sa Facebook.

"You are worth the pain." Ang nakalagay roon. Napailing na lang ako.

Itinuon ko na lang ang pansin ko pabalik sa grupo. "Coach, wala kaming maisip!" reklamo nung isa kaya naisipan nilang magtawag sa audience but ang papanget din.

"Baby! Ikaw may alam ka?" tanong ni Kuya Jonathan sa akin kaya napailing ako pero pinilit nila ako.

"Ah-uhm..." huminga ako ng malalim at tumingin isa-isa sa kanila "W-what if Serpents na lang?" suhestiyon ko at napaisip naman ang ilan.

"Ano naman meaning kung Serpents ang gagamitin?" tanong ni Coach Oscar.

"U-uhm, serpents are fast moving animals, they doesn't have feet or hands but they can still beat their preys up and knock it out. Meaning to say. Kahit dumating ang araw na humina ang team o may malalakas na kalaban ang tumibag rito, they can still think and move fast despite of not having the attributes to beat their own preys." pagpapaliwanag ko.

Tinitigan ako ni Autumn at bakas sa labi niya ang kagalakan. "Marvelous" bulong niya.

Pumalakpak si Art at nasundan ito ng grupo niya "I agree with the Serpents." Pag-sangayon ni Art sa akin na ikina lundag ng puso ko. They liked it.

Sumangayon si Coach Oscar na ikinatuwa ko. "Serpents it is. Now, show me what you've got." 

"Serpents!" sigawan nila.

Tumayo si Autumn at sumigaw

"That's my freaking awesome and marvelous best friend!"

Pinanood na namin ang practice at nagpakitang gilas ang mga Kuya ko na ikinatili ng manonood lalo na ni Autumn.

"SANTIBAÑEZ BROTHERS PAKASALAN NIYO AKO!!"

"ANG HOTTTTT!"

Sigaw ng karamihan, nakita kong napairap si Art at nagsimulang agawin ang bola sa grupo ng mga Kuya ko, wait practice lang ito at hindi game match.

Parang kidlat si Art ng i-rebound niya ang bola at nag slam dunk sa ring na ikinayanig ng buong court.

"KYAHHHHH ART!!"

"ART DATE TAYO!"

"SHIT SHIT SHIT!!!"

Sigawan nila at napatakip kami ni Autumn ng tenga.

Mas lalo pang uminit ang labanan, ibang-iba ang attitude ng bawat manlalaro sa court. My brothers looked so fierce, nawawala ang pagkaloko sa pagkatao nila ngayon. They are taking this match seriously.

Gano'n rin ang grupo nila Art. Ngayon, saksing saksi ko ang pag-iiba din ng katauhan ni Art. If you look at him right now, he looks like a professional basketball player na sobrang passionate at dedicated sa paglalaro niya. Nawawala yung pagiging campus playboy niya, he is looking decent in the court.

Nagpapagalingan sila, I can sense it. There's no reason to have such a serious competition. Where's your sportsmanship people?

The ball is on my brother's team, si Kuya Trip ang may hawak ng bola at nang i-shoot niya na ito. Nagulat kami nang biglang sumulpot si Art para i-block ang bola. Nag-ingay na naman ang buong court sa ginawa ni Art.

Where did he come from? How the actuall hell did he did that?

"Titig na titig ka kay Art ah? Matunaw 'yan." bumalik ako sa katinuan nang magsalita si Autumn.

"The heck you mean?"

Autumn rolled her eyes. "You're thinking way too deep while watching every move he takes Sheliah Maricar Santibañez."

"I am just examining them!"

"Utut mo bish. Examine-examine. Hindi ganiyan mag-examine ng isang grupo. Sa iisang specimen ka lang nakatingin, bias ah?" sinundot niya ang tagiliran ko at napa-liyad ako.

"Bwisit ka! I am not watching him."

"Hmm, sabi mo eh." kinindatan ako nito.


Natapos ang match I mean... Ang practice at nagpahinga lang saglit ang Serpents at binigyan ko ng towels ang mga Kuya ko.

Umuwi na din kami pagkatapos at pag bagsak ko sa kama ko ay nagulat ako ng may mag message sa akin.

From 09123456789

"Have a good night Shels, you'll be mine tomorrow"


Revenge On My Player Ex (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon