Game 21

27.3K 571 12
                                    


Game 21

"So casually cruel"

Sheliah Santibanez

He's right, he's my own knight in shining armors. Hindi dapat ako magpa-apekto sa mga iniisip kong masasamang bagay tungkol sa relasyon namin. I know he won't dump me and I feel it. Hindi niya rin ako lolokohin.

But if he does... I don't know what to do.

Nang matapos ang buong klase namin ay agad akong niyaya ni Art na pumuntang mall, ewan ko ba dito at hindi nagsasawa na magpunta ng mall dahil ako? Pwe, umay na umay na. I'm not the kind of person who socialize pero kapag kumakanta ako, I do want to socialize through singing.

"Hun, are you hungry? Bili tayo food?" umiling ako sa kaniya.

"Punta lang akong Comfort room Art." Paalam ko sa kaniya.

"Sige hintayin kita, bilisan mo ah?" tumango ako at sumandal siya sa pader habang naka-plug ang earphone, Back To December at Call It What You Want na naman ang pinakikinggan niya.

Ewan ko ba, lately. Tuwing magkasama kami ni Art, lagi niyang kinakanta 'yang dalawa na 'yan. Ewan ko ba, swiftie ba siya or ano eh.

Pagkapasok ko ng comfort room, agad akong nagtungo sa isang cubicle at narinig kong may mga babaeng pumasok sa loob.

"Like Oh my God, magkasama sila ni Art underneath the tree! They look so sweet Monica." Shit, nandito si Monica? Paano na ako lalabas niyan?

"Like if I care? That's temporary my dear." Temporary? binuksan ko ng kaunti ang pinto at nakatingin ako sa salamin.

"Are you really sure na totoo yang plan na pinapagawa niyo kay Art? 'Cause girl, he looks madly inlove with that nerdy." biglang bumigat ang pakiramdam ko sa nadinig at nanginig ang mga tuhod ko.

Tumingin si Monica sa salamin at sa mismong repleksyon ng pintuan ng cubicle ko pa kaya isinara ko iyon.

Narinig kong tumawa ng devilish style si Monica. "That's what I like about him, he's a good actor. If ever got the chance to produce my own movie, kukunin ko siya as lead actor as si Sheliah naman as lead actress. Of course, the plot would goes like this. Do you think na magugustuhan niya talaga yung Sheliah na yo'n? Hell no." Bakit niya nagawa sa akin 'to? For weeks na magkasama kami ay... it's just a lie?

"Sa bagay you have a point, Art is the meaning of perfection at hindi sila bagay nung nerd na 'yon, mas bet ko kayo ni Art Monica!" Cheer nung babae sa kaniya.

"Huh, dapat lang. Art is only mine and no one can steal him away from me." nagtawanan silang dalawa at lumabas. I was sobbing inside the cubicle at buti na lang ay ako na lang ang mag-isa sa loob ng comfort room. 

Hindi na alintana ang takot na nararamdaman ko, lungkot at galit ang nanaig sa puso ko.

How did he do this to me?

Nagpunas ako ng mga luha at inayos ang mata ko na hundred percent sure na walang mababakas na galing sa iyak. 

"What took you so long? Nakita kong lumabas si Monica... Nagkasagutan ba kayo?" Nag-aalala niyang tanong and I just smiled at him, a geniune yet a fake smile.

"Hindi ko naman siya nakita sa loob eh." Pagsisinungaling ko oh wait, it's a fact. Hindi naman ako lumabas at nagtago.

"Good, so let's go? I bet you're hungry." Hinawakan niya ang kamay ko at tinitigan ko iyon. He interwinds our fingertips as we walk.

Pati ba 'to Art ay palabas lang din?

Napahinto siya saglit "Why your hands are trembling?" kunot-noo niyang tanong. 

"Uh--baka kasi hinahanap na ako sa bahay namin, alam mo namang nagkakainitan kami ng mga Kuya ko." pagsisinungaling ko.

Ngumiti siya ng malungkot at iniba ang direksyon. Napunta kami sa parking lot at sumakay sa kotse niya. 

Tahimik ang naging buong byahe at tanging tunog lang sa labas ng kotse ang maririnig mo, nagtulog-tulugan kasi ako. Iniiwasan kong kausapin niya ako.

There's a part of me na naniniwala kay Monica at hindi. Kasi look, ashe laughs right at the moment when she saw me. No-- sinisiraan niya lang si Art.

"Sheliah, wake up." Tinapik-tapik ako ni Art ng mahina at kunwaring kakagising ko lang.

Humikab ako ng peke. "Oh, nandito na pala tayo... Sorry nakatulog ako." tinanggal ko ang salamin ko at kinusot ang aking mga mata.

"Yeah, you seem tired. Pero sana nag-enjoy ka... Sana napasaya kita kahit papaano." ngumiti siya ng malawak sa akin at hinawakan ang kamay ko at tinanggap ko iyon without any hesitations.

"Thanks for tonight." 

"My pleasure, my love. Matulog ka ng maaga ah? H'wag kang magpupuyat. See you on school, I love you."

I can't feel anything, even my heart... I am so numb but deep down, I know that I am wounded. Wounds that are deeper than the deepest sea, emotions that are heavier than the heaviest rainfall.

Nang maka-alis siya, tuluyan na akong pumasok sa bahay at nagtaka ako ng may makita akong dalawang maid. "Excuse me, bakit po kayo nandito?" tanong ko sa kanila.

"Ay! Hello po Ma'am Sheliah tama ba?" Um-oo ako. "Kami po ni nanay Carmelita ang na-assign niyong bagong katulong, ako nga pala si Roxette." Pagpapakilala niya.

"It's nice to meet you." nagpaalam na ako sa kanila at dumaretso sa may sala at laking gulat ko nang madatnan na kumpleto ang pamilya ko. 

Napatingin silang lahat sa akin. Bakit na naman nandidito 'yang lalaki na ya'n?! Pumikit ako at ikinuyom ang mga kamao ko at humingi ng malalim. 

"A-anak have a seat at kakain na tayo." Inaya ako ni Mama, sumunod ako sa kaniya at umupo sa bakanteng upuan. Katabi ni Kuya Jonathan.

"Let's eat" Anunsyo ng ama ko, nagsimula na kaming kumain. Kahit ngayon lang susubukan kong kumalma, I hope the monsters inside me won't crumble.

Revenge On My Player Ex (Book 1)Where stories live. Discover now