Game 12

31.8K 690 60
                                    


Game 12

"You make me so happy it turns back to sad"

Sheliah Santibañez

Kanina pa ako pagulong-gulong sa kama dahil sa nabasa kong text

Sino yun? Wala naman akong textmate at puro, NDRRMC at loads lang naman laman ng messages ko.

I'll be his soon? Who the hell would dare to love somebody like me?

"Princess, let's eat dinner." Tawag sa akin ni Kuya Axel at tumayo na ako at itinago ang cellphone ko sa drawer.

"I'll go down later Kuya, just wait a minute." tumango siya at bumaba.

Nale-letse na ako sa mystery sender na 'yan ah? And I only know one person who calls me "Shels."

Art is the only one who used to call me Shels...


Wait--wait! Don't tell me na siya ang nagsend nito at alam kong imposible iyon dahil ang PANGIT KO.

But God kinilig ako! Lupa kainin mo na ako ngayon na please lang!

Really si Art? But--he's too perfect at baka pinaglalaruan niya lang ako. He's a player and baka-- I'm his next victim.

Pero what if hindi rin? Nagbibigay siya ng signs na baka gusto niya din ako. Hindi naman sa assuming ako pero parang gano'n na din.

Hindi naman ako mag-aasume kung hindi siya nagbigay ng motivation.

Bumaba ako papunta sa Sala at nadatnan ko silang lahat na naroon at hinihintay ako kaya ng dumating ako natuwa sila.

"FINALLYYY!" Kuya Trip felt relieved. "May date pa ako bukas Ma, kaya matatagalan ang uwi ko." Naka-smile na saad ni Kuya Kay Mama nang matapos kaming magdasal.

Natawa si Mama "Lagi ka namang may ka-date na bata ka. Kapag ikaw na inlove, sige ka."

Yep, kapag siya talaga na in-love. Madaming nabaliw sa love na 'yan haha.

"Maaaa mandiri ka nga diyan sa sinasabi mo, your handsome son will never fall." proud niyang sambit.

"Talaga lang ha? Then well see and don't you ever come for me if you cry." Nakangiting sambit ni Mama.

"Hahahaha! Boom pwede na pang teleserye." natatawang sabi ni Kuya Ryle.

"Oo na Ma, ikaw na talaga at sayo na ang korona for the best line maker." Natatawang saad ni Kuya Axel habang ngumunguya.

"Hey Axel, don't talk when your mouth is full." Saad ni Mama.

"You're wrong ma, don't moan if your mouth is full." nakangising saad ni Kuya Trip kaya binato siya ni Kuya Jonathan at Ice ng bulaklak na galing vase.

"What the f*ck?!" Sambit ni Kuya Ice "Ma! Huwag mo na palabasin 'to!" Oh gosh what in the world.

Nagtawanan lang kaming lahat.

"Ang quite naman ng baby namin." sambit ni Kuya Jonathan at inirapan ko lang ito. "At umiirap pa nga siya, pero bakit mukhang GV na GV ka ngayon ah?"

"Oo nga Sis, in love ka ano?" Asar ni Kuya Axel.

"What? Ew. It's nothing, highest lang ako sa test." palusot ko.

"Weeeeh? Wala namang test ngayon ah? Kakatapos lang at new quarter na ngayon." binigyan ako ng nakakalokong ngiti ni Kuya Trip.


"Binigyan kami, bakit ba?!"

"Sige nak, sinabi mo eh." at nagtawan sila at napasimangot naman ako dito pero napangiti din ako pagkatapos.


Nang makapasok kami sa school, agad akong pumunta sa classroom ko. I need to find out the real reason why he send that message or kung tama ba ang hinila ko.

Nakita ko si Art sa upuan niya kaya kumalabog na naman ang dibdib ko. Kinagat ko ang aking pang-ibabang labi at huminga nang malalim.

This is it.

"Para kang tanga d'yan." lumingon ako sa gilid ko at si Monica iyon.

I wanted to roll my eyes pero yumuko na lang ako.

"Hays, ang mga baduy nga naman. Whatever." umiling ito at nakipag-kwentuhan sa mga kaklase namin.

Dumaretso ako sa upuan ko. Naramdaman kong kinalabit ako ni Art kaya lumingon ako.

"Naka-tanggap ka ba ng text kagabi?" He asked. Tumango ako sa kanya.

Please be right...

Napa face palm si Art. "God! I'm sorry kinuha kasi ng tropa ko yung phone ko eh, ikaw pala ang prinank niya." sambit niya.

"I knew it tsk." I faked my irritation. Deep inside I am completely broke in embarrassment. Why did I assumed so much? Not that I am hoping that he did send it... It's just, whatever. Indeed whatever.

Napakamot siya sa kaniyang batok. "Kung ano man yung sinend niya sa'yo, it's not true. Kung masama man 'yon."

Is it bad? It is.

"And if it's good?" I asked without any hesitation.

He smiled at me. "Then let it be."


Revenge On My Player Ex (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon