Chapter 25

83.5K 3.3K 319
                                    


Ilang gabi akong hindi nakatulog nang maayos dahil sa sinabi sa akin ni Dad noong tumawag siya. Pagkatapos no'n ay hindi ko na ulit sinagot ang kahit anong tawag mula sa kanya.

"Ms. Esguerra?"

Bumalik naman ang isip ko sa kasalukuyan nang na-realize kong nakatingin na sa akin ang classmates ko dahil kanina pa pala ako tinatawag ng professor namin.

"Ah. Sorry, Ma'am," sagot ko naman. I could see the disappointment on her face as she heaved a sigh. Maging ako ay napabuntong-hininga dahil maging sa mga klase ko ay distracted ako. I tried to focus again until she dismissed the class.

Dumiretso ako sa library para sana wala masyadong tao at makapagpahinga ako pero may galit yata talaga sa akin ang tadhana. Naglalakad din si Queenie sa hallway at nakatingin sa kanya ang ilang estudyante.

After that confession went viral, many of her admirers turned their backs on her while some believed it was written to damage her reputation. However, it seemed like she has been gradually shedding her skin. With her head and chin up, her eyes that sparkled with supremacy and how she walked with confidence, she honestly looked like a queen. It was annoying and incredible at the same time.

Bago pa kami magpang-abot ay lumiko na ako at pumunta na lang sa bench area kahit na may makikita rin akong bwisit do'n. As usual, he was sleeping with a notebook covering his whole face. Umupo ako sa tabi niya at tinignan ang phone ko.

Eight missed calls and three text messages. All from Dad.

Pinatay ko na lang ulit 'yon at napatingin ako kay Jazer. Buti pa ang lalaking 'to, mukhang walang problema sa buhay. Nakakainggit.

Nilabas ko ulit ang phone ko at nilagay sa airplane mode. Sinaksak ko ang earphones sa tenga ko at pumikit para naman kahit papaano ay ma-relax ang utak ko. Everything has been so chaotic these past few days.

'Cause I'm irrelevant

You'll be fine without me

And it's evident, it shows

My heart instantly sank when I heard those lines and I had to take my earphones off to breathe. Bakit ba ang malas ko ngayon?

Nagulat naman ako nang biglang dumilim ang paningin ko at hindi ko namalayang gising na si Jazer.

"Para kunwari natutulog ka," sabi niya habang hawak ang notebook na ngayon ay nakatakip na sa mukha ko. As if on cue, tears started streaming down my face.

Bakit ba nagiging iyakin na ako? Ano bang pakialam ko sa kanila? I already accepted the fact that they don't see me as their daughter so I did the same. What the heck is wrong with me?

"Ngayon na 'yon, 'di ba?"

"Shut up," mahina kong sabi.

At sa oras na umiiyak ako, laging ang lalaking 'to ang nasa tabi ko. Hindi ko alam kung nananadya ba siya o ano.

"Hindi mo ba talaga kaya?" tanong niya ulit. Gusto ko siyang samaan ng tingin pero ayokong makita niya ang mukha ko kaya hindi na lang ako umimik.

Ilang minuto kaming tahimik at naramdaman ko naman ang pagpalit niya ng kamay sa paghawak sa notebook. Hindi ko magawang hawakan 'yon dahil nanginginig ang kamay ko sa halu-halong emosyon.

"Ah. Nandiyan na raw si Kuya Larry," sabi naman niya.

"Go," I replied. "Mauna ka na."

"Chloe." We rarely call each other by our names so that startled me.

Baby MadnessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon