Chapter 20

96.7K 3.4K 435
                                    


"Busy ka?"

"Obvious ba?"

Inirapan ko siya dahil nanggugulo na naman ang lalaking 'to. Palibhasa tapos na ang exams niya last week. Tss.

"Pahiram naman ako ng notes kahapon sa 121," he requested and I looked daggers at him. Napabuntong-hininga na lang ako dahil alam ko naman ang nangyari kahapon.

Czanelle was sick and their teacher called her guardian. Apparently, I was the guardian, but I was taking our midterm exam so I forwarded the message to Jazer. Buti na lang at pinayagan ako ng prof na gamitin ang phone dahil sabi ko naman ay emergency. Pag-text ko sa kanya ay nag-okay naman siya at sinabi niyang aabsent na lang siya sa Math class namin after nito.

"O," I said, shoving my notebook to his hands. "Ibalik mo kaagad. Hindi pa ako nagrereview."

"Okay," sabay ngiti niya nang malawak.

Nandito kami ngayon sa library dahil pareho naming vacant period. Tahimik lang siyang kumokopya ng notes at ako naman ay nag-aaral para sa History exam namin bukas. Wala na kasi akong time mamaya dahil gagawin ko ang research paper sa Comm class ko.

I glanced at him since I heard him humming. At least, nasa tono naman siya ngayon at medyo mahina lang kaya hindi nakakahiya. Bigla ko tuloy naalala ang nangyari last week at naiinis ako kapag sumasagi 'yon sa isip ko. I couldn't believe I let him mock me like that. He used one of my weaknesses against me and now every time he looks at the ground, I'd get nervous because there might be a frog or a toad.

"Talaga? Wow naman."

"Ganda mo kasi."

Napalingon naman ako dahil biglang umingay sa likuran ko pero napatigil naman ako nang magkatinginan kami ni Katrina. Ngumiti naman siya sa akin at lumipat ang tingin niya kay Jazer pero nakafocus lang siya sa pagsusulat. I was about to call her but she turned around and went with her buddies. Sakto namang pag-angat ni Jazer ng ulo niya ay nakaalis na sila at hindi ko alam kung coincidence ba 'yon o ano.

"Ano 'to—bakit ganyan ka makatingin?" tanong niya at doon ko lang narealize na nakakunot na ang noo ko sa kanya.

"I always look at people like this. Akala mo naman special ka," I retorted and he laughed in return.

"Dami mong nasabi," sabay iling niya.

"Epal ka kasi. Hindi na lang magsulat, eh," sabi ko naman at saka ulit ako nagbasa.

Napalingon naman ulit ako pero hindi ko na nakita si Katrina. Ewan ko ba pero simula nang kumalat ang confession video na 'yon ay hindi na kami masyadong nakakapag-usap. Siguro dahil na rin marami nang kumakausap sa kanya at meron na rin siyang mga kaibigan sa class namin. Well, that was okay. At least, tahimik na ulit ang mundo ko.

"Uhm, seven ba 'to o one?"

Binabawi ko na. Hindi pa pala tahimik ang mundo ko hangga't nandito pa ang isang 'to.

"Duh? Mukha bang one 'yan?"

"Medyo."

Sinamaan ko ulit siya ng tingin at bago pa ako tuluyang mainis ay hinayaan ko na lang siya sa buhay niya. Nag-review na rin ako habang may oras pa pero bigla na namang umingay sa paligid. Paglingon ko ay nakita ko si Queenie kaya tumaas agad ang kilay ko. Hindi naman siya ang tipo ng taong tumatambay sa library para mag-aral kaya alam kong may iba siyang pakay.

She strutted her way towards the right wing and I realized that was where Katrina and her friends went a while ago. Bigla naman akong na-curious kaya tumayo ako.

Baby MadnessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon