Message Sent [19] -- Their happiness, His heartbreak

3.8K 95 8
                                    

<Luigi's POV>

Ang saya ko ngayon..

Malaman ko ba namang mahal ako ng taong mahal ko eh.

Tsaka liniligawan ko na sya...

Iba pala ang pakiramdam..

Mas masaya pa ako ngayon kaysa sa dati..

Ewan ko ba kung ano ang mayroon kay Mariel na wala ang iba..

Andito ako sa labas ng bahay nila Mariel ngayon.

Susunduin ko sya para sabay kaming pumasok sa school.

Syempre dapat karirin ko ang panliligaw ko para umo-o XD




"Luigi? Anong ginagawa mo dito?" tanong sa akin ni Mariel.




"Syempre sinusundo kaa." sabi ko.




"Oh sige, wait! Sasabihin ko lang kay manong na hwag na akong ihatid." pagkasabi nya non..

tumakbo na sya sa loob.

Di pa nga ako nakakasagot eh.

HAHAHA.

Di nagtagal..

Bumalik na din sya agad

at sumakay sa passenger seat.



"Kumain ka ba ng breakfast?" pagtatanong ko.

Mahirap na..

Baka mamaya..

Gutom pala sya..




"Opo, daddy" sabi nya ng tatawa tawa..




"Daddy ka dyan?" Loko talaga to.




"Eh daig mo pa ang daddy ko kung magtanong eh" ganon?




"Buti pa nga nagwoworry sayo eh." sabi ko na kunwari e nagtatampo.




Message Sent ✓ (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon