Message Sent [13] -- Affected/Like

4.2K 102 13
                                    



<Mariel's POV>

Katext ko pala si Batman kanina.. Kaso after kong maggreply sa kanya eh hindi na sya sumagot. siguro nakatulog na iyon..

Ako? Heto hindi ako makatulog. Ewan ko ba kung bakit.

Parang binabagabag ako ng konsensya ko.. Para kasing may nasabi ako kaninang hindi nya nagustuhan.. Haish..

Matawagan na nga lang si Hannah.. Wala pang ilang ring eh sinagot na nya..

[Hoy bruha, gabi na ha?] tamo toh. Iyon agad ang bungad sa akin -_____________-

"Etoh naman.. wala man lang hello? Iyan na agad ang bungad mo sa akin?" tanong ko na kunyari eh medyo nalulungkot. Haha..

[Ay nagdrama? Bakit ka ba napatawag?] pagtatanong nya.

"Eh di ako makatulog eh." sabi ko..

[Eh bakit naman? May insomia ka?] tanong nya.

"Wala.. Naiisip ko pa din kasi iyong pagiging tahimik ni Luigi kanina" sabi ko sa kanya.. totoo naman kasi.

[Ikaw ha? Nagkakagusto ka na sa kanya noh?] pangaasar nya.. hindi naman...... siguro?

"Ewan? Hindi naman siguro?" patanong kong sabi.

[Ashushu.. Ang luka.. Hindi sigurado?] Eh hindi naman talaga eh. Pero bakit dati..? Pagtinatanongako.. hindi agad ang sagot ko? Haish.. Nevermind..

"Eh sa hindi ko alam eh.." sabi ko.. totoo naman eh..

[Eh kung hindi mo sya gusto.. Bat ka affected?] Oo nga naman..

"Siguro dahil malapit ko na syang kaibigan?" Oo nga.. Dahil isa sya sa malapit kong kaibigan..

[Eh bakit parang nagtatanong ka?] kulet talaga nito.

"Eh kasii hindi ako sigurado?"Hanube? Bat parang hindi ako sigurado sa mga sinasabe ko?>___<

[Batukan kita dyan eh.. Bat ba ako ang tinatanung mo? Ako ba ang nakakaramdam?] Panira talaga toh. Seryoso ako dito eh..

"Eh kasi hindi ko din alam" pagsasabi ko.. totoo namang hindi ko alam. -__________-

[Para madali.. Ganito na lang.. Gusto mo ba si Ian?] Pagtatanong nya. Hayyy.. Gusto ko pa ba sya? Parang hindi na eh.

"Hindi." Oo, hindi ko na sya gusto.. Parang nung nakaraang araw lang crush na crush ko pa sya. Tapos ngayon.. Hindi na...

[Eh si Luigi?] Napatigil ako.. Hindi ko masagot. Kasi hindi ko alam..

"Ewan ko?" Hindi ako sigurado.......

[Eh bat pag sa kanya hindi ka sigurado?] haish. hindi ko alam...... Mababaliw na ako....

"Hindi ko alam.."

[So that explains everything..] Eh?

"Ha?" Pagtatanong ko.. Kasi hindi ko maintindihan..

[Nagsisimula ka ng magkagusto sa kanya. Sige na, matutulog na ko. Goodnight!] then binaba na nya.

Napaisip naman ako sa sinabi ni Hannah..

Dati pag tinanong nya ako kung gusto ko si Luigi mabilis lang akong sumagot ng hindi..

Pero ngayon..

Hindi na ako sigurado simula nung naging partner ko sya para sa project namin sa TLE.

Simula nung binalhan nya ako ng stuff toy na gusto ko..

Simula nung tumigil na syang asarin ako..

Simula nung aksidente ko syang nayakap..

Simula nung unang beses nya akong hindi pinansin..

Simula nun..

Nagiba na ang lahat.. Nag-iba na ang tingin ko sa kanya..

Siguro nga......

Unti unti....

Nagugustuhan ko na syaa..

At sana lang..

Hwag akong masaktan..

_______________________________

A/N:


Ayos lang po ba?

COMMENT/VOTE :)

THNKS PO! ^___^

Message Sent ✓ (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon