Message Sent [12] -- Selos

4.3K 104 16
                                    





<Mariel's POV>

Kanina pa kami nandito sa clinic. Ang tagal nga nung nurse eh.

"Ako na nga lang ang magagamot dyan sa sugat mo.." sabi ni Luigi. Napangiti naman ako dun. Bat ba ako napapangiti?

"Sanay ka ba?" tanong ko. Eh baka mamaya lalong lumala iyong hiwa ko eh. Okay Mariel, hwag kang OA.

"Hindi. Pero diba lalagyan lang ng betadine tapos bandaid?" pagtatanong nya sa akin. Eh hindi ko naman alam, ako pa tinanung XD

"Oo yata ganun iyong ginawa ni Ian dati eh.." sabi ko. Bigla namang nag-iba iyong face nya. Parang nadown. Mood swings?

Pumunta na sya sa mga cabinets at binuksan tapos hinanap iyong first aid kit. Pagkakuha nya non umupo na sya sa tabi ko at ginamot ang hiwa ko. Ang tahimik nga eh.. Nakakapanibago..

Pagkatapos nyang gamutin iyong sugat ko tumayo na sya at lumabas ng clinic. Sumunod naman ako.

Andito kami ngayon sa TLE room. Kami na nga lang eh. Ganun ba kami katagal sa clinic? Hmm.. Pinagpapatuloy namin iyong pagluluto namin.. Maghihiwa na sana ako kaso...

"Hwag ka ng gumawa.. Baka mahiwa ka nanaman" sinabi nya ng malumanay. Parang may mali eh.

Nagsimula na syang gumawa. Grabe! Ang galing nya. Yan pala ang medyo sanay na. Nakakainlove. Shit. Saan galing iyon?

Di ko namamalayan, tapos na pala sya. Grabe! Kahit na pawis na pawis na sya ang pogi pa rin. Parang gusto ko tuloy punasan iyong pawis nya. Hayy magtigil ka nga Mariel.

Pinacheck na namin iyong niluto namin, I mean nya. Well, we got a perfect score.

After that pumunta na kami sa room at umupo. Nakalimutan ko katabi ko nga pala sya. Hanube? Bat ba ang tahimik nya? Gusto ko sana syang kausapin kaso baka iisnob nya lang ako.. Di ako mapalagay. May nasabi ba akong hindi nya nagustuhan?

<END of Mariel's POV>

<Luigi's POV>

Andito ako ngayon sa bahay kasama ng mga barkada ko.. Tagal ko na ding hindi nakakasama tong mga lokong toh.

"Pre, ano bang problema?" Alex.

"Oo nga kanina ka pa tahimik dyan." David.

"Babae ba yan tol?" Andrei.

"Si Mariel noh?" Francis.

Damn! Naalala ko nanaman iyong sa clinic kanina..... Bat ba ko biglang nabadtrip? Haish. Di ko pa tuloy pinansin si Mariel. Tahimik lang ako buong araw..Tanungin ko na nga lang tong mga lokong toh.

"Oo pare eh. Di ko alam kung bakit ako nabadtrip nung binanggit nya iyong pangalan ni Ian." sabe ko ng seryoso.. Eto namang mga loko nagtawanan. Haish.

"HAHAHAHAHAHAHAHA" Sabe ko na nga ba mali ako ng pinagsabihan. ~_______~

"Ano ba? Seryoso ako dito tapos magtatawanan lang kayo.." sabi ng medyo inis.

Tumigil naman sila at nagtinginan at sabay sabay sinabing

"SELOS YAN" Selos? I've never been jealous. >______________<

Message Sent ✓ (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon