Message Sent [11] -- That Should Be Me

4.2K 91 13
                                    


A/N:


Short Update.

Sad to say may WB nanaman ako -______-

Ayaw akong lubayan. XD

Sorry sa mahabang paghihintay!

VOTE/COMMENT <3

_______________________________

<Ian's POV>

Tinitignan ko ngayon Mariel at Luigi. Close na close na talaga sila noh? Di ko maipagkakailang bagay sila. Bagay na bagay.

Ang saya saya ni Mariel habang nagluluto sila ni Luigi. Kung ako kaya ang partner nya, magiging masaya din ba sya? Sana.. Sana Oo.

Hayyy! Oo, crush ko si Mariel dati pa. Mahal ko na nga ata eh. Sya ang first love ko.. Pero sa tingin ko magkakaroon na ako ng first heartbreak.

Nasa kalagitnaan ako ng pag-iisip ng makita ko na nahiwa ang daliri ni Mariel. Pupuntahan ko na sana sya kaso naunahan ko ni Luigi.

Hinawakan ni Luigi ang kamay ni Mariel at sinipsip iyong dugong lumalabas. Nakita ko naman na napangiti si Mariel nung ginawa ni Luigi iyon.

Nagkakagusto na ba sya kay Luigi?

Talaga bang wala ng pagasang maging kami? Talaga bang nahuli na ako? Siguro nga. Siguro nga kailangan ko ng magmove on kahit hindi pa ako nakakagawa ng move, kahit hindi ko pa napapakita sa kanya na mahal na mahal ko sya.

Nagpaalam si Luigi na dadalhin nya si Mariel sa clinic.

Hindi ko mapigilang hindi magselos. Ang sakit eh. Parang pinipiga ang puso ko ng paulit ulit. Kasi dapat ako iyon eh.. Dapat ako.. Hindi sya.. That Should Be Me. :(

"Hui. Masusunog na iyong niluluto natin." sabi ni Hannah, partner ko.

Oo nga pala. Nagluluto kami ngayon, kamuntikan ko ng makalimutan dahil na pre-occupied na ang utak ko sa mga iniisip ko.

Nagconcentrate na lang ako sa pagluluto namin.

Pinilit kong maging masaya kahit na hindi. Kasi diba? Ang sabi nila kung ano ang mood mo.. iyon ang asahan mong kalalabasan ng niluto mo. Kaya ayaw ko namang madamay pa si Hannah sa mood ko at bumagsak pa kaming dalawa.

Carbonara nga pala iyong niluluto namin. Parehas kasi kaming mahilig dyan. Si Mariel naman, spaghetti. Haish! Ano ba Ian? Hwag mo nga muna syang isipin diba? Concentrate..

<END of Ian's POV>

<Hannah's POV>

Nagluluto kami ngayon. Etoh namang partner ko, parang wala sa sarili. -________________-

"Hui. Masusunog na iyong niluluto natin." sabi ko sa kanya.

Totoo naman eh. Tapos parang bumalik na sya sa wisyo nya at ipinagpatuloy iyong pagluluto.

Hwag kayong maingay ha? Pero crush ko sya eh. Hihihihi. :')

Sa tingin ko nga magiging kami sa bandng huli eh. Kasi parehas kami ng favorite food. Hahahahaha! Hwag ng kumontra.

Pumunta nga pala sa clinic si Luigi at si Mariel.

Nakoooooooo! Pustahan tayo oh? Magiging sila nyan. Kasi, meant to be sila. Tsaka ang lakas kaya ng chemistry nila. Tsaka sa tingin ko gusto na nila ang isa't-isa eh, kasi pag nagkakatinginan sila.. may spark. Tsaka makikita mo sa mga mata nila ang LOVE. Oha? :p Tsaka bagay na bagay kaya sila.

Oh teka. Ang daldal ko na masyado. Magluluto lang kami ha? Bbye!

<END of Hannah's POV>

<Ian's POV>

Malapit na naming matapos itong niluluto namin. Pero hindi pa din bumabalik sila Mariel at Luigi. Ano na kayang ginagawa nila sa clinic at ang tagal tagal nila?

Hindi kaya.......?

Okay Ian, baka naman wala pa iyong nurse tapos hinihintay nilang dumating. Tama. Hinihintay nila iyong nurse.

Pagkadating nung nurse, gagamutin na iyong kamay ni Mariel tapos babalik na sila dito tapos ipagpapatuloy na nila ang pagluluto nila.

Message Sent ✓ (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon