Message Sent [7] -- Classmate

5.6K 139 27
                                    

<Luigi's POV>

Andito ako ngayon sa bahay namin kasama ko ang barkada. Ewan ko ba sa mga yan kung bakit gustong gustong pumupunta dito sa bahay. -__- Kesyo lagi daw may pakain dito. Ang tatakaw talaga nila.

"Oy pre, balita ko may crush ka kay Mariel ahh." sabe ni David. Naalala ko tuloy iyon. Hindi ata sya pumasok kanina. Di ko sya nakita eh.




"HOY! Wala ah. Kanino mo naman yan nakuha?" tanong ko sa kanya. Wala naman talaga eh.




"Sabi kasi nitong si Alex hinahanap mo daw eh." tamo to. Pag ba hinanap may crush na agad? Di ba pwedeng gusto ko lang asarin?




"Oo nga hinanap ko kanina. Pero wala naman akong gusto dun pre. Gusto ko lang asarin." totoo naman eh.




"Gusto lang daw asarin!! Tol, baka iba na yan ha!!" sabe naman ni Drew.




"Gusto ko nga lang asarin!!"




"OK!! OK!! Masyado kang defensive eh!! Napaghahalataan ka na ha."




"HAHAHAHAHA!" Tawa nilang lahat. Haish!! Nakakabwiset talaga tong mga to o-oh.




"Tumigil nga kayo!!" sigaw ko sa kanila. Di na kasi nakakatuwa.




"HOY!! TIGIL NA!!" Saway naman ni Andrei na natatawa pa. ****! Kaibigan ko ba talaga toh? Parang may mga sanib eh. -___-




"OO NA!" sabay sabay nilang sabi.




"Mga tol, may tanung ako." sabi ko sa kanila



Message Sent ✓ (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon